Chapter XXXI

1.1K 88 12
                                    



JUNICA'S P.O.V.

Sinarado ko na ang kaharap kong laptop bago tumayo mula sa kinauupuan ako. Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko. Mula nang makapasok ako dito sa kwarto ko ay hindi na ako mapakali. Sinubukan kong matulog kanina habang nagpapahinga ako pero gising na gising ang diwa ko. Sinubukan kong magsulat pero wala namang lumalabas na kahit ano mula sa isip ko para maisulat ko. Masyadong magulo ang isip ko ngayon. Sa sobrang gulo, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin at isipin. Hindi kasi maalis-alis sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Myra, lalo na nang makita ko ang maikling dila ni Tony na para bang sinadyang putulin.

Kung totoo ang sinabi ni Myra na sina Tito Andrew ang pumutol ng dila ni Tony, totoo rin kaya ang sinabi ni Ivan tungkol sa pamilya nito. Sinubukan kong tawagan si Ivan kanina pero hindi naman siya sumasagot. Kung kailan talaga kailangan ko siyang makausap, saka naman siya hindi mahanap. Hindi ko tuloy lalo malaman kung ano ang dapat kong gawin.

'Tsk! Bahala na nga.'

Isinabit ko sa may likuran ko ang backpack ko bago ako naglakad palabas ng kwarto ko. Hahanapin ko si Myra at kakausapin ko siya. Kailangan kong malaman ang iba pang bagay para matulungan ko sila ni Tony.

Dinala ako ng mga paa ko sa kusina ng apartelle. Naisip ko kasi na baka nagluluto siya para sa bisperas ng fiesta. Nagbabakasakali akong masolo ko siya doon. Alam ko kasi na maraming mga mata ang makakakita at makakapansin sa amin kapag nakita at kinausap ko siya sa café o museo. Kailngan kong mag-ingat lalo na ngayon.

Malaki ang kusina ng apartelle, bihira rin ako makapunta dito dahil wala naman akong kailangan dito. May sarili akong mga gamit na panluto sa kwarto ko at may maliit ding ref kaya pangalawang pagkakataon ko pa lang ito na makatungtong dito sa kusina.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Walang sinomang tao akong nakita pero kapansin-pansin ang mga naiwang gulay at prutas sa ibabaw ng lamesa. Ang iba kasi noon ay nakalabas na mula sa bayong, ang iba naman ay hindi pa. Parang bigla na lamang iniwanan ng kung sino man ang may dala ng mga 'yon.

Naagaw ng isa pang bayong na nasa harapan ng ref ang pansin ko. Nakatumba kasi iyon at may nakalabas pa na carrot at repolyo. Naglakad na ako palapit sa rerfrigerator na hindi kataasan. Sa ibabaw nito ay may gunting na nangingislap ang talim lalo na ang dulo nito.

Sinundan ko ng tingin ang nakakalat na gulay sa harap ng ref. Siguro ilalagay dapat iyon sa loob pero hindi natuloy. Pero bakit? Ano bang laman ng ref para umatras ang sinomang may hawak ng mga gulay na ito kanina?

Napalunok ako ng laway habang nakaktitig sa may hawakan ng ref. May kung anong kaba kasi akong nararamdaman na hindi ko maintindihan. Parang nag-slow motion pa ang kamay ko nang akmang bubuksan ko na ang ref. Hanggang sa maramdaman ko na ang malamig na hangin mula sa loob. Dahan-dahan ko na 'yung binubuksan... Hanggang sa –

"Holy sh*t!" halos manlambot ang mga tuhod ko nang tuluyan ko nang makita ang laman ng ref. Iba't-ibang parte ng katawan ng tao na nakabalot sa stretch film. Putol na kamay, pugot na ulo, putol na paa, mga mata, darili at kung ano-ano pa. Pinigilan ko ang sarili ko na masuka at pinilit kong hindi matumba sa kinatatayuan ko, lalo na at masangsang talaga ang amoy ng ref na 'to. Natuon ang mga tingin ko sa isang kamay na nakabalot din sa stretch film. Ang kamay na may tattoo na feather pen sa may pulsuhan.

'Carla...'

Parang may sariling isip ang mga kamay ko na nanginginig na inabot ang kamay na may tattoo. Nilalamig ako pero pinagpapawisan na ang noo ko. Diring-diri ako at pilit na iniiwasan na dumikit sa balat ko ang iba pang parte ng katawan ng tao na nasa loob ng ref. At nang mahawakn ko na ang pakay ko ay kong sinarado ang ref at tumayo. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang putol na kamay na medyo matigas na rin. Pakiramdam ko ay naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko habang inilalagay iyon sa loob ng bag ko. Nangangatal din ang labi ko at pinapatigas ko lang ng nanlalambot kong mga binti.

RecursionWhere stories live. Discover now