Clingy Vicey

1.7K 51 8
                                    

Tanghali na ng magising si Vice

"Babe, wake up na, late na tayo sa showtime. anong oras na oh" pagmamaktol ni Ion kay Vice

"5 minutes pa po" sagot ni Vice kay Ion

"Kanina ka pa po 5 minutes ng 5 minutes, babe papagalitan ka nanaman ni Direk niyan eh" sabi ni Ion at patuloy pa rin yinuyugyog si Vice

"Argh, kiss me muna" sabi ni Vice at nagiinat pa

"Mamaya na lang babe, kailan mo na po talaga kumilos 11 na babe oh" pangungulit ni Ion at umupo na sa tabi ni Vice

"Ihh kish meh muna nga kasi" parang batang sabi ni Vice at naka-yakap pa sa tagiliran ni Ion

"Sige na nga para kumilos ka na" pasukong sabi ni Ion at ginawaran ng halik si Vice sa labi, ngiting aso namang tumayo si Vice at nagtungo sa banyo

12:00, 15 minutes before showtime nakarating na sina Vice at Ion sa studio, nakababa na lahat at si Vice nalang ang hinihintay ngunit ayaw pa rin nitong bumaba hangga't hindi siya binubuhat ni Ion kung kaya pinatawag pa ng team vice si Ion sa wardrobe

"Kuya, tawag ka ng jowa mo" pangunguna na sabi ni Buern, ngunit tinignan na lamang siya ni Ion na "bakit" look, nagkitbit balikat naman si Buern bilang sagot at sumunod na lang si Ion

"B-babe buhat huhu" pagpapa-bebe ni Vice

"Babe naman, anong oras nalang mag-start na yung show" inis na sabi ni Ion, ngunit binuhat pa rin si Vice

Habang binabaybay ng dalawa ang hallway patungong It's Showtime, pa-simpleng hinahalikan ni Vice ang batok ni Ion at kung minsan ang pisnge nito

"Babe, huwag, pag ikaw nahulog" sabi ni Ion at at huminto na ito sa tapat ng mga kasamahan sa trabaho

"Brad, aba bumaba na dyan, wala ka pang ayos oh" sabi ni Vhong at nagtangkang tanggalin ang kamay ni Vice sa pagkakakapit sa leeg ni Ion pero nabigo ito at pinalo pa ang kamay ni Vhong

"Sis, ang clingy. Buntis ka?" birong sabi ni Anne

"Ah talaga ba ngangabu? bahala kayo dyan" iritang pagkaka-sabi ni Vice at pumunta na sa kanyang Dressing Room

Pagkaalis ni Vice, nagsi-tawanan naman ang mga kaibigan nito kasama na si Ion

Bago magsimula ang show, pinuntahan ni Ion ang kasintahan

"Babe, pasok ako ha?" sabi ni Ion bago buksan ang pinto ng dressing room ni Vice, walang sumasagot sakanya binuksan niya na ito

"Babe, tinatawag ka na nila Ate Anne, mag-start na daw kayo" pangbababsag ng katahimikan ni Ion dahil pagkapasok niya palang ay walang kibo ang nobya at naka tutok lang ito sa cellphone niya

"Babe, hindi mo ba talaga ko papansinin? wala naman akong kasalanan sayo ah? sila Kuya Vhong 'yon eh, bakit ako damay?" pangungulit ni Ion dahil sa lahat ng sinabi niya walang sagot ang dalaga

"Oh" mataray na sabi ni Vice at sa wakas nilingon na si Ion

"Babe, sorry na. Pansinin mo na ko, hindi ako sanay na hindi mo ko kinakausap, hindi ako sanay na tahimik ka pag tayong dalawa lang" malungkot na sabi ni Ion at lumapit kay Vice

"Ih, kasi naman pati ikaw nakikisali sakanila, kakawa vicey" pabebeng sabi ni Vice habang naka-yakap kay Ion

"Sorry na, hindi na mauulit. Bati na tayo ah?" sabi ni Ion at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Vice. Tanging halik na lamang ang ginawad ni Vice upang masabing bati na sila

"Stand by na" hiyaw ng staff, dahilan upang magbitaw ang dalawa sa yakapan

Nakalabas ng dressing room ang dalawa, naka-yakap si Vice sa gilid ni Ion, nakasiksik ang mukha sa leeg nito

"Clingy Vicey" sabi ni Karylle nang magkasalubong ang mga ito sa hallway patungong backstage

Natapos ang show, agad na inutusan ni Vice ang Team Vice na bumili ng pagkain nilang lahat

"Me, Kuya, kain na nasa pantry na yung inutos mo" sabi ni Buern at iniwan na ang dalawa

Naka-upo sa sofa ng Dressing Room si Ion, at nakapatong si Vice

"Babe, tara na, alam ko nang gutom ka eh" pag-aaya ni Ion sa kasintahan

"Inaantok na ko Babe, mamaya nalang please?" walang ganang sagot ni Vice at naka-hilig sa dibdib ni Ion

"Babe, nagpabili bili ka tapos hindi mo kakainin? nagsasayang naman babe eh" pa-galit na sabi ni Ion at dahan dahan itinatayo si Vice

"Eh sa inaantok pa nga ako, anong magagawa ko?" inis na sagot ni Vice na naka-tayo na, pero nung tumayo si Ion yinakap niya ulit 'to at kunwaring naghihilik

"Hindi na, susubuan nalang kita, okay po ba yon?" mahinahong sabi ni Ion at ikina-ngiti naman ni Vice

"Alabyu" pabebeng sabi ni Vice at hinalikan si Ion sa labi, tutugon pa sana si Ion ng harangan ni Vice ang nguso nito

"Diba kakain po tayo, susubuan mo pa ko babe?" asar ni Vice at hinila si Ion palabas

Ilang saglit pa nakarating na ang dalawa sa pantry, halos maubos na ng showtime host at team vice ang pagkaing pinabili nila

"Sorry Cutiepie" sabi agad ni Jhong nang makapasok ang dalawa sa loob

"Sorry Vicey" mahinhin na sabi ni Karylle

"Paano pa kami kakain niyan, mukhang kulang pa ata sainyo yang natira" giit ni Vice at padabog na umupo sa kanyang pwesto gayun din si Ion

"Papabili nalang kami anak" sagot ni Tyang Amy

"Hindi na Tyang, okay na po yan. Huwag nyo pong pansinin 'to" sagot ni Ion sabay lingon kay Vice at wala na itong nagawa kung hindi kumain ng natirang pagkain para sa kanilang dalawa

Dighay ni Vice, rinig sa apat na sulok ng pantry dahil sa lakas at nagsitawanan naman ang mga naroon

"Busog na busog anak ah" sabi ni Tyang Amy

"Galing ng nagpapakain sakin eh" sagot ni Vice at tumawa naman si Jhong ng nakakaloko

"Ano ba pinapa-kain mo dyan Ion?" asar na sabi ni Jhong, natawa si Ion dahil may iba pa siyang naiisip

Bago maka-sagot si Ion, hinalikan agad ito ni Vice dahilan upang maghiyawan ang mga tao na naroon.










The End

Hi! What's up? kamusta kayo? Sorry kung magulo ☹️ bawi ako bukas and sorry ulit kung ngayon lang ito.

Happy one year sakin bilang author (naks) Thank you so much guys sa support! keep safe sa lahat! ❤️

PS: Sorry sa mga typo grammatical error at wrong grammar, feel free to correct me po 🤗

Vote and comment are highly appreciated! 🥰

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now