Kabanata 30

51 5 4
                                    

Pumasok sa bahay si tatay ng balisa at wala sa sarili. Napatayo ako at lumapit dito, tinulungan ko ito umupo ngunit inalis niya ang kamay ko na nakaalalay sa kaniya. Napatingin na lamang ako dito at tumabi ng upo sa tabi nito.

"Sorry tay..." Naiiyak na sabi ko dito habang ako ay nasa gilid nito.

"Ano pa ba magagawa ng sorry mo? Nandyan na iyan." Sabi nito habang natingin sa tiyan ko.

"Alam mo naman na ang hirap ng buhay natin. Bakit mo naisip gawin 'yon?" 

"Sorry Tay.. sorry po." Umiiyak na sabi ko dito habang kinukuha ang kamay nito.

Aaminin ko, ginusto ko rin naman ang nangyari sa amin ni Zico pero nagsisisi ako na doon pa sa lalaking iyon ako na inlove ng husto. Sa totoo lang, sinusubukan ko pigilan na gustuhin siya ngunit marupok ako pag dating sa kaniya.

"Pumunta ka sa C.r at gamitin mo 'to." Sabi nito habang inaabot sa akin ang pt na hawak nito. Nanginginig ang kamay ko na kunin iyon kay Tatay.

"Pag positive sabihan mo agad ako. Pupunta tayo ng ospital." Sabi nito bago ako tinalikuran.

Kabado ako na makita ang resulta nung PT na hawak ko ngayon, kaya naman halos inabot ako ng kalahating oras sa C.R na nakapikit at nagdadasal na sana negative ang resulta nito. Nang idilat ko na ang mata ko halos mapahagulgol ako nang malakas nang makita ko na nag dalwang linya ito.

Paano na 'to?

Tulala akong lumabas sa C.R namin habang si Tatay naman ay nag iintay sa akin sa labas. Inagaw nito ang PT na hawak ko at tulad nga ng inaasahan ko, inaya ako nito na mag patingin sa doctor. 

"2 months ka ng buntis iha." Sabi nung doctor sa akin habang chine-check up ang tyan ko.

"Iwasan mo ang stress, iha. Mahina ang kapit ng bata." Dagdag nito na ikinatungo ko na lamang.

Binigyan ako nito ng gamot para sa pampakapit ng baby sa tiyan ko. At, inaya na ni tatay na umuwi na sa bahay. Nang makarating kami sa bahay nakita ko na nandoon si Clark inaantay kami. Binuksan agad ni Tatay ang pinto at pinapasok ito.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko dito habang nalakad papasok ng bahay.

"Wala lang. Gusto lang kita makita na mapagalitan ng tatay mo." Nagbibirong sabi nito.

"Joke lang hahahaha." Tumatawang sabi nito habang nag pe-peace sign sa akin.

"Hindi ka nakakatuwa." Naiinis na sabi ko dito habang nairap pa.

Hindi ko alam kung ano trip nitong lalaking ito at punta ng punta sa bahay namin. Pinipikon lang naman ako nito. Bigla tuloy sumagi si Ashley sa isip ko ng mga oras na iyon, ilang buwan na rin simula nung huli ko siyang nakita. Gusto ko man tanungin si Clark kung kumusta na si Ashley ngunit hindi na lamang dahil hanggang ngayon alam ko pa rin na hindi pa naghihilom ang sakit na nararamdaman ni Clark kay Ash.

"Tito pahinga na po kayo." Sabi nito kay tatay nang makita niya itong nag titiklop ng mga damit.

"Kami na po diyan ni Sia." Sabi nito.

"Sigurado ka?" Tanong nito na ikinatungo ni Clark dito.

Naiwan kami ni Clark doon at kinuha pa ang mga ibang damit na nakasampay sa labas ng bahay. Habang kami ay kumukuha ng mga sampay napahinto ako at naalala yung araw na tinutulungan ako ni Zico magsampay ng mga damit. 

"Bakit? Nahihilo ka ba?" Tanong ni Clark sa akin na ikinatuloy ko na lamang sa ginagawa ko.

"Wala may naalala lang." Sabi ko dito na ikinahinto nito sa pagkuha ng damit.

"Huhulaan ko... Naalala mo si Zico, noh?" Tanong nito na ikina deny ko agad.

Yung gagong lalaking 'yon? dapat hindi na inaalala 'yon. 

"Hay nako! ayaw pa aminin, pero alam mo ba? Kahapon? binugbog siya ng tatay mo sa bahay nila." Sabi nito na ikinatigil ko sa ginagawa ko at napatingin sa gawi nito.

"A-Ano?"

"Hindi ko na kasi naawat si tito kahapon.Bigla nalang sumugod,eh." Sabi nito na ikinaalala ko kay Zico. 

"Pero deserve niya naman 'yon." Dagdag nito.

Natapos ang araw na iyon at na pag-usapan namin ni tatay ang tungkol sa bata na dinadala ko, na pag isip-isip namin na umuwi muna sa probinsya kila tita pag tapos ng aking graduation sa senior high.

"Doon kana rin mag Collge." Dagdag nito na ikinatungo ko na lamang.

Kahit pa ayoko doon, wala rin naman akong choice. 

Kinabuksan inaya ako ni tatay na lumabas. Halos ilang buwan na rin kasi ako nasa loob ng bahay nakakulong. Habang kami ay nasa byahe napatingin ako sa Facebook ko puro mention ang nakikita ko sa notification ko. Mention sa scandal namin ni Zico.

Sa inis ko pinatay ko na lamang iyon at hindi na nagawang pansinin pa. Hanggang ngayon sigurado ako na kalat pa rin sa university ang scandal namin. Nagpapasalamat ako at hindi pa rin ito iyon nakikita ng tatay ko. 

"Ano gusto mo?" Tanong sa akin ni tatay nang makapunta kami sa grocery store.

"Kahit ano tay." Sabi ko dito habang tinutulak ang Cart na hawak-hawak ko.

"Alam ko na naglilihi ka, kaya sinama kita dito." Sabi nito habang kumukuha ng mga prutas na gusto ko. Napangiti ako nang kumuha ito ng mangga, pakiramdam ko tuloy na patawad na ako ni tatay.

"Kuha ka lang diyan. Wag kana mahiya." Sabi nito habang naghahanap pa ng mga gusto bilhin din nito. Kumuha lamang ako sa naaayon sa gusto ko at umuwi na.

"Ako na bahala dito. Pumasok kana sa loob ng kwarto." Sabi nito na sinunod ko na lamang.

Patulog na ako nang makita ko na may tumatawag sa cellphone ko. Sinagot ko iyon agad nang malaman ko na si Attorney pala ang tumatawag.

"Hello po."

"Hello. Is this Sia Augustine Cruz?" 

"Opo ako nga po. Ano po mayroon? Bakit po kayo napatawag?" Tanong ko dito na rinig ko ito na huminga muna nang malalim bago ulit nagsalita.

"Nahanap na namin kung sino pumatay sa nanay mo." Sabi nito na ikinahigpit ko nang hawak sa cellphone ko.

"H-Ho? Sino po?"

"Base on the investigation...Pinatay ang nanay mo ng mga kawatan ng mga Gerviano."

"Do you have a connection with this family ba?" Tanong nito na unti-unti ikinapatak ng luha.

Gerviano? Pamilya nila Zico?

"O-Opo."

"I see." Sabi nito.

"Anyway, tatawagan na lang kita ulit para sa susunod na update sa kaso ng mama mo."

"Okay po, Salamat po." Paalam ko dito bago napahagulgol ng iyak sa sahig.

Nasa ganoong sitwasyon ako nang maramdaman ko na parang may kumikirot sa tiyan ko. Halos maging lantang gulay ako nang makita ko na may dumadaloy na dugo sa hita ko. Pilit ko tintayo ang sarili ko ngunit hindi ko magawa dahil natatakot ako sa dugo na nakikita ko.

"TAYYYYYYYYY!" Halos kumalabog ang pintuan namin nang buksan nito iyon. 

Gulat itong na patingin sa akin at dali-dali akong binuhat at dinala sa ospital na malapit sa amin. Sa sobrang kahinaan ng katawan ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tricycle ni tatay mabuti na lamang at pumunta si Anelyn sa bahay at nasamahan kami nito sa Ospital.

"Kumusta anak ko doc?" Rinig ko na tanong ni Tatay sa doctor na umaasikaso sa akin.

"She's fine." Rinig ko na sabi nito.

"But the baby didn't survive. I'm sorry." 

---------------------------------- 

- Padayon 💓

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now