Happy birthday, Ion

1.1K 27 10
                                    

hey!

November 25

"Babe, pwede ba akong umuwi ng Tarlac sa Birthday ko?" pagtatanong ni Ion at tumabi sa kasintahang nakaupo dahil nanunuod ng Start Up

"Yes naman, babe pero hindi tayo magkakasama sa Birthday mo paano 'yon?" pagsagot ni Vice at pin-ause muna ang pinapanuod nito

"Eh di punta ka nalang sa Tarlac o hindi kaya late nalang nating i-celebrate yung Birthday ko dito" sabi ni Ion ay yinakap si Vice sa tagiliran

"Okay" tanging sagot na lamang ni Vice at hindi niya pinahalatang nalulungkot siya dahil hindi niya makakasama ang kasintahan sa espesyal na araw na iyon.

November 26

"Babe, ngayong araw na pala ko uuwi, pwede po ba 'yon?" pagtatanong ni Ion kay Vice

"Bakit?" balik na tanong naman ni Vice dito

"Eh kasi po nagyayayang mag-bike mga kapatid ko, gustong pumuntang Pangasinan po, ba-bike-in po namin, pwede po ba?" pagpapaliwanag ni Ion at pinaharap si Vice dahil nagmemake up ito para sa gagawin nilang Vlog sa Mang Inasal

"Sige" simpleng sagot nalamang ang nasabi ni Vice dahil baka pag umangal sila maging dahilan pa nito ng kanilang pagaaway, kahit gustuhin man niyang makasama ang kasintahan

"Sure ka babe?" nagaalangan na tanong ni Ion

"O-oo" sagot ni Vice at pumunta sa walk in closet niya para humanap ng maisusuot

"Eh bakit nauutal? okay lang naman sakin na dito mag celebrate kasama ka eh, pwede ko naman sabihin sa mga kapatid ko na next time nalang" pagpapaliwanag ni Ion at yinakap sa likod si Vice

"Babe, it's okay ano ka ba? a part of me, syempre ayaw ko kasi ilang araw hindi kita makakasama pero baka sabihin ng pamilya mo pinaghihigpitan kita" nagaalangang sagot ni Vice

"Babe, alam mong hindi ganon sila nanay. Mas gusto pa nga non na andito ko eh, mas nababantayan daw kita at para may time tayo sa isa't isa. Alam mo naman yon pans (fan) din natin si nanay" natatawang sabi ni Ion

"Pans? talaga ba Ion, baka fan" natatawang sabi din naman ni Vice

"Yie, ngumiti na siya" asar na sabi ni Ion dito at hinalikan ang pisnge nito

"Ilang araw ba ikaw doon? gayak ko na gamit mo, lagay mo na sa kotse mo yung bike na gagamitin mo. yung bag na gagamitin mo akina" sabi ni Vice at natataranta niya kahit labag man ito sa kalooban niya

"Babe, relax ako na. Kita mo umiiyak ka na. Sabi ko naman sayo sabihin mo lang na hindi, pwede ko naman pakiusapan sila Kuya na sa ibang araw nalang eh, pag nalaman 'to ni Nanay na pinapaiyak kita lagot pa ko doon" sabi at kinuha ni Ion sa hawak na bag kay Vice

"B-babe k-kasi n-naman, b-birthday mo bukas hindi kita makakasama. Babe birthday mo 'yon eh. B-birthday mo" umiiyak na sabi ni Vice at napaupo na lamang sa sahig

"Shh babe, tahan na please. hindi na ko aalis. dito lang ako hindi na kita iiwan, hinding hindi kita iiwanan. tahan na. I love you!" pagpapakalma ni Ion dito at yinakap ito upang kumalma

"I love you too so much, babe" sagot ni Vice at ginawaran ng halik ang nobyo, pagkatapos ng tagpong iyon pinunasan ni Ion ang mga putak na luha sa pisnge nito

"Ouch babe" asar na sabi ni Ion habang pinupunasan ang mukha nito

"Tarantado" sagot ni Vice at hinampas niya si Ion ngunit hindi ito malakas

November 27

Naunang nagising si Vice kung kaya napag desisyonan niyang paghanda si Ion ng umagahan

Viceion One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon