Chapter XV

1K 91 4
                                    



"Ate! Ate, h'wag ka nang umalis please!!!"

Nang marinig ko ang boses ni Angel ay gusto ko sanang huminto sa gagawin kong paglabas ng bahay. Pero nagpatuloy ako. Dahil gusto ko na talagang lumayo. Gusto ko nang umalis sa bahay na 'to. Mabilis akong naglakas palabas at padabog na sinarado ang pinto. Kaagad akong pumasok sa loob ng kotse ko. Bumusina ako ng pagkalakas-lakas para buksan kaagad ng kasambahay naming nagdidilig ng mga halaman ang gate, bago ko pinaharurot ang kotse paalis ng bahay. Walang tigil ang mga luha ko sa paglandas sa magkabila kong pisngi habang nagda-drive. Malalim na ang gabi at hindi ko rin talaga alam kung saan ako pupunta. Kung ano ang dapat kong gawin. Isang bagay lang ang sigurado ako, gusto ko nang kumawala mula sa pagiging makasarili ng mga magulang ko.

Napalingon ako sa katabi kong upuan kung nasaan ang backpack ko na may laman na mga notebook at isang laptop, mabuti na lang at nadala ko 'yun. May dahilan ako para hindi kaagad na umuwi sa bahay. Saglit akong kumilos para iseatbelt ang bag. Mahirap na dahil baka masira pa ang kaisa-isang bagay na nasa loob ng bag ko na sobrang pinakamamahal ko. At nang maikabit ko na ang seatbelt ay umayos na rin ako ng upo. Pero isang nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sa paningin ko kasunod ang nakabibinging busina ng mga sasakyan.

****

Mabigat ang pakiramdam ko sa dibdib ko nang bumangon ako mula sa kama. Hinahabol ko ang mabilis na paghinga ko habang walang tigil ang mga luha kong lumalandas sa magkabila kong pisngi. Hindi ko pa rin mapigilan ang maiyak sa tuwing maaalala ko ang pangyayari na 'yon. Kung paano ako sinampal ni Mapa, kung paano ako sinumbatan ni Mama. At ang mga iyak ng nag-iisang kapatid kong kapatid na si Angel.

Siguro nga ay nasa akin na ang lahat ng gustong maabot ng isang nangangarap na manunulat. Pero ang hindi nila alam, may isang pangarap pa ako na kahit kailan yata ay hindi ko na maaabot pa. Ang suportahan ng mga magulang ko ang nag-iisang bagay na kaya at alam kong gawin para mabuhay. Ang magsulat.

"Mabuti naman gising ka na... Kanina pa kita hinihitay na bumangon."

Napasiksik ako sa sulok ng kama ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Madilim ang buong kwarto at wala akong kahit na anong maaninag. Imagination ko lang ba 'yun?

Nanginginig ang mga kamay kong inabot ko ang cellphone ko at binuksan ang flash light para ipailaw sa paligid. Hindi ko na napigilan ang pangangatal ng mga labi ko habang inililibot ang liwanag ng hawak kongc ellphone. Sobrang lakas ng kaba sa dibdib ko na tila lalabas mula sa puso ko anumang oras. Hanggang sa wala akong nakita na kahit na sino. Walang Ivan...

Napapailing na binitawan ko na ang cellphone ko bago ako napailing. Bakit ba sa dinami-rami ng taong mai-imagine ko dito sa loob ng kwarto, si Ivan pa?! Oo, boses niya ang naimagine at narinig ko. Muli akong bumunton hininga bago nagdesisyon na bumalik sa pagtulog. Pero bago pa ako nakaayos ng higa, isang mabigat na katawan ang pumaibabaw sa akin kasunod ang mahigpit na pagkakahawak niya sa leeg ko.

"Ang sabi ko umalis ka na dito 'di ba?! Bakit ba ayaw mong makinig!? Bakit ang tigas-tigas ng ulo mo?!"

At mula sa nagliliwanag ko pa ring cellphone na nasa tabi ko lang, malinaw ko nang nakikita ang mukha niya ngayon. At tama ako... Siya nga.

"I-Ivan... B-Biatawan m-mo a-ako..." Nahihirapan kong pakiusap habang lalong humihgipit ang pagkakasakal niya sa leeg ko.

Umiling siya habang ang mga mata ay parang nag-aapoy sag alit. "Mamamatay ka lang din dito, Junica. At bago pa mangyari 'yon... Ako na ang papatay sa 'yo."

Nag-iinit na ang mukha ko, natutuyuan na ng laway ang bibig ko at unti-unti na talaga akong kinakapos ng hininga. Sa kabila no'n naging malikot pa rin ang mga kamay ko. Hanggang sa maabot ako ang isang matigas na bagay na nasa ibabaw lang din ng kama ko. Ang ball pen ko. At bago ako tuluyang mawalan ng hininga, nakita ko ang isang babae nakalutang sa may likuran ni Ivan. Nakasuot siya ng isang school uniform. Hindi ko pa rin maaninag ang mukha niya pero may dugong tumutulo sa may baba niya at dulo ng nanlalagkit niyang buhok. Sino ba siya? Bakit nandito rin siya sa loob ng kwarto ko?

"Hindi ka kasi marunong makinig Junica. Napakitagas ng ulo mo... Kaya papatayin na kita! PAPATAYIN NA KITA!"

Ipinikit ko na ng mariin ang mga mata ko kasunod ang malakas na pagsaksak ng hawak kong ballpen sa leeg ng lalaking nakaibabaw sa akin.

RecursionWhere stories live. Discover now