CHAPTER XLIII

850 72 4
                                    



SP02 RICKY'S P.O.V.

Nang makuha ko ang kopya ng CCTV footage na kinukwento ni manong ay umalis na rin ako sa karinderya pero nagpatuloy ako na maglakad-lakad sa plaza ng Barrio San Vicente. Doon ako muling nagtanong-tanong sa mga tao sa paligid. Hanggang sa may dalawang teenager ang medyo nagtutulakan pa bago lumapit sa akin.

"Ikaw na ang magsabi sa pulis, Gigi," utos ng teenager na maikli ang buhok, payat at maganda ang mukha. Narinig kong tinawag siyang Dianne ng kasama niyang kaedad niya lang din.

"Ikaw na! Ikaw kaya may sabi na lumapit tayo sa kanya!" giit ni Gigi. Medyo chubby naman siya, mahaba ang buhok, bilugan ang mga mata at hiwalay ang dalawang ngipin sa unahan.

"Ikaw na nga kasi!"

Tumikhim ako para maputol ang munting pagtatalo nila. Sabay silang napatigil sa ginagawang pagtatalo at tumingin sa akin. "May sasabihin ba kayo sa akin o wala? Dahil kung wala, sinasayang ninyo lang ang oras ko dito."

"Uhm... Meron po," ani Gigi.

"Kasi 'di ba kayo po 'yung nagtatanong-tanong dito sa plaza tungkol kay Ms. Junica?" balik tanong ni Dianne.

"Oo, bakit? Kilala ninyo ba siya?" ini-on ko na ang voice recorder ng cellphone ko bago nilabas ang maliit na notebook at ballpen.

"Opo. Ang totoo, fan po kami ni Ms. Junica," ani Gigi.

"Fan?"

"Opo, 'di ba writer po siya? Isa lang po 'yung book na meron ako na sinulat niya pero halos lahat ng sinulat niya sa Wattpad at blog niya, nabasa na po namin ni Gigi," kwento ni Dianne.

Ngayon ko lang naalala na sikat nga pala si Junica sa social media. Hundred thousand lang naman ang followers niya at karamihan din sa mga sinulat niyang libro ay naging best seller sa mga bookstore. Hindi ko siya personal na kilala dahil hindi rin naman ako mahilig magbasa ng libro, nalaman ko lang 'yon bilang parte ng imbesitigasyon ko sa kaso niya. "Okay, and then?"

Nagtinginan ang dalawa at nagsikuhan na para bang nagtuturuan. Hanggang sa si Dianne na ulit ang sumunod na nagsalita. "Noong gabi po kasi ng bisperas ng fiesta dito sa Barrio San Vicente, nakita namin siya ni Gigi tapos nagpa-picture po kaming dalawa."

Sinusulat ko ang mga bawat salitang sinasabi ni Dianne. Hindi sakto pero nandoon ang key word. 'Yung lang naman ang kailangan namin dahil naka-record na rin naman sa cellphone ko ang bawat salitang binibitawan niya.

"Okay naman po siya nang makausap namin ni Gigi. Nakangiti pa nga po siya kaya lang po may napansin kami sa kanya." Huminto sa pagsasalita si Dianne at tumingin sa katabi niya na parang humihingi ng saklolo.

Ilang tao na rin ang nakausap ko kanina na nagkwento nagpa-picture sila kay Junica dahil sikat nga ito, pero may kakaiba sa kwento ni Dianne na kumuha ng atensyon ko.

Tumikhim si Gigi bago siya naman ang nagsalita. "Bago po kasi kami lumapit sa kanya may kausap siya sa cellphone niya. Wala po siyang hawak na cellphone pero nalaman namin na may kausap siya kasi meron siyang bluetooth earphone na nasa tainga niya. Kaya lang kasi..."

Ako naman ang napahinto sa pagsusulat bago tumingin sa dalawang kausap ko. Bakit kasi pahinto-hinto pa sila sa pagku-kwento?! Ako na ang nayayamot sa ginagawa nilang dalawa. "Kaya lang ano?"

Lumunok muna ng laway si Dianne bago muling nagsalita. "Kaya lang kasi sir, pagkatapos naming magpapicture sa kanya... Nalaglag 'yung bluetooth earphone niya. Nakita namin na pinulot niya 'yun pagkatapos nilagay na niya sa bulsa niya. Kumaway pa po siya sa amin pagkatapos tumalikod na siya at naglakad, tapos po..."

"Tapos nagsalita po ulit siya na parang may kausap pa rin siya kahit wala ng bluetooth earphone sa tainga niya. Ang napansin pa po namin ni Dianne, 'yung kausap niya parang nasa tabi niya lang po kasi nginignitian niya ito," dugtong ni Gigi.

"Paano ko masisigurado na nagsasabi kayo ng totoo?" tanong ko. Heto na naman ako sa pagiging mapaghinala ko sa mga ini-interview ko. Pakiramdam ko kasi, lahat sila gusto lang sumikat na kagaya ni Junica kaya sumasakay lang sila at nag-iimbento ng kung ano-anong kwento.

Muling nagtinginan ang dalawang teenager bago nagtanguan. Inilabas ni Dianne ang cellphone mula sa bulsa niya bago mas lumapit sa akin. "Heto po sir, may video po kami."

RecursionWhere stories live. Discover now