Chapter XXXVII

891 74 3
                                    

"Hahanapin kita... Hahanapin kita, Ayen... Gagawin ko ang lahat para mahanap ka."

Pamilyar na boses pero hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko at gusto ko pa sanang matulog. Pero nawawala ang antok ko dahil sa nararamdaman kong hapdi sa may kamay ko. Ipinilig ko pa ang ulo ko upang mabawasan ang matinding kirot nito.

Ano bang nangyari? Inilibot ko na ang nanlalabo kong paningin sa paligid. Nasa loob ako ng kwarto ko. Magulo ang mga gamit. Nakakalat halos lahat pati na ang mga damit ko. Tuluyan nang nagising ang diwa ko nang subukan kong tumayo at hindi ko 'yon nagawa. Ngayon ko lang napagtanto na nakatali pala ang kamay ko sa may headboard ng kama kaya masakit. Nakatali ito ng kumot ko.

Luminaw na ang paningin ko pati na rin ang isip ko. Nakita ko si Ivan na naglalakad mula may pinto papunta sa may paanan ng kama ko, at muling maglalakad pabalik doon. Paulit-ulit niya iyong ginagawa habang hawak ang plastic na naglalaman ng putol na kamay. Bumubulong-bulong siya, namimilog ang mga mata, tumatagaktak ang pawis sa noo habang titig na titig sa hawak niyang putol na kamay. Biglang naglaho ang lahat ng kung ano mang paghangang nararamdaman ko para kay Ivan. Napalitan iyon ng matinding takot.

"Fuck!" bulong ko nang hindi ko magawang tangalin ang pagkakabuhol ng kumot na nakatali sa mga kamay ko. Napatingin ako sa bintana ay napansin ko na gabi na. Ilang oras ba akong nakatulog?!

Napalingon si Ivan dahil sa pagmumura ko. Ngumisi siya. "Gising ka na pala."

"Ano bang problema mo, Ivan?! Bakit kailangan mo pa akong itali dito!" tapang-tapangan kong sigaw sa kanya kahit ang totoo ay nagpipigil na akong maiyak dahil sa takot. Nakakatakot naman kasi talaga ang hitsura niya. Para siyang nababaliw na hindi ko maintindihan.

"Dahil nga kailangan pa kita... Kailangan ko pa ang tulong mo."

"Pero bakit kailangan mo pa akong itali dito?!" muling tanong ko.

"Hindi ka tanga, Junica. Alam mo ang dahilan kung bakit kita tinali d'yan."

"Ivan... Ivan, please... kailangan ko nang iligtas ang kapatid ko. Pakawalan mo na ako dito!" Nagsimula na akong makiusap sa kanya. Sa hitsura niya ngayon para talaga siyang wala na sa sarili... Para siyang wala na sa matinong pag-iisip. Bakit ba ako napapalibutan ng mga ganitong tao sa lugar na 'to?! Bakit ako napapalibutan ng mga baliw?!

"Tutulungan nga kita na iligtas siya, Junica... pero kailangan mo muna akong tulungan!" namumula na ang mga mata niya at galos madurog na ang putol na kamay dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya dito. Saglit niya iyong binitawan sa tabi ko para mahawakan ang magkabilang pisngi ko, halos wala ng isang dangkal ang layo ng mukha namin mula sa isa't-isa. Naiiyak ang mga mata niya na hindi ko alam kung dahil ba sa galit o takot. Dahil sa totoo lang, hindi ko na talaga siya maintindihan. "Kailangan mo akong tulungan na patunayan sa kanila na hindi ako ang pumatay kay Ayen."

Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya. Nangangatal ang mga labi niya at basag na basag ang boses niya. Hindi ko alam kung bakit may biglang tanong ang pumasok sa isip ko. Posible nga kaya? Posibleng hindi ang pamilya ni Kristine ang pumatay kay Ayen?

"Bakit hindi ka na nakapagsalita, Junica?! Tangina!" sigaw niya at tumilamsik pa sa mukha ko ang laway niya. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa pisngi ko napara bang nais na itong durgugin. "H'wag mong sabihin na pati ikaw eh naniniwala na baliw ako?! Hindi ako baliw, Junica! Alam ko na ang pamilyang 'yon ang baliw at sila ang pumatay sa girlfriend ko!" Binitawan niya ang pisngi ko at muling kinuha ang plastic ng putol na kamay. Suminghot siya dahil tumutulo na ang sipon niya kasabay ng mga luha niya. "Hindi ko siya pinatay, Junica! Hindi totoo ang binibintang sa akin ng mga pulis! Oo, nag-away kami bago siya umalis ng Maynila. Pero hindi dahilan ang pag-aaway na 'yon para patayin ko siya. Akala ko lan g kasi... Akala ko niloloko niya ako kaya napagbuhatan ko siya ng kamay. Kaya nakipaghiwalay siya sa akin. Pero Junica, mahal ko si Ayen! Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko siya kayang patayin!"

RecursionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant