Chapter V

1.1K 121 4
                                    


"Eh siya nga lang ang lumapit dito sa table ko! Sino pa ba ang ibang kukuha ng bracelet ko dito!"

Bago pa ako makaupo ay napatingin ako sa sumigaw na customer sa loob ng Vida Feliz Café . Inilagay ko na ang gamit ko sa isa pang bakanteng upuan na nasa tabi ko at ang laptop bag sa ibabaw ng lamesa bago ako tuluyang umupo. Ang mga tingin ko ay nasa isang customer pa ring sumisigaw na dinuduro-duro si Kristine na nasa may counter, habang si Tita Aileen naman ay sinusubukang pakalmahain ang customer na tant'ya ko ay isang highschool student. Naka-school uniform kasi ito.

"Isoli na lang kasi ng babae na 'yan ang bracelet ko para tapos na ang usapan. Hindi naman mamahalin 'yun eh!" muling sigaw ng estudyante na tila walang pakialam kung pinagtitinginan na siya. Mabuti na lang at medyo maaga pa kaya hindi pa gaanong marami ang tao sa loob ng café.

Mula sa pwesto ko sa sulok ay napatingin ako sa bulsa ng suot na apron ni Krsitine. Naando'n kasi ang kamay niya na tila may hawak na kung ano.

"Ginawa na naman niya..."

Kumunot bigla ang noo ko nang maptignin ako sa lalaking nakaupo na sa may harapan ko. Ni hindi ko siya namalayang lumapit sa akin. Ang misteryosong lalaki na isa sa mga una kong nakita mula ng makarating ako sa lugar na ito.

"What do you mean?" wala sa loob na tanong ko habang pinagmamasdan ko siya. Tama ako, mas gwapo siya sa malapitan. Singkitin kasi ang mga mata niya, matangos ang ilong at tila natural ang pagkapula ng mga labi. Malapad din ang balikat niya, kahit nakaupo siya alam kong matangkad siya at mukhang alaga sa gym ang katawan niya.

"C'mon, alam kong alam mo ang ibig kong sabihin." Nakangiti at napapailing na sagot niya. Lumabas tuloy ang dimple niya sa kanang psingi. Bumaling ang tingin niya sa kinatatayuan ni Kristine at gano'n din ang ginawa ko. "This is not the first time na may nagwalang customer dahil sa bagay na kinukuha niya. I mean, dahil sa bagay na... ninanakaw niya."

"Ninakaw?" ulit ko. Ang tingin ko ay nasa lalaki ng kaharap ko.

"Oo, 'di ba 'yun ang tawag kapag kinuha mo ang isang bagay na hindi naman sa 'yo. Sa totoo lang, sakit na yata 'yan ni Kristine," patuloy ng lalaki bago humigop ng kape mula sa tasang dala pa yata niya mula sa original na lamesa na pwesto niya kanina.

"Kilala mo si Kristine?" Tila walang katapusan na tanong ko.

"Not really. Pero medyo matagal na rin kasi ako dito sa Barrio San Vicente, kaya medyo nakikilala ko na siya..." Ibinaba niya ang tasa ng kape at unti-unting sumeryoso ang mukha bago sinalubong ang mga tingin ko. "Pati na ang buong pamilya niya."

Napalunok ako ng laway dahil sa huling sinabi niya. Para kasing may kakaiba sa tono ng pananalita niya. Parang may gusto siyang ipahiwatig na mas malalim ang kahulugan.

Muling gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi niya. "Oh bakit bigla kang sumeryoso. Kung ako sa 'yo, puntahan mo na si Kristine bago pa magpatawag ng barangay o pulis 'yung estudyanteng nagwawala."

Tama siya. Masisira ang bakasyon ko kapag may dumating na mga pulis dito. "Sige, sandali lang. Babalik kaagad ako."

"Alright. Ako nang magbabantay ng mga gamit mo. But since nan'dyan naman si Kristine sa counter, I'm pretty sure na safe ang mga ito."

Napapailing na lang akong natawa sa sinabi niya bago tumayo at naglakad patungong counter.

"Good morning. Ano pong order nila?" bati sa akin Myra na ginagawang natural ang ngiti sa mga labi.

"Kristine..." mahinang tawag ko. Sinenyasan ko siyang lumapit na ginawa naman niya. Pasimple kong inilagay ang kamay ko sa bulsa ng apron niya kung nasaan din ang kamay niya. Tama ako. May bracelet nga akong nahawakan doon.

Bakas sa mukha ni Kristine ang pag-alala habang umiiling.

"Akong bahala," nakangiting sabi ko. Umorder na ako ng pagkain kay Myra bago naglakad patungo sa loob ng C.R. ng café.

Humarap ako sandali sa salamin at sinuri ang sarili ko. Hindi pa naman oily ang mukha ko, nakapaglagay naman ako ng liptint sa mga labi ko at mabuti na lang ay nagsuklay ako bago pumunta dito sa café. Ipinuyod ko lang ng mataas ang buhok ko na hanggang balikat na nakaugalian ko na ring gawin. Nakahinga ako ng maluwag nang ma-realize ko na maayos naman ang pagmumukha ko ng muli kaming magkaharap ng misteryosong lalaki.

'Teka, bakit ba ako nagwo-worry?!' napapailing na bulong ko bago ako nagdesisyon na lumabas ng C.R. at naglakad patungo sa nagwawalang estudyante.

"If I know! Palaging may nakawan na nangyayari dito! Ilang classmate ko na kaya ang nawalan ng gamit dito sa café ninyo! Kung hindi nga lang malakas ang internet connection ng wifi ninyo, hindi talaga ako magtatagal sa lugar na 'to!" bulyaw pa ng estudyante.

"Hi miss. Ito ba 'yung hinahanap mo?" sabi ko nang makalapit sa kanila. Sabay silang tumingin sa akin ni Tita Aileen.

Namilog naman ang mga mata ng estudyante bago kaagad na lumapit sa akin at hinawakan ang bracelet na nasa kamay ko. "OMG! Ayan nga! My bracelet!" maarteng sagot niya at kinuha na mula sa kamay ko ang bagay na kanina pa niya hinahanap.

"Nakita ko kasi sa may lababo ng C.R. kanina lang," nakangiting sabi ko.

"Thank you! Thank you talaga. Akala ko nawala na talaga 'to!" aniya bago biglang kumunot ang noo niya nang mapatingin sa akin. "T-Teka. J-Junica Alcantara?!"

Nakangiti akong tumango.

"Another OMG! Ikaw nga!!!" muling maarteng sabi niya bago nagtatalon sa tuwa. Hindi maalis-alis ang tingin niya sa mukha ko habang inaabot ang bag niya sa lamesa.

Nakangiti naman akong tumango kay Tita Aileen ng pasimple niya akong tinapik bago siya umalis.

"Pwedeng magpa-picture?!" puno ng excitement na tanong ng estudyante.

"Oo naman," kaagad na sagot ko.

Athabang natataranta ang esudyante sa paghahanap ng cellphone sa loob ng bag niyaay nilingon ko si Kristine. Nabasa ko mula sa labi niya ang sa salitang 'Thankyou' na sinagot ko ng thumbs up. Bumalik ang tingin ko sa lamesa kung nasaanang mga gamit ko. At kagaya ng inaasahan ko, wala na do'n ang misteryosonglalaki na hindi ko man lang nalaman ang pangalan.

RecursionWhere stories live. Discover now