Preparation

1.2K 41 8
                                    

Hi wassap kyeoh! 🤪
-

March 1, 2020

Ilang buwan ang lumipas para sa preparasyon nang kasal nila Vice at Ion, minsan pinaga-awayan pa nila kung sino ang naka schedule sa pag punta sa mga ninong at ninang at sa mga food tasting etc.

Sa Taiwan napiling magpakasal nila Vice at Ion at okay lang naman ito sa lahat lalo na sa mga kaibigan niya at sa mga Showtime Hosts

"Viceral, Congratulations sa kasal! pero kasi baka hindi ako makapunta alam mo na prior commitments" sabi ni Rr Garcia (A/N: Good friend sila lahat dito 🤪)

"Ano ka ba okay lang, naintindihan ko thank you! ingat kayo ha? alagaan mo ng mabuti inaanak ko" sagot ni Vice at yinakap na lamang si Rr bago umalis ngunit bago ito makakalas sa yakapan nila ni Rr nakalapit na si Ion

"Ehem" ani ni Ion at pinipigilang matawa dahil sa itsura ng dalawa

"Oh Hi pre, congratulations sainyo nitong si Viceral, akalain mo nga naman may nakatapat din 'to" natatawang sabi ni Rr at ikinatawa naman din ni Ion

"Malakas tama sakin na'to kuya eh" sambit ni Ion at nakatanggap naman siya ng palo kay Vice

"Gago niyong dalawa, bahala kayo dyan hmp" inis na sabi ni Vice sabay alis at pasok sa dressing room

Nagkatinginan naman sina Ion at Rr at sabay na natawa at nag-apir pa, natahimik sila pareho at nagpaalam na si Rr

"O siya pre, congratulations ulit sainyong dalawa. Ingatan mo yan! masaya ko para sainyo, una na ko ha?" paalam ni Rr kay Ion

"Sige po kuya, ikaw din mag-ingat. Salamat po!" sagot ni Ion kay Rr

Nang wala na sa paningin niya si Rr agad na tumakbo si Ion sa Dressing Room ni Vice

"Babe, papasukin mo ko. Sorry na po" malumanay na sabi ni Ion at patuloy sa pagkatok sa pinto ng Dressing Room ni Vice

"Manigas ka dyan, bwesit ka magsama kayo ni Rr" hiyaw ni Vice sa loob ng dressing room

"Sorry na nga babe eh, nagbibiruan lang naman po kami ni Kuya Rr eh ikaw naman" pagpapaliwanag ni Ion at nasa harap pa rin ito ng pinto at sa wakas nabuksan niya na ang pinto

"Sorry na babe" sambit ni Ion at yinakap si Vice mula sa likod

"K-kasi naman eh" sagot ni Vice at humikbi

"Oh eh bat umiiyak babe? Joke lang naman po kasi yon eh, sineryoso naman kasi" Sabi ni Ion at bahagyang natatawa sa ka-cute-an ng jowa

"Ngayon tinatawa-" Sabi ni Vice ngunit bigla itong hinalikan ni Ion

Tumugon sa halik ni Ion si Vice at tumagal ito ng ilang minuto, natapos lang ito ng may kumatok sa pinto

"Ma'am, 2 mins nalang po stand by na" Sabi ni staff

"Ayan kumalat na lipstick ko, Benigno naman!" eksaheradang sabi ni Vice at pinalo si Ion sa mga braso nito

"Parang hindi mo naman nagustuhan Mahal" pang-aasar ni Ion kay Vice at tinignan lamang ito ng masama ni Vice

Natapos ang Showtime ng maayos at hindi maitago ni Vice ang kanyang kilig

Flashback

"Baby, alam mo bang Mahal na Mahal kita?" sambit ni Ion kay Vice habang hawak hawak ang mukha ni Vice

"BABY!?" galit na hiyaw ni Vice kay Ion "Sinong baby yan ha Benigno? ikakasal na nga tayo't lahat lahat nakuha mo pa-" naputol ang sasabihin ni Vice ng halikan ulit siya ni Ion

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now