CHAPTER XXXVIII

1.1K 98 11
                                    

Malalim na ang gabi. Maingay sa bawat loob at labas ng mga bahay sa Barrio San Vicente. Halos lahat ng tao ay masayang ninanamnam ang nalalabing oras ng fiesta sa lugar na iyon. Bukod sa pasko at bagong taon. Ang fiesta talaga sa lugar na iyon ang pinakahihintay ng lahat. Kaya hindi ko sila masisisi kung ang isipin lamang nila ay ang kani-kanilang sarili at sariling kaligayahan ng mga oras na 'yon.

Samantalang ako, heto at maingat na pumapasok sa loob ng Museo Caridad. Alam kong ilang sandali na lamang ay paparating na ang mga pulis na tinawagan ko, pero ayoko nang magsayang ng oras. Kailangan ko nang iligtas ang kapatid ko.

Hindi nakakandado ang pinto at masakit sa ilong na amoy ang sumalubong sa pagpasok ko sa loob ng museo. Hindi ko maintindihan ang amoy na 'yon... Amoy kahoy, semento o pwede ring nabubulok na karne. Sinubukan kong paliwanagin ang paligid peron hindi bumukas ang ilaw nang kapain ko angs witch. Kaya nilabas ko na ang hawak kong cellphone mula sa bag na dala ko kung nasaan din ang putol na kamay na kailangan nina Kristine.

Ginamit kong flashlight ang phone ko at muntik na akong mapatili nang mailwan ang isang inukit na kahoy na hugis tao. Parang totoo 'yon at nakatingin sa akin ang mga matang walang buhay. Napalunok ako ng laway bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Ate!!!"

"A-Angel?!" Nagpabaling-baling ang tingin ko sa paligid na tinatamaan ng liwanag ng hawak ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang boses niya pero sigurado ako na nandito lang 'yon sa loob ng museo. Muli akong nagpatuloy na maglakad. Ilang estatwa na kahoy ang nabubunggo at nalalaglag ko pero wala na akong pakialam pa. Kailangan ko nang mahanap ang kapatid ko. Kailangan ko na siyang mailigtas. Nakarating ako sa may pinakalikod na pinto at nang buksan ko 'yon ay mas matapang na amoy ang sumalubong sa akin. Muli kong inilawan ang paligid. Ngayon lang ako nakarating sa lugar na 'yo. Mas malaki ang kwarto na ito. Mas makalat. Mas mabaho.

"Ms. Junica?" Biglang nagliwanag ang museo at napalingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Kristine na bagong pasok lang ng museo. Kaagad siyang lumapit sa akin at ako naman ang napaatras palayo mula sa pinto kung saan nanggagaling ang nakasusukang amoy. "Anong ginngawa mo dito?" Pasimple siyang humarang mula sa bukas na pinto.

Hindi kaagad ako nakasagot habang titig na titig sa nakangiting mukha ni Kristine.

Bumaling ang tingin niya sa bag na dala ko. "Ah, ibabalik mo na ba?" Lalong lumaki ang ngiti sa mga labi niya.

"N-nasaan ang kapatid ko?"

Kumunot bigla nag noo ni Kristine. "Ha?"

"Ilabas ninyo na ang kapatid ko!" Nangangatal ang boses kong pilit kong nilalabanan.

"Ano bang sinasabi mo?" natatawang tanong ni Kristine.

"Ate! Ate, tulungan mo ako!!!"

Napalingon si Kristine sa kanyang likuran.

"A-Angel!" sambit ko nang muli kong marinig ang boses niya. Ngayon sigurado na ako, sa loob iyon ng malaking kwarto nanggagaling.

"Teka, teka! Hindi ka pwedeng pumasok dito!" Muli siyang humarang sa pinto na nagpaatras sa akin.

Naging malikot ang mga mata ko sa paligid bago ko inabot ang isang chisel na nakita kong nakakalat at tinutok kay Kristine. "Ibalik mo na ang kapatid ko kung ayaw mong masaktan!"

Natatawang umiling si Kristine. "Wala akong maintindihan sa mga sinasbai mo. Bakit kasi hindi mo na lang ibalik ang kailangan ko para tapos na ang usapan na 'to?" Tumaas pa ang isang kilay niya na parang nang-aasar.

"Ibabalik ko 'to kung ibabalik ninyo si Angel sa akin! Ilabas ninyo na ang kapatid ko at h'wag na h'wag kayong magkakamali na saktan siya dahil parating na ang mga pulis!" Nanginginig ang kamay kong nakahawak ng mahigpit sa chisel. Pati na rin ang boses ko.

RecursionWhere stories live. Discover now