Dinner Date II

2.8K 52 23
                                    

Dinner Date: Part two

Pasado alas 8 ng dumating si Ion sa venue na kung saan sila magdi-dinner ni Vice, well prepared na lahat si Vice nalang ang iniintay dahil hindi nagpasundo sakanya ito gusto niya daw kasi na siya mismo ang masurprise

Lumipas ang isang oras ngunit wala pa rin si Vice na ikinabahala naman ni Ion kung kaya agad agad niya itong tinadtad ng text

Ilan lamang yan sa mga text ni Ion sa kasintahan

Sa kabilang banda naalimpungatan si Vice dahil sa tunog ng kanyang telepono kahit pupungay pungay pa ang kanyang mata ay agad niya itong binuksan at laking gulat niyang lahat ng ito ay kay Ion galing kung kaya siya'y nataranta at naalala niyang may date nga pala sila ng binata

"Aaaaaaaaah mga bakla" sigaw ni Vice

"Oh bakit meme? Maka sigaw ka d'yan kala mo kang nasunugan" sabi ni Buern at dali daling pumasok sa kwarto ni Vice

"Mga puta kayo bat hindi n'yo ko ginising!? May date kami ni Ion aaaaaargh" galit na sabi ni Vice at pinagbabato ng unan ang mga kasama

"Hoy anong hindi kanina ka pa namin ginigising puro ka 5 minutes 5 minutes d'yan" giit ni Aaron sakanya

"Itext mo si Ion sabihin mo papunta na, traffic lang" utos ni Vice kay Budi

"Maligo ka na at ng maayusan ka na panigurado kanina pa naghihintay yung jowa mo doon, bakla ka!" Utos ni Buern kay Vice at dali daling sinunod naman ni Vice ito

Pagkatapos ayusan ng Team Vice si Vice ay dali dali itong sumakay ng Helicopter na ipinautos niya kay Bernard Cloma dahil kung 'yung sasakyan niya ang gagamitin baka hindi na sila magkaabot ni Ion

Nakarating na ng venue si Vice ngunit biglang nawala ang kanyang mga kaibigan at tanging siya nalamang ang natitirita kung saan siya iniwan ng mga ito at nakapatay pa ang ilaw

"Buern, asan kayo? Puta ka alam mo namang takot ako sa dilim, demonyo ka" sigaw ni Vice ngunit walang sumasagot kung kaya dumiretso nalang siya ng paglalakad ng biglang may magbukas ng Ilaw sa gilid niya na senyales na doon siya dapat dumaan

(A/N: NASA MULTIMEDIA PO YUNG PICTURE NG VENUE KUNG SAAN MAGDI-DINNER DATE 'YUNG DALAWA)

Habang naglalakad siya isa isang nagbubukas ang ilaw ng mga arrow at may mga nakasulat sa mga ito

1st Arrow: Simula nung makita kita alam ko na sa sarili kong ikaw na yon

2nd Arrow: Noong araw na sinagot mo ko ako na ang pinaka-masaya at ma-swerteng tao sa buong mundo

3rd Arrow: Sobrang masaya ko tuwing kasama kita, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka pa, I love you so much my tutoy

Pagkarating ni Vice sa ikatlong arrow bigla nalang siyang napahagulgol dahil finally may kaisa isahang tao sa buhay niya na ayaw siyang mawala at sa ikatlong arrow din na iyon may naghihintay sakanyang lalaki at ibinigay sakanya ang isang bouque ng bulaklak at hinatid siya nito kay Ion

"Thank you pareng terrence" pagpapasalamat ni Ion sa lalaki

"Walang anuman, alagaan mo 'yan pre ah? Mas higitan mo pa yung pag-aalaga na ginawa ko para sakanya noong kami pa mas mahalin mo siya kasi deserve niya 'yon, huwag mong sasaktan 'yan kung hindi lagot ka sa-amin" sabi ni Terrence at nagsilabasan ang mga kaibigan, pamilya nilang dalawa, team vice at asawa at anak ni Terrence na ikinabigla ni Vice

Agad na nilapitan ni Baby JB ang kanyang Tita Ninang at yinakap ito, bumaba naman si Vice para maabot ang kanyang inaanak at mahalikan na rin

"Alagan mo siya pre ah, mahal na mahal ko yan, kahit hindi na ako" sabi ni Terrence at nilingon si Vice at binigyan lang ng isang matamis na ngiti ni Vice at agad na silang umalis

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now