Kabanata 20

86 18 2
                                    

Simula nung hinalikan ako ni Zico sa Cafeteria na 'yon, araw-araw na ako puyat. Lagi ko kasi naaalala kung paano ako hinalikan nito sa harap ni Clark at Daniel.

AhHHH!!!!! NAKAKAHIYaaaaA!

Para tuloy akong tanga dito na papadyak-padyak dahil sa kilig at hiya.

"Baliw na ata anak natin Wilbert." Rinig ko na sabi ni nanay kay tatay na ikinaseryoso ng mukha ko.

"Hayaan mo siya, kumain kana diyan." Sabi ni tatay dito bago ako tinitigan.

"At ikaw? Sasama ka ba sa field trip niyo?" Tanong sa akin ni tatay na ikinatigil ko sa pag nguya.

"H-Hindi na po tay, gastos lang po." Sabi ko rito kahit pa gusto ko naman talaga sumama.

"Sigurado ka 'nak? Kaya naman namin bayaran ng papa mo yung sa field trip mo, eh." Sabi ni nanay sa akin.

Bigla tuloy ako nag dalawang isip kung sasama ako o hindi.

"Pag-iisipan ko po, nay." Sabi ko rito na ikinatungo-tungo lamang nito.

At dahil nga makulit sila nanay, napilitan nalang talaga rin ako sumama. Tuwang-tuwa tuloy si Ashley nang makita ako nito na nakasakay sa bus na sasakyan namin pa puntang Enchanted kingdom.

"Sizzzzzzzz!!!!!!" Sigaw nito nang makita ako, tumabi ito sa akin habang bitbit-bitbit nito ang mga gamit na dala niya.

Marami itong dala, kulang na nga lang ay magdala ito ng maleta dahil sa daming bag na dala nito.

"Ano ba laman nito?" Tanong ko kay Ashley habang tinutulungan siya na pwumesto sa may bintana banda.

"Of course, pagkain." Sabi nito na ikinatawa ko na lamang.

Lumipas ang ilang oras nang mapansin ko na may kasama pala kaming ibang students dito sa loob ng bus na sinasakyan namin.

"Anong strand 'yan?" Tanong ko kay Ashley habang nakaturo sa mga estudyante na kakarating lamang.

"A-Ah ayan ba?? Stem 'yan." Sabi nito na ikinalaglag ng panga ko.

TanGina?? STEMMMMMMMM!??

BaKit hINdI man lanG akO na inform!?

"Oh! Hi cous!!!" kumakaway na tawag ni Ashley sa pinsan nito na ngayon ay kakarating lamang. Para tuloy ako kinain ng lupa nang umupo ito sa gilid namin.

AnO ba 'yan!!!????

AnG dami-daming uPuAN, eh.

BaKit dito niyA Pa NAIsipan uMupo!?

Dahil sa kailangan, hindi ko ito magawang titigan kahit pa panay ang tingin nito sa gawi namin ni Ashley.

"Ganda ng tanawin no?" Tanong ni Ashley sa akin na ikinatungo ko naman.

"Picture tayo Sia. Dala mo ba yung Camera na regalo ko sa iyo?" Tanong nito na ikinatungo ko. Nakalagay ang Camera na iyon sa bag ko, kaya naman tumayo ako para kunin ito. Sa hindi maintindihan na pangyayari, nag preno ang bus na sinasakyan namin habang ako ay nakatayo, dahilan kung bakit bumagsak ako sa pwesto ni Zico. Mabuti na lamang at nasalo ako ng hita nito.

"Be careful." Sabi nito habang nakahawak sa bewang ko na ikinatungo ko naman agad. Tumayo naman ako nang mapansin ko na halos lahat ng estudyante ay sa amin nakatingin.

TanGina.

NakAkahiya.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Ashley na ikinatungo ko naman habang nabalik sa pwesto ko. At, tulad nga ng napag-usapan nag selfie kami habang nasa byahe.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now