Chapter XXVIII

893 76 0
                                    


MYRA'S P.O.V.

"Myra, hindi ka pa ba tapos sa ginagawa mo d'yan?"

Nalingunan ko si Kristine na nakapameywang sa may pinto. Nakataas pa ang isang kilay niya na para bang inis ang kanyang mukha. Matanda ako sa kanya ng ilang taon pero hindi niya ako ina-ate. Hindi rin naman kasi kapatid ang turing niya sa akin. Ramdam ko na mas itinuturing niya pa ako bilang katulong sa bahay na 'to.

"Matatapos na rin ako dito," sagot ko. Winawalis ko kasi ang mga piraso ng inukit na kahoy nina Tito Andrew dito sa may likod ng museo.

"Iwanan mo na 'yan kasi pinapatawag ka ni Daddy." Utos niya.

Napalunok naman ako sa narinig ko. May kabang biglang namutawi sa dibdib ko nang maalala kong nakita ni Tito Andrew na kinakausap ko ang manunulat na bisita ng aming apartelle. "B-bakit daw?"

"Ewan ko. Hindi naman ako ang nagpapatawag sa 'yo eh," pagtataray pa ni Kristine.

Matagal na akong inis kay Kristine lalo na sa ugali niya na pagiging malikot ang kamay. Ilang beses na rin kasi nagkakaro'n ng gulo sa café nang dahil lang sa kanya. Hindi ko nga maintidihian kung bakit hindi niya yun mapigilan na gawin ang bagay na 'yun, kahit kaya naman niyang magkaro'n ng mga gamit na kinukuha niya pero mas gusto niya pa rin 'yung ninanakaw niya.

"Huy! Natulala ka na d'yan. Bumaba ka na do'n dahil baka mainis pa si Daddy kakahintay sa 'yo," muling utos Kristine.

"Sa baba?" ulit ko. Mas lalo akong kinabahan. Ayoko na ayoko talaga na pumupunta sa parteng iyon ng museo. Pakriamdam ko kapag naglilinis ako do'n, nakakarinig ako ng mga sigaw at iyak ng mga taong pinapatay ng pamilya ng mga baliw.

"Paulit-ulit?! Alam mo, itigil mo na nga lang 'yang ginagawa mo at bumaba ka na lang do'n. Pati ako naaabala nang dahil sa 'yo eh. Bumaba ka na do'n at puntahan mo na si Daddy," ani Kristine bago umalis sa kinatatayuan niya at naglakad na palabas ng museo.

Mukhang wala na talaga akong ibang pagpipilian. Inutusan pa naman ni Tita Aileen si Tony sa plaza para bumili ng mga gulay para raw sa lulutuin niya. Nagtaka pa nga ako ng sabihin 'yun ni Tony sa akin kanina. Dahil palagi namang ako ang inuutusan ni Tita Aileen at hindi siya. Napabuntong hininga na lang ako nang itabi ko sa sulok ang hawak ko na walis kasama ang dustpan. Kailangan kong labanan ang kaba ko dahil hindi pwedeng mahalata ni Tito Andrew ang gusto kong gawin. Ang makaalis na sa impyernong lugar na 'to.

Tahimik na akong tumungo sa tinutukoy na lugar ni Kristine. Isang kwarto lang naman 'yun na tinutukoy niyang baba. Ang kwarto na espesyal para sa kanilang mga baliw. Ang kwarto kung saan nila ginagawa ang karumal-dumal na bagay sa mga taong walang kasalanan sa kanila. Mga inosenteng tao na pinagbubuntunan nila ng galit at sakit. At ng mga oras na 'to, nananalangin ako na sana, walang gawin na kahit ano sa akin si Tito Andrew.

Nang makapasok ako sa espesyal na kwarto ay naabutan ko si Tita Aileen na naghahasa ng malaking kutilsyo sa may lababo. Ganito kaespesyal ang kwarto na ito, may sarili talagang lababo, meron ding kama na walang kutson sa gilid at upuan sa tabi nito. Sa gitna naman ay may timba, palangganang may tubig at basahan na nasa sahig. Nilalangaw na ang duguang basahan na iyon. Mukhang may kinatay na naman silang tao sa kwartong ito kanina, kaya siguro mukhang pagod si Kristine.

"Nand'yan ka na pala, Myra. Pasok ka at isarado mo na 'yang pinto," utos ni Tita Aileen. Nakangiti ang mga labi niya at malambing ang boses. Kaya nga hindi nakapagtataka na marami siyang napapaniwalang tao na mabait silang pamilya lalo na siya, kahit ang totoo... Bagay silang maglaro sa impyerno ng mga kapwa niya demonyo.

RecursionWhere stories live. Discover now