Chapter XXXIII

891 62 1
                                    



LOLA HARLIE'S P.O.V.

'Nagugutom na ako...'

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa madilim na kalsada habang dala ang isang martilyo na nasa loob ng maliit na bag na nakasabit sa balikat ko. Kanina pa ako naglalakad pero wala akong makitang pagkain. Gusto ko nang kumain. Gutom na gutom na ako. Ayoko ng lutong karne. Ayoko ng gulay. Ang gusto lahat sariwa. Sariwang karne, dugo at laman-loob ng tao. Lalo na 'yung kamay na may mahahaba at maninipis na daliri. Na kapag sinubo ko sa bibig ko at kinagat-kagat, lalagatok habang nginunguya.

Gusto ko nang kumain ng kamay.

Gusto ko nang kumain ng kamay ng tao.

Hindi naman talaga ako dating ganito. Hindi ako kumakain ng sariwa at hilaw na karne ng hayop o mas lalo na ng tao. At masasabi ko na normal akong tao pati na rin ang aking pag-iisip noon. Nagbago lang talaga ang buhay ko mula nang mamatay ang Nanay ko at tanging Tatay ko na lang ang kasama ko sa bahay. Pinahinto na ako ni Tatay sa pag-aaral at hindi na niya ako pinapalabas ng bahay dahil bubuntisin lang daw ako ng mga lalaki sa lugar namin. Ayos lang naman sa akin no'ng una dahil marunong naman na akong magbasa at magsulat. Iyon naman ang pinaka-importante noong panahon namin para hindi kami matawag na mangmang. Hindi rin naman ako mahilig lumabas o gumala. Ayos lang sa akin na maging tagalaba, tagaluto o tagalinis na lang ng bahay namin. Kuntento na ako sa mga gano'ng gawain. Kaya lang hindi pala magiging gano'n kasimple ang lahat.

Isang taon ang nakalipas mula nang mamatay si Nanay, lalong nagbago si Tatay. Naging mainitin ang ulo niya sa akin hanggang sa umuuwi na nga siyang lasing sa bahay. Palaging sumisigaw at nagwawala. At dumating na nga ang araw na sa hinagap ay hindi ko inaakalang mangyayari. Ang panggagahasa sa akin ni Tatay.

Ang sabi ni Tatay, hindi raw masama 'yon at normal lang na ginagawa ng mag-ama. Napakatagal na panahon ko 'yung pinaniwalaan. Na ang panggagahasa niya sa akin ay pagpapakita niya kung gaano niya ako kamahal bilang anak niya. Hanggang sa halos araw-arawin na niya ang pangbababoy sa katawan ko.

Minsan isang umaga, may dumating na bisita sa bahay. Si Joey. Inaanak ni Tatay at isa kong dating kaklase noong grade 3 ako.

Wala pa si Tatay noon sa bahay kaya hindi ko siya pinapasok. Bahagya lang din na nakabukas ang pinto noon at sinabi ko na umalis na lang siya at bumalik sa hapon. Pero hindi siya sumunod at nakipagkwentuhan muna siya sa akin. Noon lang ulit kami nakapag-usap pero napakagaan nan g loob ko sa kanya. Siguro kasi, napakatagal ko na ring walang nakikita o nakakausap na ibang tao maliban kay Tatay. Nagkwentuhan kami buong umaga habang may pintong nakapagitan sa aming dalawa. Alam ko kasi na malilintikan ako kapag nakita ni Tatay na pinagbuksan ko si Joey ng pinto at pinapasok sa loob ng bahay. Paulit-ulit kasing sinasabi sa akin ni Tatay na masasama ang lalaking nasa labas n gaming pamamahay. Lahat daw ng mga lalaki ay gusto lamang akong buntisin.

Bago dumating si Tatay ay umalis na rin si Joey at sinabing babalik sa ibang araw.

Ilang beses pa kaming palihim na nagkita ni Joey at ilang beses pa akong nagalaw ni Tatay. Hanggang sa mabuntis na nga ako dahil sa panggagahasa nang paulit-ulit sa akin ni Tatay. Sinabi ko 'yun kay Joey nang minsang dalawin niya ulit ako. At nagulat siya nang malaman niyang ginagalaw ako ni Tatay. Mas nagulat siya ng sabihin ko na wala namang mali sa ginagawa ni Tatay sa akin. Buong buhay ko, 'yun ang pinaniwalaan ko. Ginagalaw ako ni Tatay dahil mahal niya ako.

Gustung-gusto niya na akong itakas no'n kaya lang hindi niya alam kung paano. Hanggang sa makapanganak na nga ako. Ako lang at si Tatay ang nagpaanak sa sarili ko. Sa awa ng D'yos ay naging malusog ang anak ko.

Pagkalipas ng ilang buwan, muli kaming nakapag-usap ni Joey. Do'n na ako mas naliwanagan. Do'n ko lang nalaman na mali pala ang ginagawa sa akin ni Tatay nang sabihin sa akin ni Joey na kailan man ay hindi naging tama na gahasain ng Tatay ang isang anak. Hindi kailanman naging tama ang panggagahasa.

Nagplano na kaming tumakas. Ilalayo raw ako ni Joey sa lugar na iyon kasama ang anak ko. Ilalayo niya kami mula kay Tatay. At magiging mabuting asawa daw siya sa akin dahil matagal na niya akong mahal. Tinanggap ko ang pagmamahal niya. Tinanggap ko dahil mahal ko rin siya.

Nang gabi na akala ko ay malalim na ang tulog ni Tatay dahil uminom siya ng ilang bote ng alak, naglakas loob na akong lumabas ng kwarto ko. Nakita ko nga si Tatay na naghihilik sa lamesa sa may kusina.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang hawak ko ang baby ko at dahan-dahang naglalakad palapit sa pinto. Wala na akong dinalang kahit na anong gamit. Ang baby ko lang dahil siya lang ang pinaka-importante tao sa buhay ko maliban kay Joey. Mas naging maingat ako sa paglalakad ko. Tahimik lang ang baby ko na parang alam ang gagawin naming pagtakas mula sa demonyong Tatay ko.

Malapit na ako no'n sa pinto.

Mahahawakan ko na ang seradura.

Makakatakas na ako. Makakalayo na kami ng baby ko. Magiging totoong normal na ang buhay ko.

Kasabay ng paglapat ng kamay ko sa malamig na seradura ng pinto ay ang malakas na paghablot sa buhok ko ng isang marahas na kamay. Muntik ko na ngang mabitawan ang baby ko, mabuti na lang at kaagad ko siyang nayakap ng mahigipit kasunod ang pagpalahaw niya ng iyak. Minura ako ni Tatay, pinagsasampal bago hinila sa buhok at kaladkarin. Pinasok niya ako sa kwarto, tinanggalan ng ilaw at ikinandado iyon. Iyak ako ng iyak at malakas na sumisigaw, pero alam kong walang makakarinig sa akin dahil malayo ang ibang kabahayan mula sa amin.

Isang buong araw akong hindi pinagbuksan ni Tatay ng pinto na umabot ng dalawang araw. Mabuti na lang at may gatas at tubig sa kwarto ko para sa dede ng anak ko. Pero dahil nakukulong na doon ang amoy ng ihi at dumi ng anak ko, iba na ang nagiging amoy ng paligid. Nagsisimula na rin kaming langawin. At mas nag-aalala ako sa kalusugan ng anak ko sa kabila ng panghihina ko dahil sa gutom. Hanggang sa bigla na lang bumukas ang kwarto ko at inihagis na supot si Tatay. Pagkain daw 'yun na para sa akin. Muli niyang kinandado ang pinto. At halos maduwal ako nang makita ko ang laman ng supot. Putol na kamay ng tao. Muli ko 'yong binalot sa plastic para ghindi kumalat ang dugo at dumami ang langaw sa kwarto. Pero sa bawat pagdaan ng minuto ay mas lalo akong nakakaramdam ng gutom. At nang araw na iyon, ang kauna-unahang beses na tumikhim ako ng kamay ng tao. Nakaksuka, nakakadiri pero nawala kahit paano ang gutom ko. Pero natigilan ako nang may maramdaman akong matigas sa bigbig ko. At naiyak na lang ako nang mailuwa ko ang isang singsing. Hindi kasi ako pwedeng magkamali noon. Singsing iyon ni Joey.

Halos mabaliw na ako habang patuloy na kinakain ang putol na kamay na iyon. Ang kamay ni Joey. Mali... Iyon ang simula ng pagkabaliw ko. Ni hindi ko na nga matandaan paano ko pa naalagaan ang anak ko.

Basta ang alam ko lang.... Masarap ang kamay ng tao. Malinamnam ang lasa. At hindi nakakasawang kainin.

"Kamay... gusto ko nang kumain." Muli nang nanumbalik ang isip ko salukuyan at ang matinding gutom na nararamdaman ko.

Humigpit ang hawak ko sa bag na dala ko. May babaeng naglalakd hindi kalayuan mula sa akin. Luminga-linga ako sa madilim na paligid. Walang tao... Ibig sabihin, pwede akong pumatay at kumain ng kamay ng tao.

Pwedeng-pwede na...

Ipinasok ko sa ang kamay ko sa loob ng bag. Hinawakan ko nang mahigpit ang martilyo habang nagsimulang maglakad palapit sa babae.

Malapit na...

Malapit ko na siyang mapatay.

Malapit na ulit ako makakain ng kamay.

RecursionWhere stories live. Discover now