Kabanata 14

73 27 0
                                    

"Akala ko hindi kayo darating. " Nakangiting salubong sa amin ni Daniel na ngayon ay inaaya kami ni Zico sa loob ng bahay niya na kung saan maraming tao ang nag sa-saya.

"Happy birthday Daniel." nakangiting sabi ko rito na ikinangiti lamang din nito sa akin.

"Salamat Sia, buti pumunta ka. " Nangiting sabi nito na ikinangiti ko rin.

"Bakit naman hindi?" singit ni Zico habang nataas pa ang isang kilay.

Baliw ba 'to?

Kitang birthday nung tao binabara pa rin.

Sama talaga ng ugali.

"Anyway, your cousin is here. Alam mo ba?" Tanong nito kay Zico na ikinagulat ko.

Si Ashley nanditOooo?

OmG pAanO na 'to? PaAnO na paG nakiTA nIya kaMi nI ziCo? AnO na lanG saSabIhin niYa?!?

"Of course, I know. " walang ganang sabi ni Zico dito na ikinatingin ko rito.

"Bakit 'di mo ako sinabihan? " Nang gagalaiting sabi ko rito na ikinangisi lamang nito sa tabi ko.

Paano nalang pag nag krus ang landas namin ni Ashley dito? Ano sasabihin ko na ligaw lang ako dito ganun?

"Don't worry, She's with Clint. " Sabi sa akin ni Zico habang tinitignan ang relo niya.

"Clint? Yung kuya ni Clark? " Tanong ko rito na ikinatungo lamang nito. Kinakabahan akong napakagat sa ibabang labi ko.

Bakit ba kasi hindi ako ininform na nandito pala sila?

"Sia? " napalingon kami parehas ni Zico sa tumawag sa pangalan ko, halos mahulog ang panga ko nang makita ko si Clark sa harapan ko.

POta pati siya nandito?

"Anong ginagawa mo rito? " tanong nito sa akin habang naka kunot ang noo nito. Nadako ang aking paningin sa suot nitong simpleng t-shirt na puti at maong na pantalon.

"Ano rin ginagawa mo rito? " balik na tanong ko rito. Nagulat ako ng lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa kamay at hinila palayo kay Zico.

"Ano bang ginagawa mo? Alam mo ba na nandito rin si Ashley ha?" naiinis na sabi ko rito habang hawak-hawak pa rin nito ang kamay ko.

"Alam ko."

"Eh, ikaw bakit nandito ka?" tanong nito na ikinaiwas ko ng tingin sa kaniya.

Bakit nga ba nandito ako?

"S-Syempre Ininvite ako ni Daniel dito." na uutal na sabi ko rito na ikinatungo lamang nito.

"Eh, ikaw bakit ka nandito? Invited ka rin ba?" tanong ko rito na ikinatingin nito sa akin.

"Of course, nakakalimutan mo atang kaibigan ko rin si Daniel?" Natatawang sabi nito na ikinatawa ko na lang din.

"Syempre alam ko, nakalimutan ko lang no?" pag aamin ko rito.

"Sino pala kasama mo?" Tanong ko rito na ikina yuko niya.

"Wala, ako lang." Pakiramdam mo nabiyak ang puso ko ng marinig ko ang sinabi nito dahil ngayon ko lang narinig si Clark magsalita ng malungkot.

"Gusto mo ba siya kausapin?" Tanong ko kay Clark na ikina ilang nito.

"Hindi na Sia. Kasalanan ko rin naman, eh. kung bakit humantong lahat sa ganito." malungkot na boses na sabi nito sa akin habang nikakagat pa nito ang ibabang labi niya.

"Nahihiya na rin ako lumapit sa kaniya, kasi nakapag bitaw ako ng salitang ikakasama ng loob niya."

"Kaya mabuti na yung ganito na lang siguro, titigan ko nalang siya sa malayo kasama kuya ko." Sabi nito habang na tingin sa gawi nila Ashley at kuya nitong si Clint.

"Sabihin mo nga sa akin Clark may gusto ka ba kay Ashley?" Tanong ko rito na ikinalunok nito habang na tingin pa rin sa gawi ng mga 'to.

"Matagal na."

"Sobrang tagal na Sia." naiiyak na sabi nito na ikinagulat ko rin.

All this time, ngayon lang nag open up si Clark sa akin ng ganito. Ang akala ko yung mga biro niya noon kay Ashley ay hindi totoo ngunit mali ako.

"Bakit hindi mo sabihin sa kaniya?" takang tanong ko rito na ikina iling lang nito.

"Bakit pa ako aamin kung masaya na siya sa kuya ko?" Sabi niya habang kinakagat niya ang ibabang labi niya. Dala ng awa hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may gusto si Clark kay Ashley pati tuloy ako nalulungkot din sa nararamdaman ng kaibigan ko kay Ashley.

"Aalis na ako." Sabi nito habang dahan dahan nito inalis ang yakap ko.

"Ingat ka. Tawagan mo ako if need mo ng kausap." Habol ko dito na ikinatungo nito bago lumabas ng party.

Napakuha tuloy ako ng wine ng wala sa oras nang makita ko ang waiter na dumaan sa harapan ko, nainom ko naman na agad ito kahit pa 'di ko gusto ang lasa ng wine. Gayunpaman, habang hawak-hawak ko ang baso ng wine na walang laman nilibot ko ang mata ko at hinanap si Zico.

AsAn naMaN kaYa puMaNtA anG lAlakInG 'yOn!?

Nag lakad-lakad ako hanggang sa makapunta ako sa itaas ng bahay nila Daniel nakita ko na may isang kwarto na nakaawang ang pinto dahilan kung bakit dinala ako ng paa ko doon.

Walang tao roon tanging ang higaan lamang na malaki ang nandoon kaya malaya ako napahiga rito at inalis ang heels na suot ko.

"Punyetang heels 'to mapanakit." Sabi ko sabay hagis sa lapag.

Nasa ganong ayos ako ng makita ko na bumukas ang c.r ng kwartong ito. Halos mapatalon ata ako sa gulat ng makita ko si Daniel na nakatapis lamang ng tuwalya habang basang-basa ang buhok nito.

"Anong ginagawa mo rito? " sabay na sabi namin na ikinatawa namin pareho.

"Kwarto ko 'to." nangiting sabi niya na ikinatayo ko sa higaan nito.

"Ah ganon ba? Pasensya na ha? Naligaw ako." Sabi ko dito na ikinatawa lamang nito habang ginugulo nito ang basa niyang buhok.

"Okay lang." Sabi niya.

"Bakit ka pala nandito? 'di ba dapat nasa party ka? Birthday mo kaya!" pag papaalala ko rito na ikinatingin nito sa gawi ko.

"Mas peaceful kasi dito, eh. Kumpara sa baba. " Sabi niya.

Sabagay, tOToo naman kaSi maingay sA baba purO nag iinumAn tsaka nAg lalandian.

"Ah ganun ba? Sige ah bababa na ako! Pahinga kana diyan!" Paalam ko rito ngunit hinawakan nito ang braso ko dahilan kung bakit napatigil ako.

"Nandito ka lang pala." narinig ko na sabi ni Zico na ngayon ay nakasandal sa pintuan habang tinitignan kaming dalawa ni Daniel.

Napansin ko na medyo lumalalim ang tingin nito sa amin lalo na ng tumama ang tingin nito sa kamay ni Daniel na nakahawak sa braso ko. Gayunpaman, Mabilis ko naman inalis ang kamay ni Daniel na nakakapit sa braso ko at lumapit kay Zico.

"Tara na." pag-aaya ko rito na ikinatingin muna nito kay Daniel ng mariin bago kami nakaalis doon.

"Omg! Teka! Yung heels ko naiwan ko." Naalala ko ng makalayo na kami sa kwarto nito.

"Teka!!! Zico babalik lang ako, kukunin ko yung heels do---"

"You don't need to do that." sabi nito.

"Kaya kitang buhatin pauwi sa inyo." Sabi nito bago ako binuhat ng walang paalam.

"Hoy!! Baka mahulog ako!" kinakabahan na sabi ko rito habang nakakapit sa leeg nito.

"Edi sasaluhin kita." Sabi nito na ikinapula ng pisngi ko.

-------------------------------------

- Padayon 💓

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now