Chapter XL

1.1K 108 22
                                    

Heto na naman ang kirot sa ulo ko na parang anumang oras ay puputok na. Palagi na lang ganito ang pakiramdam ko sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko.

Mabigat. Masakit. Na minsan hinihiling k o na pumutok na lang para mawala na lang bigla ang sakit. Ilang beses na akong gumigising sa ganitong klase ng pakiramdam. Nakakapagod na ang sakit na parang pinupukpok ang ulo ko.

Pilit kong inaalala ang mga nangyari sa bawat paggising ko. Pilit kong inaalala kung nasaan ako.

Si Angel.

Sina Papa at Mama.

Mga nurse at doktor.

"Angel..." bulong ko nang tuluyan ko nang maimulat ang mga mata ko.

"Ms. Junica..."

Gusto kong bumangon at magsumiksik sa sulok ng kinahihigaan kong matigas na higaan pero hindi ko 'yon nagawa. Dalawang kamay ko na pala kasi ang nakaposas sa magkabilang gilid ng kama.

"Ms. Junica, ako si SP02 Ricky Jalandoon." Pakilala ng lalaking nakasuot ng uniform na pang-pulis. Matangkad siya, payat, medyo malaki ang ilong at makapal ang labi. Maitim din ang kulay ng balat niya na hindi ko alam kung natural ba o palagi lang talaga siyang nakabilad sa araw. Mukha ring hindi nagkakalayo ang edad namin. Siguro nasa tatlo o apat na taon lang ang tanda niya sa akin. "May mga gusto lang sana akong itanong sa 'yo."

"Hindi! Wala akong sasagutin sa mga tanong mo! Nasaan ang Mama at Papa ko! Gusto ko silang makausap!" halos pasigaw na sagot ko.

"Ms. Junica, kumalma ka muna... Kailangan kitang makausap ng maayos." Mahinahanong sabi ni Ricky.

"Hindi ako makikipag-usap sa 'yo! Wala akong sasbihin dahil sina Mama muna ang kailangan kong makausap. Tawagin ninyo siya! Mama!!! Mama, pakawalan ninyo ako dito!" sigaw ko.

"Ms. Junica, please... Huminahon ka." Muling pakiusap ni Ricky. "Ito na ang pangatlong beses na kakausapin kita. Kailangan mo nang pakalmahin ang sarili mo dahil paulit-ulit lamang tayo dito kung hindi ka makikipag-cooperate sa akin."

"Papa! Mama! Kailangan kong makaalis dito! Pakawalan ninyo ako! Alisin ninyo ang posas sa mnga kamay ko!" nagsimula na akong magwala sa kama. Nasasaktan ako lalo na ang mga kamay ko dahil sa ginagawa ko pero gusto ko na talagang matanggal ang posas ko. Ayoko nang ganito. Ayoko nang tinatrato nila ako na parang baliw. Dahil hindi ako isang baliw!

"Sir, kailangan ko na po ulit siyang turukan ng pampakalma. Siguro po mas mabuti na kung sa ibang araw ninyo na lang siya interview-hin," sabi ng nurse na nasa likod ni Ricky.

"No. Please no! Ayoko n'yan!" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang malaking syringe na hawak ng nurse. Ayoko nang matulog ulit. Ayoko nang pumikit. Dahil pakiramdam ko sa bawat paggising ko ay mas nagiging triple ang kirot sa ulo ko at mas lalo lang akong manghihina. Paulit-ulit akong umiling habang umiiyak at pilit na sumisiksik sa sulok. Pilit kong hinihila ang kamay kong nagiging kulay ube na. "Tama na, please. Ayoko na n'yan. Kakalma na ako, pangako... Hindi na ako magawawala. Ayoko na ng injection na 'yan!"

"Nurse... Hayaan mo na lang muna siya." Pigil ni Ricky sa nurse na papalapit sa akin. Kaagad akong tumahimik dahil sa sinabi niya. Gusto kong ipakita na kaya kong kumalma kahit wala ang injection na 'yon. Na magsasalita na ako ng maayos basta hindi lang nila ako turukan ng kung ano-ano.

"Pero sir, hindi ninyo rin naman po siya makakausap ng maayos," giit ng nurse na singkapal ng powdered sugar sa chocolate crinkles ang foundation sa mukha niya.

RecursionWhere stories live. Discover now