Engagement

1.6K 41 8
                                    

Hi I'm Back-la! 👋🏻 1 month na rin pala since nung last. ✌🏻

-

"Love, gising na, tayo nalang yung naiwan dito oh" panggigising ni ni Ion sa matutulog na kasintahan

"5 more minutes Babe" halatang inaantok na sabi ni Vice

"Hindi ka talaga gigising ah?" pangungulit ni ni Ion at hinahalik-halikan ang bawat parte ng mukha ni Vice

"B-abe ha-hahahaha s-stop hahaha-hahaha!" nahihirapang sabi ni Vice. Natigil ang pangungulit ni Ion ng bigla sabihin ni Vice na "Happy monthsary"

"Naalala mo?" gulat na tanong ni Ion sa kasintahan dahil buong akala niya nakalimutan ito ni Vice, first time niya kasing magse-celebrate kasama ito at silang dalawa lang.

"Bakit ko naman makakalimutan yung araw na'to nung sinagot ko yung pinaka-bully, gwapo, seloso at over protective kong jowa? Of course not, duh!" confident na sagot ni Vice habang nakapatong sa ibabaw ni Ion at kada bawat salita nito ay hinahalik-halikan ang bawat parte ng mukha nito at hinawi pa ang buhok nito na akala mo'y merong nakakabit

"Babe, huwag ka ngang ganyan wala kang buhok sa mga oras na'to" pang-aasar ni Ion at mahinang sinampal ni Vice si Ion

"Hmp, ah ganon Ion ha? bahala ka dyan" inis na sabi ni Vice at umalis sa pagkakaibabaw ni Ion at akmang aalis ngunit hinila siya ni Ion

"Sorry na. I love you so much betla ko" sabi ni Ion habang naka-palupot sa bewang ni Vice habang naka-yakap

"Pasalamat ka Monthsary natin, hay nako. I love you too so much. Happy Monthsary again!" sagot ni Vice at nilingon si Ion at hinalikan sa labi

Few moments later, naka-sakay na sa eroplano ang dalawa

"Psst, Happy Monthsary!" bati ulit ni Vice kay Ion at in-igs (A/N: Kunware lang mga sis 😹)  niya pa ito

"Happy Monthsary, I love you" sagot ni Ion at ngumuso pa ito habang vinivideo-han ni Vice

"Happy Monthsary hihi" paulit ulit na sabi ni Vice, abot naman ang thank you ng binata

Nakarating na ang dalawa sa Taiwan ng sila lang, nagpasundo lang sila sa mga bakla dahil nagrent sila ng isang bahay para doon mamalagi habang bakasyon pa lamang nila

"Psst, lambing" pangbe-baby talk ni Vice kay Ion habang naka-hilig ito sa balikat ng kasintahan

"Mamaya babe, sa kwarto na" sagot ni Ion at hinalikan ang ulo nito

"Ih love lambing, kiss dito oh" pangungulit ni Vice at tinuro ang kanyang labi

"Love, may tao po. Nakakahiya" nahihiyang sabi ni Ion at yinakap na lamang niya si Vice in the end yung ulong nasa balikat ni Vice napunta sa matitipunong dibdib ni Ion, yinakap naman pabalik ni Vice si Ion at hinapit ito sa may bewang

"Ang landeeeeeee" hiyaw ni Buern at sinapok naman siya ng mahina ni Vice

"Walakampake" mataray na sabi ni Vice sa kaibigan at para lalong mainggit ang mga kaibigan, siya na ang naginitiate na halikan si Ion sa labi. Tinugunan naman ni Ion. Natigil lang ito nang humiyaw si Erna

"Hoy maawa kayo sa walang Jowa" nagsitawanan naman ang mga bakla at binelatan naman ito ni Vice

Nakarating na sina Vice sa bahay kung saan sila tutuloy. Dire-diretso ito sa kwarto

"Love, Babe may bibigay ako sayo" sabi ni Ion habang nakatalikod si Vice sakanya. Saktong paglingon ni Vice 'siyang luhod ni Ion at nilapitan niya ito

"Hindi ko maimagine yung araw-araw kong buhay kung hindi kita nakakasama, hindi ko naiimagine na mahihiwalay tayo sa isa't isa pagkatapos ng trabaho natin sa Showtime. Hindi ko naiimagine na hindi kita makita kada matutulog at gigising ako. I love you so much babe. Will you marry me?" umiiyak na pagtatanong ni Ion kung kaya mas lalong naiyak si Vice sakanyang nasaksihan

"Yes babe, I will marry you. I love you too so much!" sagot ni Vice at itinayo si Ion mula sa pagkakaluhod at hinalikan. Tumagal ang kanilang paghahalikan ngunit nahinto ito ng humiyaw si Buern na "Kakain na Meme at Kuya"

Lumabas sila ng kanilang kwarto ng mugto pa ang mga mata kahit na naglinis na sila ng katawan

"Oh mga anak bakit kayo umiiyak?" pagtatanong ni Nanay Rosario sa dalawa

"Meme, ngayon lang namin nakita singsing mo, bago 'yan?" pagtatanong naman ni Budi

Parehong na-ngiti sina Vice at Ion

"Papakasalan ko na po si betla ko 'nay" masayang sabi ni Ion

"I'm Engaged!" masayang sabi ni Vice at itinaas ang kanyang kamay na may singsing at nagsimula nanamang umiyak

Kanya kanyang congratulate ang kanilang mga kasama at hindi napigilang umiyak ni Nanay Rosario at nilapitan ito ni Ion

"Nanay, sa wakas nagawa na natin. Masayang masaya ko 'Nay" masayang pagkukwento ni Ion kay Nanay Rosario

"Natin?" biglang sulpot ni Vice at nagulat naman sina Ion at Nanay Rosario

"Hmm. anak matagal ng nagpaalam si Ion sakin kung pwede ka niyang pakasalan at pumayag ako, to be honest ako pa nga pumili ng singsing mong 'yan nagpasama siya sakin. Kaya alam ko na, na nagpropose siya sayo at masayang masaya ko para sainyo anak" pagkukwento ni Nanay Rosario kay Vice at nagsimula ulit umiyak

"Mahal na Mahal na Mahal ko kayo pareho, halika nga rito payakap. Thank you Babe and thank you nanay" emotional na yinakap ni Vice ang dalawa

Makalipas ang tagpong iyon sa Taiwan. Umabot ng halos mahigit isang buwan ding pagtatago. Naamin na rin nilang dalawa na sila na ay ikakasal.

February 14, 2020. Ito na ang araw na iaannounce ni Vice na malapit na siyang ikasal sa long time partner na si Ion.

"A moment of silence please? May announcement po ako. Last year ang dami na mangyari sa buhay ko andyan yung pagdating ni Ion sa buhay ko, pagse-celebrate ng 10th year anniversary ng Showtime and Last December may isang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Yes Blockbuster ang movie ko ulit with my sisteret Ngangabu and of course my fiancè Ion. Yes, you heard it right. He is my fiancè now. Hindi ko na sasabihin kung kailan nangyari at paano basta December last year. And the ceremony of our wedding is sad to say I want it to be private although magse-share pa rin naman kami pero hindi lahat siguro. Gusto ko talagang pribado yun. Sana maintindihan niyo. Happy Valentine's Day Everyone!" ma-pusong pag-amin ni Vice habang hawak ang kamay ni Ion

Kanya kanyang congratulate ang natamo nang dalawa dahil doon lang din nila sinabi sa mga kasamahan/kaibigan ang pangyayaring ito sakanilang buhay.

"Lahat kami nagulat, so Ion what can you say? Any message to my sisteret" Garalgal na pagtatanong ni Anne kay Ion dahil pati siya halatang gulat na gulat dahil isa siya sa malalapit na kaibigan ng dalawa ngunit hindi nila ito sinabihan

"Hmm, alam niya naman na siguro yun, sa araw araw na ginawa ng Diyos  sa umaga, sa tanghali at sa gabi sinasabi ko sakanya na Mahal na Mahal ko siya. Wala na kong hihilingin kasi parang dati lang pinapangarap ko lang siyang makita ngayon nakakasama ko na siyang tumanda dahil mapapangasawa ko na ang nagiisang Vice Ganda ang Mahal ng lahat. kaya Love, I love you so much. Thank you kasi umo-oo ka" taos pusong sabi ni Ion at hinalikan ito sa noo at sinabing "I love you" sumagot naman pabalik si Vice ng "I love you too"

Natapos ang anusyo ng masaya ang lahat pati ang malalapit nilang kaibigan, at ang mga taong nakapalibot sakanila nang matapos ang programa nagpabigay si Ion ng bulaklak with card kay Vice habang umeere ang TNT. Ang nakalagay ay

"Hindi na ako makapaghintay na makasama ka habang buhay"

THE END

CHAROT. PART 2 WILL BE ENTITLED "MARRY ME"

Hi! What's up? 1 month na ngayon since nung nag-update ako. eto na siguro palaging magyayare tuwing Monthsary nila ako mag-uupdate. Anyway highway, Happy 16th Months of Love my happiness 🥺🧡

PS: Sorry sa typo grammatical errors at wrong grammar. I know lame sorry 🥺✌🏻

Any thoughts? 😅 Thank you!

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now