Chapter XLI

836 79 6
                                    

Ngayon ay mababasa na natin ang kanya-kanyang kwento
ng mga taong nakapaligid kay Junica...
May iba sa kanila na nagsasabi ng totoo.
At merong iba na gusto lang itago ang kanilang kabaliwan.

Nasa inyong panghuhusga na lang kung sino sa kanila ang
paniniwalaan ninyo.

At kung sino sa kanila ang sa tingin ninyo na totoong...

BALIW.




****

****

****

****

****

****

****

****



SP02 RICKY'S POV

3 DAYS EARLIER

"Ms. Yana Mojica?" basa ko sa hawak ko na papel.

"O-Opo..." Sagot ng babae nakaupo sa harapan ko.

"Ako si SP02 Ricky Jalandoon. May gusto lang sana akong itanong sa 'yo." Nasa loob kami ng isang maliit na kwarto, pareho kaming nakaupo ni Yana sa upuan at may maliit na lamesang nakapagitan sa aming dalawa. Ito ang kwarto na tinatawag naming confession room na nasa loob din ng presinto.

"Tungkol saan po? Saka, bakit ninyo po ako pinabalik dito?"

Tumaas ang mukha ko at nagtama ang mga mata namin ng babaeng mukhang trying hard na k-pop sa paningin ko. "Hindi mo pa ba lam ang nangyari sa babaeng nireport mo sa amin kagabi?"

"K-Kay Junica po?" Bakas sa mukha ni Yana ang pagkagulat. Mukhang wala nga siyang alam sa nangyaring gulo sa Museo Caridad.

Ilang oras lang bago makatanggap ng tawag ang opisina namin mula kay Junica na humihingi ng tulong para iligtas ang kapatid niya, ay nasa opisina na namin si Yana. Takot na takot siya at sinabi niya na may babae na sumusunod at nanggugulo sa kanya.

Si Junica Alcantara.

"Oo. Pumasok siya ng walang permiso sa Museo Caridad. Sinaktan niya ang buong pamilya na may-ari ng museo."

"Oh my God!" nasambit na lang ni Yana.

"Ms. Yana, pwede bang ikwento mo sa akin kung ano talaga ang nangyari sa huling beses na nakita mo Junica ng gabing i-report mo siya?" tanong ko. Nabasa ko naman ang report na ginawa sa kanya ng mga kasamahan kong pulis, pero gusto ko pa rin na sa kanya ko mismo marinig ang buong kwento niya.

"Ang weird naman kasi talaga ng babaeng 'yon! Lalo na nang gabi na 'yon, sunod siya nang sunod sa akin. Ayaw niya ako tigilan at hinihila pa niya ako papunta sa apartment niya."

"Pero bakit parang bigla mo na lang siyang iniwasan? Nang tingnan namin ang social media profile mo bilang parte ng imbestigasyon namin, nakita namin na marami kayong mga litrato na magkasama. Lahat 'yon naka-post sa profile mo at parang close na close kayong dalawa sa isa't-isa."

"Kasi ano... Uhmm... Weird nga siya! Weird ang writer na 'yun! At saka para siyang... Para siyang baliw."

Kumunot ang noo ko sa huling salitang binitawan ni Yana. "Anong ibig mong sabihin?"

"Okay fine, sasabihin ko na po sa inyo ang totoo... Kinaibigan ko lang naman talaga siya kasi sikat siya. Pinost ko ang mga picture namin together kasi nga gusto ko na madagdagan ang mga follower ko. Pero napipilitan lang talaga ako na kasama siya. Madalas nga kasi siyang weird siya at parang baliw."

"Linawin mo nga ang mga sinasabi mo. Paano mo nasabi na parang baliw si Ms. Junica?" Nang unang beses kong nakita na nagwawala si Junica, awa talaga ang naramdaman ko no'n. Umiiyak kasi siya ng mga oras na 'yon at ilang ulit niyang binabanggit ang pangalan ng kapatid niyang dalawang taon nang patay. Naaawa ako sa kanya kahit ang daming nagsasabi na baliw siya. Kaya ngayon, gusto kong maliwanagan ang sinasabi nilang baliw ang babaeng kinaaawaan ko.

"Noong unang beses kasi na nakita ko siya sa Vida Feliz Café, mag-isa lang siya no'n... Nakatulala lang sa laptop niya tapos bigla na lang ngingiti at susundan ng pagtaw. Minsan pa, para siyang may kinakausap sa loob ng isipan niya na hindi ko maintindihan. Parang may nangyayari sa paligid niya na hindi ko nakikita. Sir, baka isipin ninyo na ako ang weird dito, pero sinasabi ko lang kung ano 'yung napansin ko dati. Hanggang sa ayun nga, nang magkakilala kami mas lalo kong napansin ang pagiging weird niya. 'Yung pananalita niya at mga kwento niya. Basta weird ang lahat sa kanya! Kaya sinimulan ko na lang siyang iwasan."

"Iniwasan mo siya kasi hindi mo gusto ang mga kinu-kwento niya sa 'yo? Saka 'yun ba ang basehan mo ng pagiging baliw?"

"Siyempre, hindi lang 'yun!" pinanlakihan niya ako ng mga mata bago sumandal sa inuupuan niyang monoblock na may sandalan sa likod kasunod ang pagsiklo ng mga kamay niya. "Hindi naman talaga ako maselan sa mga nagiging kaibigan ko. Pero kasi... Nagsimula talaga 'yung pag-iwas ko nang ipakilala niya sa akin si Ivan."

Mula sa sinusulatan kong maliit na notebook ay napataas ang tingin ko sa kausap ko nang banggitin niya si Ivan. Ang isa sa mga pangalan na isinisigaw ni Junica habang nagwawala ito. Pero ang kakaiba sa pangalan na iyon, hindi ko siya mahanap sa buong Barrio San Vicente. "Sino si Ivan?"

"Ewan ko." Kibit balikat ni Yana. "Magkasama kami no'n sa may gilid ng kalsada. Kinu-kwentuhan ko pa siya ng mga plano ko sa gagawin kong pagsusulat ng libro kasi nga gusto ko na maging kagaya niya na sikat na writer. Tapos ayun, bigla siyang lumingon sa may likuran namin at binati si Ivan. Matagal na niyang kinu-kwento sa akin 'yung lalaki na 'yun, matagal na rin akong curious na makilala siya. Tapos nang araw na 'yun.. Pinakilala na siya sa akin ni Junica. Pero ano kasi sir..."

"Pero ano?" Naiinis na ako sa ginagawa niyang pagbibitin sa kwento niya.

"Pero nang ipakilala niya sa akin si Ivan, wala naman siyang ibang kasama no'n. Walang Ivan o ibang tao na lumapit sa kanya o sa pwesto namin. Sa totoo lang, medyo kinilabutan nga ako ng mga oras na 'yon. Para kasing may kausap talaga siya na hindi ko nakikita. Natakot ako kay Junica kaya sinakyan ko na lang ang lahat ng mga sinasabi niya. Sinakyan ko na may Ivan din akong nakikita sa tabi niya. 

Mula no'n sir... Iniwasan ko na talaga siya hindi lang dahil nawi-weirduhan ako sa kanya. Kung hindi dahil natatakot na ako sa kinikilos niya. Naiintindihan ninyo naman po siguro ako 'di ba? Dahil sa totoo lang, ngayon ko lang narealize na nakakatakot pala talaga kapag may kaibigan kang isang baliw."

RecursionWhere stories live. Discover now