Chapter XXIV

1.1K 90 9
                                    

Nang pumasok ako sa Vida Feliz Café ay nakita ko kaagad ang lamesa kung nasaan si Yana. Kahit hindi ko talaga gusto ang presensya niya at nilapitan ko na siya.

"Oh Junica, nand'yan ka pala! Nakakagulat ka naman." aniya bago kaagad na sinarado ang laptop na kaharap niya na parang ayaw ipakita sa akin ang ginagawa niya.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko. Medyo na-weirdan lang ako kasi ngayon ko lang siya nakita na may kaharap na laptop.

"Ah... Wala... May sinearch lang ako. Teka, hindi ka ba magsusulat ngayon?" balik tanong niya at inilagay na niya sa dala niyang bag ang laptop niya.

"Hindi eh. Wala ako sa mood." Gusto ko ring idugtong na wala rin naman akong nasusulat sa tuwing dala ko ang laptop ko kaya hindi ko na 'yun binitbit pa, pero hindi ko na lang din tinuloy na sabihin 'yun. Nang mailagay na niya ang laptop sa bag ay hinarap na niya ang pagkain sa lamaesa. Isang burger na may dalawang matabang patty at juice.

"Uy, napanood mo na ba 'yung panawagan no'ng parents ng mga nag-tanan na bagets?" muling tanong niya bago kumagat sa burger niya.

"Oo, pinanood sa akin ni Ivan." Naalala ko na naman tuloy ang napanood ko na nakakaawang ginang. Naalala ko rin ang mga sinabi ni Ivan na sobrang sakit sa ulo isipin.

"Sinong Ivan? Boyfriend mo?"

Natawa ako at napailing sa muling tanong ni Yana. Gano'n din kasi ang tanong ni Angel sa akin nang kausap ko siya sa cellphone. Ngayon ko lang din narealize na dalawa lang sina Yana at Ivan na madalas kong kausap at kasama dito sa Vida Feliz Café pero hindi ko pa pala sila naipapakilala sa isa't-isa. "Hindi. Nakilala ko lang din siya dito sa Barrio San Vicente. Hindi rin siya tiga-rito pero matagal na siya sa lugar na ito. Parang dito na rin yata siya nagta-trabaho."

"Anong hitsura? Gwapo ba?"

Lalo akong natawa sa huling sinabi ni Yana. Natawa na medyo kinilig dahil gwapo naman talaga si Ivan, may pagka-weird lang talaga.

"Alam mo kasi sa totoo lang, sa ilang linggo ko dito sa San Vicente... Wala ako masyadong nakikitang gwapo. Except do'n kay Tony, medyo pwede na rin kasi gano'n talaga tyoe ko."

"Sinong Tony?" ako naman ang nagtanong. Pamilyar ang pangalan pero hindi ko alam kung saan ko narinig.

"'Yung katiwala do'n sa Museo de Caridad," sagot ni Yana habang ngumunguya. "Kaya lang hipon eh."

"Ha? Anong hipon?"

"'Yung ano... Uhmm... Panget ang mukha tapos maganda ang katawan. Gano'n." Natatawang sagot niya. "Saka medyo weird din 'yun kasi never kong narinig na nagsalita. Nag-hi ako do'n minsan pero tiningnan lang ako. Pipi yata siya eh."

Naalala ko na kung sino ang tinutukoy ni Yana. 'Yung lalaki nga do'n sa Museo de Caridad na palaging matalim ang tingin na binibigay sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Dahil ba laging nakabantay si Tito Andrew sa bawat kilos niya? O hindi lang talaga niya magawang makapagsalita dahil sa takot?

"Uy pero mukhang gwapo talaga 'yang Ivan na friend mo, pakilala mo ako ha? Anyway, mabalik tayo do'n sa mga bagets na nag-tanan. Grabe 'no. Ang lakas din ng loob nila. Samantalang tayo, eto nagpapakahirap na makasurvive sa buhay. Ang hirap kaya bumuo ng pamilya sa panahon ngayon tapos magtatanan pa silang dalawa."

"Paano kung hindi nagtanan sina Erwin at Carla?" biglang seryosong tanong ko.

"Kilala mo paala 'yung dalawang bagets na 'yun?"

"Si Carla, oo. Nakilala ko siya dito sa café bago siya mawala. Siya kasama ng mga friends niya ang nakilala ko no'n." kwento ko.

"Ah, fan mo sila 'no? Ang galing naman. Sana all sikat at may fans." Nakangiting sabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang plastic ng pagkakasalita niya no'n. Parang may inggit kahit nakangiti naman siya. "Pero grabe pa rin 'no. Dapat inuna na nila ang pag-aaral kaysa ang landian. As if namang makaka-survive sila sa hirap ng buhay. Hay naku talaga, mga kabataan ngayon ang hindi hilig mag-experiment."

RecursionWhere stories live. Discover now