CHAPTER XXII

1K 90 2
                                    



Malamig ang gabi na mas pinalamig pa ng hanging binubuga ng aircon sa loob ng kwarto ko. Ibinalot ko ang kumot sa buong katawan ko para maibsan ang matinding lamig na nararamdaman ko. Ilang saglit lang ay may humila ng kumot ko pababa hanggang sa may t'yan ko. Pikit ang mga mata ko na muli kong inabot ang kumot at ibinalot sa sarili ko. Palalim na ang tulog ko nang maramdaman kong may humila na naman ng kumot. Dahan-dahan hanggang sa makarating sa may beywang ko.

Tsk. Sino ba naman kasi ang – teka. Sinong humihila ng kumot ko, eh mag-isa lang ako sa apartment na 'to?

Napabalikwas na ako at kaagad na binuksan ang lamp shade na nasa ibabaw ng katabi kong night table. Medyo madilim ang paligid, tahimik at malamig. Napatingin ako sa kumot na halos nasa paanan ko na. Nanginginig ang mga kamay ko na aabutin ko na sana 'yun nang biglang may mabilis na humila pababa. Kaagad na lumaglag ang kumot sa sahig.

Shit! Hangin 'to. Oo. Hangin lang kaya nahila ang kumotp baba. H'wag kang praning Junica!

Dahan-dahan akong kumilos at pumunta sa may dulo ng kama. Hindi ako sisilip sa ilalim ng kama ko kagaya ng mga horror movies. Aabutin ko lang ang kumot ko at pipilitin kong makatulog ulit. Mali. Pipilitin kong magising dahil alam kong bangungot lang lahat ng ito.

Halos gumapang na ako sa ibabaw ng kama bago ko narating ang dulo. Kukunin ko lang talaga ang kumot pero hindi ako sisilip, dahil ayokong makita kung ano o sino pa man ang nasa ilalim ng kama ko. Ibinaba ko na ang kamay ko upang abutin ang kumot pero wala akong nahawakan na kahit na ano.

Nasaan 'yun?

Kumakapa-kapa pa ako pero wala pa rin akong kahit na anong kumot na nahawakan. Hanggang sa napalitan na ng inis ang takot ko at sinilip ko na ang ibaba ng kama ko kung saan dapat nahulog ang kumot ko. At iyon ang pinakamaling desisyon na ginawa ko sa lahat, dahil sa halip na kumot ko ang makita ko ay isang duguang mukha ng babae ang bumungad sa akin.

Ulo lang ang nakalabas sa kanya at ang katawan niya ay nasa ilalim pa ng kama ko. Mahaba ang kanyang buhok at duguan man ang kanyang mukha ay medyo pamilyar siya sa akin. Sigurado ako na sa oras na mawala ang malagkit na dugo na iyon ay makikilala ko kung sino talaga siya. Pero siyempre wala akong balak na punasan pa siya lalo na at tuluyan ng nilukob ng takot ang buong katawan ko.

Muli akong umatras at para sa magsumiksik sa sulok. Kaagad namang nanlamig ang buong katawan ko nang mapahinto ako sa pag-atras na ginagawa ko. May nakapa kasi ako na malambot at malagkit na bagay. Nangatal na ang mga labi ko pati na rin ang kamay kong tila may sariling mga isip na nagpatuloy sa pagkapa sa kung ano man iyong nahakawan ko. Isang pares ng mga paa. Ibig sabihin, may nakatayo sa mismong likuran ko ngayon. May pumatak na tubig sa may noo ko. Hindi 'yun tubig dahil masangsang ang amoy. Tiningala ko ang pinaggalingan ng tumutulo sa noo at mukha ko. Ayun na naman siya... Ang naka-uniform na babaeng may mahabang buhiok at duguan mukha. Naknganga ang kanyang duguan ng ring bibgi kung saan nanggagaling ang masangsang na likidong bumabagsak sa mukha ko.

"Bangungot lang 'to. Bangungot lang 'to... Bangungot lang 'to..." Bulong ko habang nakapikit ng mariin ang mga mata at yakap ang aking sarili. Walang multo. Walang babaeng duguan. Binabangunot lang ako. Bangungot lang ang lahat ng 'to!

At sa muling pagmulat ng mga mata ko. Tumambad na sa harapan ko ang isang duguang mukha na halos kalahating dangkal na lang ang layo mula sa mukha ko! Magulo ang nanlalagkit niyang buhok na halos tumatakip sa buong mukha niya, lumuluha ng dugo ang mga mata niyang bahgya ko nang makita at nakabuka ang bibig niya kaya naamoy ko ang masangsang na amoy mula doon. Bakit ba parang hindi na 'to isang bangungot lang?!

Nangangatal na ang mga labi kong sumubok na sumigaw pero walang boses na lumabas mula sa bibig ko. Sinubsob ko na lang sa mga hita ko ang mukha ko at tinakip sa magkabilang tainga ang mga kamay ko.

Fck sht! Please! Gising ninyo na po ako!!!

"Junica..."

Napalunok ako nang marinig ko ang boses niya kahit nakatakip na ang mga kamay ko sa tainga ko. Pamilyar 'yon. Napakapamilyar ng boses niya. Dahan-dahan kong inalis ang mukha ko mula sa hita ko pati na ang mga kamay ko mula sa may tainga ko. Nangangatal pa rin ang mga labi ko at nanginginig anng buong katawan ko. Nasa sulok ang duguang babaeng nakasuot ng uniform at ako naman ay nasa kabilang dulo ng kama.

Umiiyak siya na para bang may masakit sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero sa kabila ng matinding takot na nararamdaman ko, kumilos ako at gumapang palapit sa kanya. May isang hakbang na lang ang layo ko mula sa kanya. Magkaharap kami pero hindi ko hindi ko pa rin makita ng maayos ang mukha niya dahil sa nanlalagkit niyang buhok. Gano'n pa man... May kutob na ako kung sino siya. Isang kutob na imposibleng maging tama.

"Tulungan mo ako..." aniya kasunod ang muling pag-iyak niya.

Ikinilos ko ang kamay ko palapit sa kanya...

Palapit sa buhok niya...

Palapit sa mukha niya...

At sa kabila ng nakasusukang amoy niya hinawi ng nanginginig kong mga kamay ang nanlalagkit niyang buhok ng dahil sa dugo. Hinawi ko upang makita ko ang mukha niya. Napatiim-bagang ako. Binalot ng sampung beses na lamig ang buong katawan ko at naiyak na lang ako.

Tang ina... Paano nangyari 'to?!

RecursionWhere stories live. Discover now