Ikaw lang

928 35 5
                                    

hi guys! keep safe! stay dehydrated and good luck sa academics! :)))

Gabi na, nasa ABS-CBN pa rin ang Team Vice, Vice at Ion dahil sa taping ng Showtime

"Babe, I'm tired. Come here" pabebeng sigaw ni Vice sa boyfriend na si Ion. (A/N: syempre, sino pa ba? HAHAHAHA)

Agad na lumapit ang binata sa kanyang magandang baklitang jowa at yinakap ito sabay halik sa noo nito "Babe, tanggalin muna natin 'tong wig mo, pauwi naman na tayo eh" sabi ni Ion at akmang tanggalin na niya ito nang pinigilan siya ni Vice "Huwag, baka may pumasok eh" walang siglang sagot ni Vice at naka-sandal lang ang kanyang ulo sa kanyang boyfriend.

"Ahm. Meme, tara kain tayo, may alam akong bagong bukas na restaurant malapit lang dito" pagaaya ni Buern ngunit wala siyang natanggap na sagot mula sa kaibigan

"Tulog na Kuya" sagot ni Ion dahil narinig niya itong mahinang naghihilik

"Ay, eh buhatin mo na Ion, uwi nalang tayo. Huwag na nating gisingin baka tuyoin pa 'yan" pagsabat ni Erna na kakalabas lang sa banyo

Sinunod ni Ion ang sinabi ng mga kaibigan ni Vice, sinuot niya muna ang kanyang bag at sila Erna na lamang ang nagbuhat ng gamit ni Vice. Nakasalubong nila si Jhong Hilario at Ryan Bang at huminto siya para magpaalam sa mga ito. Nakita naman ni Jhong na naka taas na ang damit ni Vice sa likod nito

"Ay oh, bagsak na. Akin na muna, ayusin mo 'yung damit niya sa likod baka sipunin 'yan" sabi ni Jhong at kinuha si Vice mula sa pagkakabuhat ni Ion, dahan dahan nila itong pinagtulungan ni Ryan upang malipat sakanya ang pagkakabuhat at para na rin maayos ni Ion ang damit nito.

Naayos na ni Ion ang dapat ayusin at ang kanyang bag ngunit kinuha ito sakanya ni Ryan

"Daddy, akin na muna po 'yung bag mo para mabuhat si Mommy, dalin ko sa kotse" suhestyon ni Ryan at pumayag naman ito 

Nakarating na sina Vice at Ion kasama sila Ryan at Jhong pati ang Team Vice

"Sige na 'tol, mauna na kayo para tuloy tuloy na pahinga ni Cutiepie tsaka kayo" sabi ni Jhong at tsaka hinalikan sa noo si Vice at sinara ang pinto ng sasakyan ni Vice

Pauwi na sila Vice at Ion, inayos ni Ion ang upuan ni Vice, diniretso niya ito upang makahiga si Vice ng maayos

Malapit na silang makarating sa bahay nang maalimpungatan si Vice

"Hmm" sabi ni Vice kaya naalarma si Ion

"Anong problema babe? malapit na tayo sa bahay" sabi ni Ion at inalalayan itong umupo ng maayos

"I'm hungry, babe. There *turo sa Mcdo* drive thru tayo, please" sabi ni Vice at umanggkla sa matipunong braso ni Ion

Dahil hindi matiis ni Ion ang kanyang nobya, binuksan niya ang bintana ng driver at sinabing "Tatay Jun, sa Mcdo po tayo, drive thru lang" at pinalista kay Vice ang mga gusto nito

"Ang dami naman nating order babe" natatawang sabi ni Ion dahil sa isang notebook halos mapuno na ito ng kanilang oorderin

"Anong natin? sakin lang 'to no, umorder ka nang sa'yo. Here o" inis na sabi ni Vice at padabog na binigay kay Ion ang papel ng kanilang order at sinulat na nga ni Ion ang kanyang oorderin din.

Nakarating na sila sa kanilang bahay ng maisipan ni Vice na kumain ulit

"Babe, baka naman sumakit na tyan mo na'yan kakakain lang natin kakain ka nanaman" asar na sabi ni Ion at hinimas himas pa ang tyan nito

"Eh 'di huwag. Hmp bahala ka dyan. Bwesit ka" galit galitang sabi ni Vice at pumasok ng kwarto.

Sinundan naman ito ni Ion, nung una hindi binubuksan ni Vice ang pinto, hanggang sa nakailang katok na si Ion hindi pa rin nito ito binubuksan. Hanggang sa nagalala na si Ion at pinakuha ang susi nito

Binuksan ni Ion ang pinto ng kanilang kwarto ni Vice at nakita niya ang kanyang nobya na natutulog, hindi pa nakatanggal ang suot nitong sapatos, wig at pati na rin ang bucket hat.

"Hay nako, babe talaga. Hindi man lang naisipan magbihis pati sapatos hindi tinatanggal. Ganyan ka ba talaga kapagod. Hay!" sabi ni Ion at isa isang tinanggal ang suot ni Vice at isa isa ding pinalitan

"Babe" tawag ni Vice kay Ion na abala pa ding pinapalitan nito ang kanyang kasuotan

"Tayo ka muna babe, para mabihisan na kita ng maayos tapos tatanggalin ko na din po make up mo" sabi ni Ion at sinunod naman ito ni Vice

Habang binibihisan ni Ion si Vice ay "Babe, thank you. hindi ko alam kung anong ginawa kong tama para mahalin mo ko ng ganito, alagaan mo ko ng ganito. Ngayon ko lang naeexperience lahat ng ganito. Kaya maraming maraming salamat. Mahal na mahal kita!" hinawakan ni Vice ang mukha ni Ion sabay binigyan ng halik ito.

"Mahal na mahal din kita babe, hindi ko inakalang sa tagal ng panahon na mag-isa ko, magagawa ko ulit lahat ng bagay na ito. Kung sa iba ko siguro ginawa ito, siguro magkakahiyaan pa kami pero pagdating sayo hindi" sagot ni Ion at natapos na niya ang pagtatanggal ng make up at umayos na rin ng higa.

"Kasi nakita mo na lahat ng mayroon ako" natatawang sabi ni Vice at yinakap si Ion tsaka hinilig ang kanyang ulo sa dibdib nito

"Hindi naman sa ganon, pero kung gugustuhin ko man ngang gawin sa iyo yung iniisip mo, siguro pagod ka na ngayon. Ayoko lang yung nakita kita kanina na halos hindi na makabangon sa sobrang pagod mo, alam mo bang kanina sa dressing room nung pumasok ako nung yinakap mo ko, nakatulog ka na non kasi sabi mo pagod ka, binuhat kita, nakita tayo nila Kuya Jhong tapos ni Baby bhoi (boy) nung una kinarga kita tapos kinuha ka sakin ni Kuya Jhong kasi nakataas na daw yung damit mo sa likod tapos kinuha sakin ni Baby bhoi (boy)  yung dala kong bag, dinala niya hanggang sa sasakyan tapos nung nasa sasakyan na tayo, doon palang umuwi sila Kuya Jhong tsaka si Baby bhoi (boy) tapos alam mo ba babe *laugh* kiniss ka ni Kuya Jhong sa noo" pagkukwento ni Ion with matching demonstrate pa kaya natatawa naman si Vice

"Hala. I'm sorry babe, I didn't know. Sana ginising mo nalang ako para naayos ko sarili ko tsaka ng gamit ko. Hindi na mauulit babe promise. I'm sorry. I love you. Thank you!" sagot ni Vice at hinalikan ng paulit ulit si Ion

"Okay lang naman 'yon babe, pero sana pag alam mong hindi mo na kaya at pagod ka na talaga. Pwede ka naman magpahinga. Ikaw nga may sabi na pag pagod na, maaari namang mamahinga, sana ginawa mo 'yon kanina. Tignan mo ngayon ang tamlay tamlay mo, hindi ako sanay. Please babe, magpahinga ka naman minsan. baka mamaya kasi dalin nanaman namin ikaw sa ospital, alam naman nating pareho na ayaw mo doon diba? kaya please babe, magpahinga pag hindi na kaya ha? nagalala ko sa'yo alam mo ba 'yun?" madamdaming sabi ni Ion at hinalikan ang noo ng kanyang nobya

"Opo babe masusunod. Promise last na po 'yon. Hindi na mauulit. Katulad nga ng sinabi ko sa'yo kanina, Ikaw lang nakapag paramdam sakin ng ganitong pagmamahal, pagaalaga, pagkalinga at hindi ako magsasawang sabihin sa'yo ang Maraming Salamat at Mahal na mahal kita, Benigno. Ikaw lang wala ng iba" 

THE END :))



Hi guuuuuuys! naisipan ko lang 'to and sorry kung lame 'man. HAHAHAHAHA

ps: sorry sa grammatical error and typogrammatical error. feel free to correct me po, mas ma-appreciate ko po 'yon. thank you! ❤️

Vote and comment are highly appreciated 🥰

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now