Kabanata 17

78 23 0
                                    

Ilang oras na nakalipas simula nung makaalis si Ashley sa ospital. Naiwan ako mag-isa rito na nagbabasa ng libro habang tinitignan si Zico na ngayon ay nakaratay pa rin. Gayunpaman, dahil sa hindi ako makapag focus sa pagbabasa, lumapit ako rito at pinagmasdan ng malapitan ang mukha nito.

"Ayan! Babae pa! Nabugbog ka tuloy." Nakangusong sabi ko rito habang nilalapit ko ang mukha ko sa mukha nito.

"Sabagay, pogi ka naman kasi natural lang na marami talaga magkakagusto sa iyo." Sabi ko rito habang tinitignan ang mata nito na ngayon ay nakapikit.

"Pero mali pa rin yung ginawa mo, noh! Kita mong legal tayo kay tatay nakuha mo pa magpahuli. Ayan tuloy."

Oo, pogi siya pero hindi iyon ang basehan para mambabae siya. Iniisip ko tuloy kung paano nalang kung may totoong girlfriend talaga si Zico, malamang lagi mapapa-away 'yon dahil sa kaharutan ng lalaking 'to.

Gayunpaman, habang tinitignan ko ito hindi ko namalayan na mag ga-gabi na pala ngunit 'di pa ako nakakareview sa major subject ko.

Bahala na siguro. Inaantok na rin kasi ako, eh.

Walang pasabi ko inilapit ang upuan ko sa higaan nito at isinandal ang ulo sa kama nito. Nasa ganun posisyon ako nang makaramdam ako ng antok kaya naman hinayaan ko na lamang ang sarili ko na matulog ng araw na iyon.

"Hoy Sia! Gising!!! Male-late na tayo sa school!" Tawag sa akin ni Ashley habang inaalog ang balikat ko.

Para akong nanigas na yelo ng maalala ko na maaga pala ang exam namin ngayon, kaya wala sa sariling tumayo ako agad at kinuha ang gamit ko.

"Tara na." Aya ko kay Ashley na ngayon ay nag mamadali na rin. Habang nalabas kami ng ospital nakita ko ang nanay ni Zico na nag aasikaso ng ibang pasyente.

"Alis na kami tita." paalam ni Ashley dito na ikinangiti nito.

"Ingat kayo, salamat sa pag bantay sa anak ko. Good luck sa exam niyo." Sabi nito na ikinatungo ko na lamang. Nakasakay na kami sa kotse ni Ashley nang maisipan ko na ilabas ang reviewer ko upang sana ay mag review.

"Hindi ka nag review noh? " Tanong sa akin ni Ashley.

"N-Nag review ako no!" pag sisinguling ko rito na ikinatawa lamang nito.

"Wag ka mag-alala, nag review ako kagabi kaya kung gusto mo kumopya mag sabi ka lang." Sabi nito.

Sa totoo lang matalino rin itong si Ashley ngunit tamad nga lang pumasok. Sakit niya na ata ang bagay na 'yon. Gayunpaman, natapos namin ang exam namin ng hindi ako kumopya kay Ashley. Sapagkat, madali lang naman ang mga tanong kailangan mo lang talaga ng analyzation.

"Hindi ako sigurado sa sagot ko." Kinakabahan na sabi ko kay Ashley na ikinatawa nito habang nakain ng Fries.

Kung ano lang kasi lumabas sa pag kakaintindi ko sa tanong ayun ang sinagot ko, pero hindi ako sigurado. Wala akong tiwala sa sagot ko, eh.

"Mag bi-birthday kana bukas, ah. " Pag pa-paalala sa akin ni Ashley habang nasubo ng fries.

"Paano mo naman nalaman?" Nagtatakang tanong ko rito.

"Syempre, Nakita ko sa profile mo sa facebook. Inistalk kaya kita!" Sabi nito na ikinakamot ko na lamang ng aking ulo.

StalkeR paLa sI AsHley.

"So, ano balak mo sa birthday mo? " Tanong nito na ikinakabit balikat ko na lamang.

"Simpleng handaan lang siguro." Sabi ko dito na ikinatungo nito.

"Hindi mo ba kami i-invite man lang?" Tanong nito na ikinatigil ko sa aking pagkain.

Papayag kaya sila?

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now