Chapter XXVI

1K 95 10
                                    


Mabilisang update habang sinisipag pa ako at wala pang deadline for script.

Thank you sa lahat ng naghihintay at nagbabasa ng bawat chapter.

Enjoy! :)

*

*

*

*

*

*

*


Someone's P.O.V.

"Babe... Babe, wake up..."

Iminulat ko ang mga mata ko na may nanlalabong paningin. Mabigat ang pa rin ang pakiramdam ko sa ulo ko na para bang gusto ko na lang matulog ulit. Umiikot pa rin ang palidig ko at nanghihina ang buong katawan ko.

"Babe, gumising ka... Kailangan mong gumising..."

Pipikit na sana ako ulit pero naramdaman ko ang mahihinang tapik sa mukha ko. Hindi iyon masakit pero ramdam ko na lumalakas na ang pagtapik niya sa mukha ko na sinasabayan ng pagyuyog sa mga balikat ko. Muli kong minulat ang mga mata ko at unti-unti ko nang naaninag ang muka ng lalaking kaharap ko. Duguan ang kanyang mukha at maga ang kanang mata niya.

"B-Babe..." Naiiyak akong mahigpit siyang niyakap. Hindi ako makapaniwala na buhay pa siya dahil ang buong akala ko kanina ay pinatay na siya ng mga halimaw sa lugar na 'to.

"Shhh... Babe, tahan na... Wala na tayong oras." Pinunasan niya ang mukha kong nanlalagkit sa sipon, luha at dugo. "We have to go now."

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Parang nasa isang kubo kami, magulo sa paligid at nagkalat ang mga bote nga alak. May dalawang lalaki na hindi ako sigurado kung tulog ba o walang malay. Ang isa ay nakadapa sa sementadong sahig samantalang ang isa naman ay nakaupo sa sulok.

"Babe, let's go..."

Hinawakan niya ang kamay ko para maitayo ako. Sagalit pa kaming natumba pareho dahil sa nanlalambot kong mga tuhod.

"H-Hindi ko kaya, masyadong masakit ang mga binti ko." Iyak ko.

"Babe, please... kayanin mo. Kailangan nating makatakas ngayon." Muli niya akong inilalayan na makatayo. Inilagay niya rin ang braso ko sa may balikat niya at sabay na kaming naglakad palabas mula sa maliit na bahay. Madilim ang paligid sa labas at tanging mga kuliglig at huni ng mga ibong panggagabi lang ang naririnig namin.

Halos kaladkarin na rin ako ng kasama ko habang naglalakad kami. Sobrang nanghihina talaga kasi ang mga binti ko. Hindi pa man kami nakakalayo ay nakarinig kami ng mga yabag na hindi kalayuan mula sa amin. Nagkubli kami sa may malakaing puno. Niyakap niya ako at tinakpan ang bibig ko.

"Putang ina! Nakatakas sila!" sigaw ng isang lalaki.

"Hindi pa 'yun nakakalayo. Hanapin ninyo!" Bakas ang bgalit sa boses ng isa pang lalaki.

"At kapag nakita ninyo, patayin ninyo na kaagad!"

Mabibilis na mga yabag ang sunod naming narinig. Parang mga tumatakbo sa kung saan at nakikipaghabulan sa bawat isa.

"Babe..."

Sinalubong ko ang mga tingin niya. Wala na sa bibig ko ang mga kamay niya at bumibilanggo na sa magkabila kong mukha. Hindi ko nagugustuhan ang nababasa ko sa kanyang mga mata kaya kaagad akong umiling kahit wala pa man siyang sinasabi.

"You have to go." Naiiyak na rin niyang sabi.

"No! Ayoko! Hindi kita iiwan dito!" mas lalo na akong naiyak nang makumipirma kong tama ang nasa isip ko.

"Babe please, kailangan mo nang maunang umalis. P-promise... Susunod ako, gagawa lang ako ng paraan para makuha ang atensyon nila," aniya. "Kailangang may mabuhay sa atin. Kailangan malaman nila kung anong nangyari sa atin dito."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na para bang 'yun na ang kahuli-hulihang beses na magagawa ko ang pagyakap na 'yun. "Susundan mo ako ha? Susunod ka sa akin."

Siya na ang kumalas mula sa pagkakayakap ko sa kanya bago tumango. "O-Oo... Promise." Sagot niya habang wala ring tigil ang paglandas ng luha sa magkabila niyang pisngi. Hindi ko alam kung bakit siya naiiyak. Dahil ba sa magkakahiwalay ulit kami? O dahil alam niyang hindi niya matutupad ang pangakong binitawan niya sa akin?

Hinalikan ko siya sa mga labi. Banayad at medyo matagal. Gusto ko lang tandaan ang pakiramdam na magkalapat ang aming mga labi dahil baka hindi na maulit pa. At pagkatapos no'n ay mahigpit ko siyang niyakap. "Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita." Sinagot niya ang yakap ko. Mas mahigpit sa pagkakataon na ito.

Hanggang ako na ang kumalas ng yakap mula sa kanya. At sa kabila ng napakasakit at nanlalambot kong mga tuhod ay nagawa kong tumakbo.

Saglit ko pang nilingon ang kasama ko at nakita ko siyang tumakbo palayo sa direksyon ko. Nagsimula siyang sumigaw at gumawa ng ingay upang makuha ang atensyon ng mga halimaw.

"Babe, dito tayo! Nand'yan na sila, bilisan natin!" sigaw niya bago siya tuluyang nawala sa paningin ko.

Nakarinig ako ng mas maraming yabag. Mas mabilis pero malayo na mula sa akin.

"Putang ina mo! Nasaan ang kasama mo! Nasaan 'yung babae?!" Gusto ko sanang bumalik nang marinig ko ang sigaw na 'yun pero pinigilan ko ang sarili ko. Nahuli na nila ang kasama ko.

"Magsalita ka kung hindi papatayin ka na namin ngayon!" muling sigaw pa ng isang lalaki.

Patuloy ako sa paika-ika kong pagtakbo pero isang putok ng baril ang saglit na nagpahinto sa akin.

Kasunod ang saglit na katahimikan sa paligid na pinapaingay na lamang ng mga kuliglig at ibong panggabi. Hindi... Hindi ko kayang iwanan siya. Hindi ko kayang iwanan ang lalaking pinakamamahal ko. Pinunasan ko na ang mga luha ko bago ako nagbitaw ng isang desisyon. Babalikan ko na siya at sabay kaming mamamatay kung kinakailangan.

"Carol!" Ang sigaw niya na muling nagpahinto sa plano kong pagbalik. "Please tumakbo ka na! Mabuhay ka para sa akin. Mabuhay ka para sa amin. Tumkabo ka na Carol. Iligtas mo ang – ahhhh!"

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa daan na dapat ay tatahakin ko para makalayo sa lugar na ito at sa daan pabalik sa pinaggagalingan ng sigaw niya. Gulung-gulo ang isip ko habang walang tigil sa pagluha ang mga mata ko.

Ano bang dapat kong gawin?

Saan ako dapat pumunta?

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko. Tama siya... Kailangan kong makaalis sa lugar na 'to. Kailangan kong mabuhay. Dahil kapag lahat kami ay namatay dito, mababaon na kami sa limot at kahit kailan ay hindi na makikita pa.

Muli nang tumakbo ang nanginginig kong mga paa. Tumakbo ng tumakbo palayo sa lugar na ito. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Pero isa lang ang alam ko. Gusto ko pang mabuhay.

"Tumakbo ka na... Carol... Please... Kailangan mong mabuhay... kailangan mong mabuhay, Carol!"

Tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw kasunod ang nakabibinging katahimikan. Wala na ang mga sigaw. Wala na rin ang ingay ng mga kuliglig at ibong panggabi. At sigurado ako... na wala na rin siya.

*******

JUNICA'S P.O.V.

Madilim ang paligid na bahagyang pinapaliwanag ng buwan mula sa labas ng bintana kong nakabukas ang kurtina. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama ko habang may nararamdamang kirot sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. May napaginipan namana ako pero hindi ko masyadong maalala ang mga pangyayari. Hindi ko maaninag ang kanilang mga mukha. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon? Bakit parang nasasaktan ako? Napapailing kong inihilamos ang mga palad ko sa mukha ko... Saka ko lang napagtanto na basa na pala ng mga luha ang magkabillang pisngi ko.

Ano ba talaga 'tong nararamdaman ko? Bakit ako umiiyak? Saka... Sino si Carol?

RecursionWhere stories live. Discover now