Chapter XLIX

1.2K 101 14
                                    



Para sa isang BALIW...

Hindi lahat ng naririnig ay imahinasyon niya lang.

Pero hindi rin lahat ng nakikita ay kathang isip lamang din niya.

At hindi lahat ng sinasabi sa kanya ay puro katatohanan.

Isa sa pinakamabigat  na chapter sa nobelang ito.

Maraming pasabog.

Maraming rebelasyon.

Kaya maghanda tayong lahat para sa isa na namang...

Nakaba-BALIW na chapter para sa araw na 'to.

Happy reading!

***

***

***

***

***

***

***

***

"You're a victim of rape, Junica."

Nangatal ang mga labi ko kasunod ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko. May mga sigaw akong naririnig sa loob ng isipan ko.

Mga iyak.

Mga tawa.

Mga pagmamakaawa ng mga taong hindi ko maalala kung sino.

May kirot akong nararamdaman sa dibdib ko. Masakit. Sobrang sakit. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang sarili ko na maiyak. Pero kailangan kong pilitin ang sarili ko na kumalma. Gusto kong mas luminaw pa sa akin ang lahat. Gusto ko nang maalala ang lahat. Gusto ko nang malaman ang totoong pagkatao ko. "Please Dra... Sabihin mo sa akin ang lahat ng kailangan kong malaman... At lahat ng kailangan kong maalala."

Lumingon si Dra. Amor kay Ricky, tumango ito sa kanya bago muling nagsalita.

"Hindi talaga Junica ang pangalan mo. Ikaw si Carol. Caroline Tiffany Alcantara."

Pinunasan ko na ang mga luha kong bumabasa sa pisngi ko nang muling maupo si Dra. Amor sa harapan ko. Kailangan kong ikalma ang sarili at utak ko. Kailangan kong maintindihan at maalala ang lahat ng sasabihin niya.

"Almost 10 years ago, umakyat kayo ng bundok ng mga kaibigan mo kasama si Ivan... Siya ang boyfriend mo. Pero may humarang sa inyo na masasamang tao sa bundok." Humugot muna si Dra. Amor ng malalim na buntong hininga, na tila nag-iipon ng lakas ng loob na magpatuloy sa pagkukwentong ginagawa niya. "Sinaktan nila kayo... Pinagsamantalahan at pinatay ang lahat ng mga kasama mo."

Napasinghap ako sa mga sinabi niya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. At sa pagku-kwento ni Dra. Amor, parang nakikita ko na rin ang mga nangyayari sa isipan ko. Ang mga kaibigan kong pinatay. Si Ivan na wala ng buhay. At ako... Ako na naglalakad habang may hawak na duguang palakol. Bigla akong napamulat ng dahil sa nakita ko sa loob ng isipan ko.

"Ikaw lang ang naka-survive sa nangyari sa inyo, Junica. Ikaw lang ang nabuhay sa mga kasama mo. Pero nang makita ka ng mga pulis at ng mga taga-bundok... Tulala ka na lang at hindi makausap. Nagawa nilang dalhin ka sa ospital hanggang sa makauwi ka sa bahay ninyo, pero walang naging pagbabago sa kilos mo. Wala kang sinoman na kinakausap kahit ang mga magulang mo pa. Palagi kang umiiyak, nagwawala at minsan bigla na lang tatawa ng mag-isa. Hanggang sa ipa-confine ka na nga sa ospital namin ng mga magulang mo sa kauna-unahang pagkakataon. And that time, we found out na buntis ka."

Muling tumaas ang tingin ko sa mukha ni Dra. Amor. Parang ayoko nang marinig pa ang karugtong ng kwento niya pero kailangan. Kailangan ko nang malaman ang lahat.

"We took care of everything, Junica. You and the baby inside your tummy. Hanggang sa makapanganak ka na at doon namin nakita na unti-unting bumubuti ang kalagayan mo. Kinakausap mo na ang mga magulang mo at pati na ako. Nagagawa mo nang kausapin ang mga taong nakapaligid sa 'yo. Kaya lang, wala kang maalala sa kahit na anong nangyari sa bundok. Hindi mo na rin naalala ang mga kaibigan mo o kahit pa si Ivan. Pati ang pagbubuntis mo ay nawala rin sa alaala mo. And you started to call yourself, Junica Alcantara."

Biglang pumasok sa isip ko ang duguang babae na palagi kong nakikita sa panaginip ko at sa loob ng kwarto ko sa Haven Apartelle. Ang babaeng duguan at natatakpan ng makapal at nanlalagkit na buhok ang muka. Ang babae na akala ko ay nagmumulto sa akin ay walang iba kung hindi ang sarili ko lang din pala. Kaya pala hindi ko makita ang mukha niya. Kaya pala palagi siyang naglalaho sa tuwing susubukan kong hawiin ang buhok niya. Kaya pala hindi ko siya kaagad nakilala.

Dahil ang babaeng iyon at ako ay iisa lang.

"Hinayaan na lang namin na mabura sa isipan mo ang mapait na parte ng nakaraan mo para hindi ka mahirapan na makapag-move on. Dahil nakikita rin naman namin noon na bumubuti na ang kalagayan mo at bumabalik na ang dati mong sigla. Hanggang sa nagawa mo na ulit mamuhay ng normal at naging isang sikat na writer ka pa. Kaya lang almost three years ago, inatake ka ng depression mo na naging dahilan ng ng writer's block mo. Maraming reader ang naghahanap sa 'yo at palagi kang kinukulit na editor mo sa publishing company para sa bagong nobela mo. Pero halos isang taon kang hindi nakapagsulat. Doon ka sinimulang bitawan ng editor mo hanggang sa nangyari na nga ang aksidente kasama si Angel."

"Si Angel..." kaagad kong pinunasan ang luha kong nagbabanta na namang bumagsak. Bakit ba kasi napakaiyakin ko?! Hindi naman ako dating ganito. O sadyang masakit at mabigat lang talaga ang mga nalalaman kong katotohanan tungkol sa nakaraan ko. "Angel was my daughter, right? H-hindi ko siya kapatid 'di ba? A-anak ko siya?"

Saglit na hindi nagsalita si Dra. Amor. Binalot ng katahimikan ang buong kwarto na kalaunan ay binasag din ng psychiatrist ko. "Yes. Anak mo si Angel, Junica."

Tuluyan ko nang naisubsob ang mukha ko sa mga palad ko. Sa pagkakataon na 'yon, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahagulhol. Kaya pala sobrang gaan ng loob ko sa batang inaakalang kong kapatid ko. Kaya pala siya lang ang palaging nakakapagpangiti sa akin. Kaya mahal na mahal ko si Angel dahil sa akin siya mismo nagmula.

"I killed her. I killed my own daughter. Ako ang pumatay sa kanya." Ito na yata ang pinakamasakit na parte ng nakaraan ko na narinig ko mula kay Dra. Amor. Ang malaman o maalala na ako mismo ang pumatay sa sariling anak ko. "Ni hindi ko man lang siya natawag na anak ko. Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Ni hindi niya man lang naramdaman na mahalin ng totoong Nanay niya."

Tumayo na si Dra. Amor at niyakap ako ng mahigpit. "H'wag mong sabihin 'yan, Junica. Dahil aksidente lang ang lahat ng nangyari sa inyo ni Angel noon. Walang may gusto na mapahamak kayong dalawa. Hindi mo ginusto na mawala si Angel."

"Nawala siya ng dahil sa akin. Nawala siya nang dahil sa kabaliwan ko! Ako lang ang dapat sisihin dahil kagaya ng sinasabi nila, sira talaga ang ulo ko. Baliw ako. Totoong baliw ako."

"Shhh. Tama na 'yan. Gagaling ka pa rin, Junica. Gagaling ka ulit at babalik ka sa normal. Pero sa ngayon, kailangan mo munang tanggapin na wala na talaga si Angel... At pati na rin si ivan. At kung ano man ang lahat ng nakita at narinig mo na nangyari sa Barrio San Vicente, hindi 'yon totoo. Dahil lahat 'yon ay nandito lang sa loob ng isipan mo. H'wag kang mag-alala Junica... Tutulungan kita. At hinding-hindi ako mapapagod na tulungan ka hanggang sa gumaling ka."

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na yakapin ng mahigpit si Dra. Amor.

Tama nga sila. Tama silang lahat na baliw ako.

Sa pagkakataon na 'to, kailangan ko na sigurong tanggapin na ako talaga ang baliw sa kwento ng buhay ko. 

RecursionOnde as histórias ganham vida. Descobre agora