Nanay 's Day

3.9K 74 2
                                    

Katatapos lang ng showtime at napag-pasyahan nila Vice at Ion, na huwag munang umuwi sa bahay, sakanilang bahay at mag-stay muna sa Dressing Room ni Vice.

Pina-una na ni Vice ang kanyang Team at ang kanyang Driver, dahil kasama nga niya si Ion. Pinasabay nalang ni Vice ang kanyang driver kila Buern pauwi ng Green Meadows. (A/N: I'm not sure with the spelling ✌)

Kasalukuyang naka higa sa sofa ang mag kasintahan, naka-unan si Vice sa braso ng binata at ang kanyang kanang kamay ay naka-yakap kay Ion at ang kaliwa ang nasa butas ng tengga ni Ion.

Nakikiliti si Ion sa ginagawa ni Vice kung kaya bigla niya itong binigyan ng isang smack sa labi na siyang ikinagitla ni Vice, pagkatapos ng smack na iyon pinalo ni Vice ang dibdib ni Ion

"Mga da-moves mo din minsan Benigno hindi ko malaman eh" sabi ni Vice kay Ion habang nilalaro ang balbas nito

"Ouch lab, ang bigat kaya ng kamay mo" sabi ni Ion habang hinihimas ang kanyang dibdib kung saan pinalo siya ni Vice

"Sorry na lab, saan masakit baby? Dito?" sabi ni vice habang binibigyan ng halik ang mga tinuturo niya sabay hipan dito

"Ay oo nga pala lab, uuwi akong Tarlac bukas ah? Baka gabi nako umuwi or sa lunes na nang madaling araw okay?" pag-papaalam ni Ion kay Vice na ikinapag-taka naman ng dalaga

"Bakiiit? May ano?" takang pagtatanong ni Vice kay Ion

"Lab, araw ng mga ina bukas, nakalimutan muna? Huwag mong sabihing wala ka pang plano para kay Nanay Rosario?" pag papaalala ni Ion sa dalaga

"Oh shet oo nga pala, nakalimutan ko, wait lang" sabi ni Vice at agad na tumayo mula sa pagkaka-unan niya sa braso ni Ion at kinuha ang kanyang cellphone sa side table malapit sa sofa ng kanilang hinihigaan

Agad naman niyang tinext si Buern na magpa-dala ng makakain o much better pera pang treat niya sa nanay ni Ion at sabihing huwag  sabihin kay Ion, pagkatapos niyang itext ng kaibigan agad siyang bumalik sa sofa kung saan nakahiga si Ion at tumabi ito

Habang pinipisil ni Vice ang pisngi ni Ion out of nowhere niyang sinabi sa binata ang mga katagang "I love you" at "salamat" at sinagot naman ni Ion ng "Mahal na mahal kita" sabay halik sa noo ni Vice

"Lab ang taas talaga" pang aasar ni Ion sa kasintahan at agad naman siyang sinampal ng mahina ni Vice

Pagka-uwi na pagka-uwi nila Vice at Ion sa bahay nila agad na pinag-empake ni Vice ang binata at hindi ito tinutulan ni Ion

6pm na ng makarating si Ion sa Concepcion Tarlac at pag pasok niya sakanilang bahay laking gulat niya andoon ang hindi niya inaasahang tao .... si vice na naka over sized t-shirt at short short, agad naman sinalubong ni vice si ion ng isang yakap at isang halik sa pisnge

"Lab, bakit ka andito? Kala ko ba aalis ka?" takang pag tatanong ni Ion sa nobya

"Noi, ako nag imbita kay Vice na pumunta dito kesa magpadala ng pera o magdala ng pagkain para sa selebrasyon ng Mother's day" pagka-klaripika ni Nanay Zeny kay Ion

Nang dahil sa narinig biglang sumama ang tingin ni Ion at umiling nalang na parang hindi nagustuhan ang ginawa ni Vice kung kaya nagpaalam siya sa kanyang ina na sa kwarto muna ito.

Walang sinayang na oras si Vice kung kaya sinundan niya ang kasintahan at buti nalang hindi ito naglock kung kaya madali siyang naka pasok, nadatnan niyang nakahiga si Ion habang nag cecellphone at hindi inalintana ang pagpasok ni Vice sa kanyang silid

"Lab, sorry po" sabi ni Vice at umupo sa tabi ni Ion

"Lab, sorry na pansinin mo na ko" sabi ni Vice habang yinuyugyog si Ion na siyang ikinabaling ng katawan ni Ion patalikod kay Vice at biglang nanlumo si Vice dahil sa ginawa ni Vice

Patuloy ang pag-suyo ni Vice kay Ion ngunit baliwala lang ito kay Ion kung kaya napagpasiyahan niya nalang na lumabas ng kwarto ni Ion at tumulong kay Nanay Zeny mag luto

Naka-handa na ang pagkain at tinawag na ni Vice si Ion sa kwarto pero walang sumasagot kung kaya napag-pasyahan niya itong puntahan sa kwarto baka nakatulog na ito at hindi nga siya nagkamali tulog ang binata ngunit agad na napukaw ng kanyang atensyon ang gilid ng mata at ilong ng binata na namulula hudyat nitong umiyak ito.

"Aaargh ang tanga mo Vice, bat kasi ginawa mo 'yon?" pag sisi ni Vice sa kanyang sarili at nang may biglang may tumulong luha mula sa kanyang mga mata.




Wassup, what do you think guys? Ano kaya mangyayari sa selebrasyon ng Mother's day sa Pamilyang Perez?

Vote and Comment are highly appreciated! ❤️

Viceion One Shot StoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang