Shooting

939 28 9
                                    

hiiiiii, kumusta kayo?

.

Saturday morning, umalis ng bahay sila Vice at Ion kasama ang ilan sa mga kaibigan nilang dalawa at si Jackie upang bumili ng gagamitin ni Ion para sakanyang shooting sa gagawin nitong movie kasama sila Jackie, Juliana Pariscova at iba pa.

"Babe, Jackie dito tayo tumingin ng damit niyo" sabi ni Vice at pareho nitong hinila ang kamay nang dalawa

Nakapamili naman sila Ion at Jackie sa tinuro ni Vice na store, akmang babayaran na ni Jackie ang nakuha niya ng pigilan siya ni Vice

"Kami na Jackie" sabi ni Ion at kinuha ang credit card sa bag nilang dalawa ni Vice para magbayad

"Meme, Kuya ako nalang po sagot sa pagkain natin" suhestyon ni Jackie ngunit napailing naman si Vice

"Hindi na, kami na, kami nagaya dito eh. Chill ka lang dyan Jackie girl" natatawang sabi ni Vice na ikakamot naman ng noo ni Jackie dahil nahihiya na ito sa dalawa

"Meme, dito tayo kumain. Kilala ko may-ari" sabi ni Buern at pumasok na silang lahat upang kumain

Katabi ni Ion si Vice, katabi ni Vice si Erna, katabi ni Erna si Buern, katabi ni Buern si Jackie, katabi ni Jackie si Glorious at Annie na mga kaibigan ni Vice

"Mga bakla, sino sasama kay Jackie at Ion sa shooting? sino available sainyo?" sabi ni Vice habang kumakain, nakita naman ni Ion na may pagkain sa may pisnge ni Vice kung kaya pinunasan niya ito napa "ayiee" naman ang lahat ng kanilang mga kasama

"May sweldo?" natatawang sagot ni Glorious at uminom ng tubig, nakatanggap naman siya ng tissue na binato ni Vice

"Deputa ka, sino muna available?" tanong ulit ni Vice

"Ako available ako, Meme basta may sweldo o hindi kaya new shoes" sagot ni Erna kaya binatukan siya ni Vice

"Hindi ka pwede, wala akong kasama" sagot ni Vice

"Available ako, ate" sabay na sagot ni Annie at Glorious

"Isa lang dapat, Next week na start ng shooting nila mga Sabado siguro. Diba Babe?" paniniguradong tanong ni Vice kay Ion na abala sa paghihimay ng Hipon at ng Alimasag tapos sabay lagay sa plato ni Vice.

"Y-y-e-s po" sagot ni Ion dahil nabulunan

"Oh tubig, dahan dahan naman kasi babe, hindi ka mauubusan, magpapatake out ako sige ng may kainin ka sa bahay" sabi ni Vice dahil hanggang ngayon nauubo pa rin si Ion

"Bakit kailangan pa Meme ng magbabantay sa dalawa, wala ka bang tiwala sa mga kasama ng mga 'to?" tanong ni Buern

"Hindi sa naman sa wala akong tiwala sa mga makakasama nila, ang akin lang ayoko ng may ibang hahawak sa kanila o magaasikaso, mahirap na. Kung walang virus okay pa na wala ng kasama pero hindi eh, tsaka mapapanatag ako kung may kasama silang kakilala ko tsaka magaayos sakanila lalo na pag memake up-an si Jackie" paliwanag ni Vice sa mga ito at kinain na ang mga nilagay o hinimay ni Ion para sakanya

"Akala ko, papabantayan mo si Ion, Meme" natatawang sabi ni Jackie

"Kahit naman hindi ko bantayan 'to alam kong sakin pa rin 'to uuwi" panatag na sagot ni Vice at nag flip pa ng kanyang so called "buhok" at tinignan niya si Ion na kanina pa pala nakatingin sakanya

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now