Chapter XIX

1K 94 4
                                    

"Talaga ate, may mga sisiw d'yan na iba't-iba ang kulay?" amazed na tanong ni Angel habang ka-video call ko siya.

"Oo, ang ku-cute nga nila eh. Kapag nakita ko ulit 'yung nagtitinda, ibibili kita para pag-uwi lo d'yan, dala ko na." Nakangiting sagot ko.

Buong gabi na akong hindi nakatulog. Hinugasan at kinuskos kong mabuti ang mga kamay at braso ko pero pakiramdam ko, nakadikit pa rin sa balat ko ang malapot na dugo. Parang naaamoy ko pa rin ang lansa no'n. Parang nararamdaman ko pa rin ang mahigpit na pagkapit sa akin ni Lola Harlie.

Kaya maaga akong pumunta sa Vida Feliz Café para maki-wifi at makita sa video call si Angel. 'Yun lang kasi ang naiisip ko na paraan para gumaan kahit paano ang pakiramdam ko.

"Kailan ka ba uuwi Ate?" medyo malungkot na tanong ng kapatid ko. Sa totoo lang, siya ang pinakanami-miss ko sa Maynila. 'Yung mga tawa niya... Mahigpit na yakap at walang sawang paglalambing sa akin.

"Malapit na. Promise."

"Angel, anak, halika na at mag-breakfast ka muna dito." Narinig ko ang tawag ni Mama kay Angel.

"Ate, kain lang kami ng breakfast. Usap ulit tayo mamaya. I miss you ate. I love you!"

Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak. Sobrang miss na miss ko na talaga ang kapatid ko. "I love you too. Bye."

Umalis na si Angel sa screen nga kaharap ko na laptop. Pumalit ang nag-aalalang mukha nina Papa at Mama.

"Anak –"

"Ma, sorry. Kailangan ko na pong ibaba 'to. Usap na lang po tayo mamaya. Bye po." Hindi ko na sila hinintay pa na muling makapagsalita at kaagad ko na binaba ang tawag. Wala rin naman akong maririnig na maganda mula sa kanila kaya bakit ko pa patatagalin.

"Best friend!!!"

Umikot ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Yana. Nanggaling siya sa may likuran ko at bago ko pa siya malingon, nakaupo na siya sa bakanteng upuan na katapat ko.

"Good morning, bestfriend! ANg aga mo ah." Bati niya bago inilagay sa ibabaw ng lamesa ang ilang gamit niya. Parang walang pakialam sa tasa ng kape ko na muntik na niyang matabigh.

"Oo nga eh. Ikaw din ang aga mo..." Ang aga mong mang-inis.

"Teka, narinig mo na ba 'yung balita tungkol do'n sa nakitang katawan sa kabilang barrio?" Ang tanong ni Yana na 'yon ang totoong kumuha ng atensyon ko. Bakas kasi sa boses niya ang kaseryosohan. Inilapit pa niya ang upuan niya sa akin nang mapansin niyang wala akong idea sa sinasabi niyang katawan. "Ang sabi no'ng may-ari ng apartment na tinitirhan ko, may nakita raw na bangkay ng isang matabang babae do'n sa kabilang barrio. Walang ulo... Walang paa... Walang kamay..."

Walang kamay? Napalunok ako sa sinabi ni Yana pero hindi ako nakapagsalita kaagad.

"Kaya hindi pa nila matukoy kung sino 'yun. Iniisip pa daw no'ng mga nakakita kung ililibing na lang daw ba nila ang bangkay." Patuloy ni Yana.

"Bakit naman nila gagawin 'yun?" sa wakas ay tanong ko.

"Ayaw kasi nilang umingay ang probinsya na 'to sa mga katatakutan. Kaya ni hindi nga binabalita sa social media ang tungkol do'n sa nakitang bangkay. Ayaw nila na katakutan ang lugar na 'yon pati ang lugar na 'to. Saka ayaw nilang isipin ng ibang tao na ang lugar na 'to... Ay pugad ng mga baliw."

RecursionWhere stories live. Discover now