Mr. and Mrs. Perez

615 18 3
                                    

hiiiiiiii! it's been a while haha and last update ko na rin siguro 'to since, masaya naman na sila Vice at Ion

-

"Baaaaaaabe" sigaw ni Vice pagka-pasok sa loob ng bahay nila ng asawang si Ion

"B-babe, anong nangyari? may masakit ba? may nangyari ba?" tarantang sabi ni Ion na ikinatawa naman ni Vice

"Babe, Calm down, I'm okay. Hinahanap lang kita kasi usually andito ka sa gilid ng kabayo e" sagot ni Vice habang hawak hawak mukha ni Ion

"Akala ko naman kung anong nangyari sa'yo, kinabahan ako doon babe. Huwag mo ng uulitin 'yon ha?" sabi ni Ion habang pinapakalma sarili

"Yes po, I'm sorry babe. I love you!" sagot ni Vice at binigyan ng mahigpit na yakap si Ion

"Nga pala bakit ka late umuwi? nag-vlog kayo?" tanong ni Ion

"No po, nag punta ako kila Anne, dinalaw ko lang sila Dahlia kasi diba papasok na siya sa Showtime, next week. I texted you, kaya" paliwanag ni Vice kay Ion

"Ay sorry babe, hindi ko nabasa, nanunuod kasi ako" sabi ni Ion

"Kumain na ba ikaw? Kung hindi pa tara kain na tayo, init ko ulam" sabi ni Ion

"Konti lang, busog pa ako kanina e" sagot ni Vice

"Gusto mong kumain?" tanong ni Ion at agad naman tumango si Vice. Pumunta na sila sa kusina

Tahimik na kumakain sila Vice at Ion nang biglang magsalita si Vice

"Babe, I think, this is the time, sasabihin ko na sakanila" sabi ni Vice

"Ang alin babe?" naguguluhang tanong ni Ion

"Na eto, kasal na tayo, na nag propose ka na sa akin dati pa. Lahat" sagot ni Vice

Dahil sa narinig, naiyak si Ion na siyang pinuntahan ni Vice

"Aww, my hubby is crying" sabi ni Vice at yinakap si Ion

"Thank you, Babe" sabi ni Ion at tinugunan ang yakap ni Vice

"You deserve it. I'm sorry kung natagalan, you know naman diba?" sabi ni Vice

"Yes babe, naiintindihan ko. Alam mo rin namang hindi mo deserve 'yung tinatago ka diba?" sagot ni Ion

"Oo naman, pero kasi babe, alam naman nating hindi natural 'tong relasyon na meron tayo, mamaya baka pag umamin tayo agad 'non, sandamak-mak na  bashing ang matanggap natin, lalo ka na, ayoko ng ganon, gusto ko masaya lang. This time, bahala na kung ano 'yung sasabihin ng iba, basta alam natin sa sarili natin kung anong meron tayo, ang dami na rin kasi sa mga fans natin ang nakakahalata sa singsing na suot ko. So i think, this is it. Aamin tayo for the fans hindi para sa iba, para sa mga taong sumusuporta sa atin" paliwanag ni Vice kay Ion

"Thank you, Babe. Sinabi ko naman sa'yo diba? hindi kita kailanman iiwanan at paulit-ulit kitang pipiliin. Siguro sa susunod na buhay, magkalayo 'man tayo, alam ko sa sarili kong ikaw lang, hindi ka man maalala ng isip ko, pero 'yung puso ko, mananatiling sa'yo. Mahal na mahal kita, 'Tuy" sagot ni Ion

"And I love you, too so much, 'Noy" sagot ni Vice at hinalikan si Ion




Fast forward

"Madlang People, I have an announcement to make" sabi ni Vice na ikinatahimik ng lahat

(Imagine wala ng virus dito, may live audience na)

"Nakita niyo akong umiyak, sa mga lalaking dumaan sa buhay ko, naging bitter sa relasyon ng iba, gabi-gabi pumupunta sa club, umuuwi ng umaga na, pero nung dumating 'yung lalaking 'to sa buhay ko, nagbago lahat. Hindi na ako gumigimik, hindi na umiinom, iiyak man ako hindi dahil sa labis na kalungkutan dahil sa labis na kasiyahan and dahil 'yon lahat kay Ion and I think, this is the time na sabihin sainyo na, We're Married. Yes, you heard it right we are married. wala kaming pinagsasabihan nito, maliban sa mga kasama namin 'nung nagpakasal kami, of course. Even Showtime Family, hindi nila alam na nagpakasal na ako. At first, ayaw ko talaga aminin sainyo kasi for sure may mang-ba-bash sa amin, lalo na sa partner ko, si Ion pero wala na akong pakielam, hindi sa walang pakielam na maba-bash si Ion but doon sa mga taong mapang-husga. Ilang taon kaming nag-tiis sa pang huhusga ninyo pero this time, bahala na kayo, wala na kaming pakielam basta kami alam naman sa sarili namin na masaya kami. And para na rin sa mga fans, supporter at nagmamahal sa amin ni Ion. Ion proposed to me, February 21, 2020, hindi ko na iku-kwento kung paano, anong oras at ipo-post ko naman 'yon sa YouTube Channel namin, hintayin niyo na lang. So ayon nga, we're married. We decided to tie the knot last October 19, 2021" sabi ni Vice

"Oh My God! Sistereeeeeet! I'm so happy for you! Oh my god!" umiiyak na tumatalon si Anne

"Sabi ko na nga ba e" sabi ni Teddy

"Congratulations, Guys!" sabi ni Jugs

"We are so happy for you, Vicey and  Ion" sabi ni Karylle

"Congratulations, Mama!" sabi ni Kim

"Mommy, Daddy" umiiyak na sabi ni Ryan

"Congratulations, Ate and Ion" sabi ni Jackie

"We are so so so so so happy, for you guys!" umiiyak na sabi ni Anne

"Congrats, Guys!" sabi ni Tyang Amy

"Sa wakas" sabi ni Ogie

"Group hug" sabi ni Vhong habang umiiyak

"We love you guys, Congratulations!" sabi ni Karylle

The End







Alam kong hindi ito 'yung totoong nangyari at hindi ko na papahabain pa at ilalagay yung totoong nangyari talaga dahil meron naman sa YouTube. Watch niyo na lang.

AND, this it the last time na mag-u-update ako dito sa story na'to dahil sa tingin ko ito na talaga katapusan ng story na'to. Siguro kung meron man na susunod na update is may sarili na silang anak. Ayon lang.

AND, kung may wrong grammar or spelling, feel free to correct me po. Thank you! <33333

THANK YOU, SA LAHAT NG NAGBASA NITONG PUTCHU-PUTCHU KONG ONE SHOT STORY HAHAHAHA! HANGGANG SA MULI, GUYS! MARAMING SALAMAT! ♡

ViceIon One Shot Story is signing off.

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now