Kabanata 33

63 7 3
                                    

Makalipas ng anim na taon, sa wakas ay nakapag tapos na ako sa kursong Bachelor of Science in Hotel and restaurant management at nakapag patayo na rin ng bahay namin ni tatay dito sa probinsya.

"Ang bagal mo naman." Naiinip na sabi sa akin ni Clark na ngayon ay nag iintay sa akin.

"Sabi ko naman sa iyo 'di ba mauna kana." Sabi ko dito habang inaayusan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin ng kwarto ko.

"Sa Manila tayo pupunta, malayo 'yon dito." Sabi nito na ikina irap ko na lamang.

Kung hindi ko lang talaga ka business partner ang lalaking ito, matagal ko na ito nasapak sa mukha. Kainis kasi palagi na lang ako nito pinagmamadali.

"Tito alis na po kami!" Nangiting paalam nito kay tatay habang hinihila ang maleta ko.

"Mag iingat kayo ha?"

"Opo tay, kayo rin po." Nangiting paalam ko rito bago lumisan sa lugar na iyon.

Ngayong araw ay Grand Opening ng restaurant namin sa Manila, kinakailangan namin pumunta dito dahil marami kaming kailangan ayusin ng ka business partner ko na si Clark.

"Good afternoon po ma'am and sir!" Nakangiting bati sa amin ng mga waitress namin na ka agad ko ikinangiti pabalik sa kanila.

Alam ko na mga working students at single parents ang ilan sa mga tinanggap namin na empleyado dito sa restaurant namin, pinasinadya ko iyon dahil gusto ko rin makatulong sa iilan.

Napatingin ako sa paligid at tinignan ang mga kagamitan sa loob. Napangiti ako sa ganda ng kinalabasan ng ideya ng pinsan ko sa pag de-desenyo sa restaurant na ito. Hindi ko inaakala na ganito ang kakalabasan nito.

"Eto tikman mo." Alok sa akin ni Clark na ngayon ay hinahatiran ako ng pagkain.

Tinikman ko agad-agad ang pagkain na binigay nito sa akin at hindi ako nag sisi pa na tikman iyon dahil ang totoo masarap ito.

"Inadd ko 'yan sa menu natin dito. Masarap ba?" Tanong nito sa akin habang na upo sa harapan ko.

"Oo masarap! Malasa." Sabi ko dito na ikinangiti lamang nito.

Nahawa ako sa ngiti nito kaya naman habang kinakain ko ang binigay nito na pagkain sa akin napapangiti na lamang din ako. Hindi ko talaga inaakala na magiging mahusay at successful na Chef si Clark. Ang akala ko noon ang alam lang nito ay pikunin kami ni Ashley ngunit mali ako. May malaking pangarap din pala itong lalaking ito.

"Congratulations! Ang ganda ng restaurant niyo." Nangiting bati sa amin ni Daniel na mukhang kakarating lamang kasama ang iilan nilang kaibigan ni Clark.

"Salamat, Daniel." Nangiting sabi ko dito na ikinatama ng mata namin.

"Woah! You're here pala!" Gulat na sabi nito sa akin na ikinangiti ko na lamang.

Matagal na rin kasi simula nung nakaluwas ako dito sa Manila, kaya matagal ko na rin 'di nakita ang mga ito pati na rin si Ashley at ang anak nito na si Axel.

"How are you? I thought hindi kana magpapakita pa."

"Okay naman ako." Sabi ko dito.

"That's good! Anyway, congratulations ulit!" Sabi nito sa amin bago kami nito iniwan doon.

Marami pang mga bisita ang dumating ng araw na iyon, kaya naman nakatulog agad ako sa hotel room na pinag s-stayan ko ngayon. Nagising na lamang ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko habang ako'y nakahiga.

Taranta akong napatayo sa aking hinihigaan nang maalala ko na kailangan ko pala pumunta ng maaga sa restaurant namin dahil may kailangan pa pala ako asikasuhin at pirmahan na papeles sa araw na ito.

Unloving you (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang