TOTGA

710 26 6
                                    

Hello, it's been a while, I miss writing na. Since tapos naman na School year, I'm back! 😂

Inspired by Ex with Benefits 😎

5 years ago

"Babe, sabi ni mama after nating maka-graduate ng High School, we will migrate na sa US kasi andoon daw si Daddy and 1 week from now, Graduation na natin" malungkot na sabi ni Vice

"We can talk to each other naman diba? We can face time naman po, we still have communication po" sagot naman ni Ion

"But babe, I don't know if I could text or call you when that happens. We knew naman na how hard College is. But, Ofcourse we will try naman diba?" tanong ni Vice kay Ion

"Promise?" nalu-luhang balik na tanong ni Ion

"I promise" masayang sagot ni Vice

Thursday night, may malalang naging away sina Vice at Ion at kinabukasan graduation na nila

"Babe, it's not what you think. Hindi totoo 'yon promise. I promise I won't hurt you, right? It's because what you see isn't true, and I'm saying it right now. They set me up. Even if we're drinking, I'm still aware of my actions. Believe me, please." naka-luhod si Ion habang nagpa-paliwanag. Nasa kwarto sila ni Vice at si Vice umiiyak sa may dulo ng kaniyang kama

"A-lin b-a a-ang hindi to-too Ion, kitang kita naman na naghahalikan kayo diba? Huwag mo naman akong mas lalong saktan I-ion, kasi sobrang sakit na eh. I trusted you, I fought for you sa parents ko, sa mga kaibigan ko kasi B-babe mahal kita eh, mahal na mahal kita tapos eto lang igaganti mo saking gago ka? Lumayas ka dito bago pa tayo magka-sakitan" puno ng galit na sabi ni Vice

"We're not going to end this, are we? I'll give you some time, but please don't end this babe" puno ng pagsu-sumamong sabi ni Ion

kapal ng mukha mo

Tanging tango na lamang ang naisagot ni Vice dahil alam niya sa sarili niya may magbabago at magbabago after nito

Bago umalis ng tuluyan si Ion sa condo ni Vice, hinalikan niya ito, at may binigay kay Vice

"Tsaka mo na buksan 'yan pag naka-labas na ko baka isauli mo lang pag andito pa ko. Always remember that, I love you so so so much. Mahal na mahal na mahal kita Babe. I'm sorry ulit. Congratulations my future Attorney Viceral. See you tomorrow, babe. Aalis na ko. I hope bago ka umalis ma-hatid man lang kita sa Airport" sabi ni Ion at tuluyang umalis sa condo ni Vice

Binuksan ni Vice ang binigay sakanya ni Ion, at mas lalo siyang naiyak dito. 'Yung matagal niya ng gustong bilin na kwintas, nasa kamay niya na ngayon at may kasamang letter.

"Hi babe, siguro pag nabasa mo 'to naka-alis ka na ng bansa. I hope gamitin mo ito, kahit magka-layo na tayo. Eto na muna 'yung regalo ko sa'yo sa Anniversary natin ha? Magagalit na si Mommy pag nakita niyang gumastos na naman ako gamit ATM niya, but 'yung pinang bili ko d'yan allowance ko 'yan for the whole month, kasama na din, Graduation gift kasi sabi ko kay Daddy, pera nalang ibigay sakin para mabili ko 'yang gusto mo at para na rin ma-regaluhan kita, at pumayag naman siya kasi ikaw naman daw 'yon, alam mo naman kung gaano ka suportado satin 'yon. Nakita ko kasing binabalik balikan mo ng tingin 'yan nung nag-mall tayo. So 'yan na. Congratulations and Advance Happy 3rd Anniversary Babe, Mahal na mahal na mahal na mahal kita"

Graduation Day

"Perez, Benigno D, With Honor" pag-tawag sa pangalan niya, hinalikan naman siya ni Vice sa pisnge at bumulong I'm so proud of you bago tumayo, at pumunta sa stage upang tanggapin ang kanyang Diploma at Medalya

Natapos ang section nila Ion, at nag simulang tawagin na ang section nila Vice. Pang huli si Vice dahil Viceral ito at nasa pang P palang ang tinatawag ng kanilang Adviser

Sa kabilang banda, pinuntahan ni Ion ang kanyang kapatid na may hawak na camerang DLSR at pumunta sa harapan upang kuhanan ng picture ang kanyang nobyo (A/N: yes, Vice is a gay po dito)

Natawag na halos lahat ng kaklase ni Vice at dahil si Vice na ang pang-huli at natitira, siya na ang pumunta sa stage

"Viceral, Jose Marie B, With Highest Honor"

Hindi alam ni Ion kung anong gagawin niya sa camerang hawak niya dahil nanginginig siya at naiiyak dahil na rin sa pagka-proud sakanyang nobyo. Alam niya kung gaanong pag hihirap ang naranasan ni Vice para lang makamit ang award na 'yon at saksi siya doon.

"Girlfriend ko 'yan. I love you, babe!" proud na proud na sabi ni Ion ng pumunta na si Vice sa lugar kung saan siya ay magsasalita para sakanyang Valedictorian speech

Unang bahagi - Pasasalamat para sa mga Guro at sakanyang Paaralan

Pangalawa - Pasasalamat para sa kanyang mga Magulang

at ang pang huli ay pasasalamat para sakanyang mga kaklase at special mention naman si Ion

"And lastly, to my babe, Mr. Benigno D. Perez. I'm so proud of you, Akalain mo 'yon, ga-graduate tayo with flying colors and everyone knows that, hindi ka masipag mag-aral, I mean nagbubulakbol ka lang naman minsan. Oh, don't be mad at me, it was true kaya, but when you met me, you've changed, you've changed not for me, but for yourself and I salute you for that. I love you so much, and again, Congratulations everyone!" sabi ni Vice at bumaba na ng stage, sinalubong naman siya ni Ion ng mahigpit na yakap at binuhat ito

"Babe, put me down kakanta na tayo oh" malambing at malumanay na sabi ni Vice kay Ion at buhat buhat pa rin siya nito.

Natapos ang Graduation Ceremony ng masaya, picture dito picture doon ang ginawa nila Vice at Ion, kasama ang kanilang mga classmate at ang kanilang mga barka-barkada. At dahil may after party, pinayagan ni Ion si Vice na uminom dahil andito lang naman sila sa bahay nila Vice

Ion was drunk, and Vice is sober

Nagpa-tulong si Vice sa mga kasama nila sa bahay upang ihatid si Ion sa guest room

"Babe, where here na sa kwarto, please take off your shirt na po, para mapunasan kita" sabi ni Vice at tinapik tapik niya si Ion sa pisnge upang magising

"B-babe, I love you. Mahal kita don't leave me please, Please stay, stay for me" umiiyak na sabi ni Ion at nagsimula na ding maluha si Vice

"B-babe, you know I can't. I'm sorry" malungkot na sagot ni Vice at tuluyang inalis ang damit ni Ion at pinunasan niya na ito

Kinabukasan, nagising si Ion na masakit ang kaniyang ulo. Hinanap niya si Vice sa tabi niya ngunit wala ito. Pumunta siya sa kwarto nito, ngunit wala din ito, pati mga gamit niya. Alam niya na agad, kung ano ibig sabihin nito pero hindi siya sigurado

"A-ate Grace, sila Vice po?" hinihingal na nag tungo sa kusina si Ion at pinuntahan niya ang kasama nila Vice sa bahay

"S-sir, k-kain mo na po kayo" kinakabahang sagot ni Ate Grace na isa sa mga Angels ng pamilya Viceral

"A-ate, sila Vice, si Tita at Tito nasaan po sila?" tanong ulit ni Ion ngunit imbis na sagutin siya nito, binigyan siya nito ng pagkain na may kasamang letter

"Hello babe, Good morning! Siguro pag nabasa mo ito, wala na ko sa bahay, sila ate nalang na nand'yan ang magpapaliwanag sa'yo. I'm sorry kung ganito ako nag paalam sa'yo. I'm leaving babe, My parents want me to continue my study abroad and I can't personally say goodbye to you, kasi alam ko pipigilan mo ako at alam mo ding mahina ako pag dating sa'yo. I will choose you over my parents babe, alam mo 'yan. And gusto ko lang ding sabihin na I forgave you, pinaliwanag na sakin nila Vhong. I'm sorry kung pinagdudahan kita. I'm so sorry. I prepare foods for you, ask Ate Grace nalang. Binilin ko sakanya 'yon before I left. I love you so much but I'm breaking up with you"

to be continued.

hi! 👋 sorry for the grammatical error, feel free to correct me po. Thank you! 🥰

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now