Dalaw

2.3K 60 7
                                    

Merry Christmas everyone! 🥳

A/N: Isipin nyo babae si Vice dito

Maagang nagising si Ion para magluto dahil Noche Buena na mamaya at kila Vice sila mag-papasko at bagong taon kasama sila Nanay Zeny ang nanay ni Ion

Naabutan ni Ion sa kusina sila Nanay Zeny at si Nanay Rosario pati ang mga pamangkin ni Vice na si Masmas at Cams na gumagawa ng ihahanda para mamaya

"Good morning po mga Nay and sainyong dalawa (referring sa magkapatid)" baiti ni Ion at agad na bineso ang tatlong babae, manly hug naman kay Masmas

"Good morning din Kuya, si Tita Vice po gising na?" maligalig na sabi ni Camille at iniiwasang marumihan si Ion dahil nasa tabi niya lang ito

"Nung lumabas ako kanina sa kwarto hindi pa naman, bakit?" natatawang pagtatanong ni Ion sa dalaga at alam niya na agad ang pakay nito

"Ih Kuya naman eh, nagpromise po kasi samin si Tita na mag mo-mall kami ngayon to buy our pamasko po ni Kuya" nahihiyang sagot ni Camille kay Ion

"Sige na mag-ready na kayo, gisingin ko lang tapos kakain muna tayo then aalis na" naka-ngiting sabi ni Ion, ang kaninang nahihiyang awra ni Camille biglang nag-iba turn to maligalig again

Tinulungan naman agad ni Ion ang kanyang dalawang nanay at ilang oras pa ay pinuntahan na si Vice sa taas

"Babe, gising na po nagpromise ka sa mga pamangkin mo na aalis kayo" sabi ni Ion at yinuyugyog ng dahan dahan si Vice

"Hmm 5 minutes Love" inaantok pa na sagot ni Vice sa binata

"No babe, wake up na, you have stain po" natatawang sabi ni Ion, na-palo naman ito agad ni Vice at padabog na tumayo

Natapos ang morning routine ni Vice at wala ito sa mood

"Magbibihis na ko, lumayas ka muna" masungit na utos ni Vice sa nobyo at tinulak ito palabas tsaka sinara ng malakas ang pinto ng kwarto

Walang nagawa si Ion kung hindi hintayin nalang ito sa baba dahil sanay na siyang pag meron ito masungit talaga at wala sa mood

"Anong nangyari kay Vice anak, nag-away kayo?" curious na sabi ni Nanay Rosario

"Hindi po 'Nay, meron lang po kaya ganon wala sa mood tsaka masungit" malungkot na sagot ni Ion at tumulong na sa paghahanda ng pagkain nilang lahat

"Eh bakit ganyan mukha mo?" pagtatanong ulit ni Nanay Rosario

"Na-inis po ata sakin eh" tanging sagot ni Ion at naghugas na ng kamay

Ang masayang awra nila Camille at Masmas ay napalitan ng lungkot ng marinig ang sinabi ng kanilang Kuya Ion

"Camille at Masmas, pumunta kayo dito sa kwarto" sigaw na sabi ni Vice, napatingin nalamang ang dalawa kay Ion na para bang nanghihingi ng tulong, tanging ngiti na lamang ang naisagot nito at pumunta na sa Tita Vice nila

Naiiyak na lumabas si Camille ng kwarto nila Vice at Ion kaya walang nagawa si Ion kung hindi puntahan ito at yakapin, yumakap naman pabalik ang dalaga

"It's okay" pagche-cheer up ni Ion sa dalaga

"I-I'm okay Kuya, actually hehe binigyan po ako ni Tita ng money na 20k pamasko niya daw po sakin bukod yung kay kuya then pinag order daw po niya kami pareho ni Kuya ng latest shoes na nike then LV at Gucci na bag, masyado lang po akong nao-overwhelmed sa binigay ni Tita samin" tuloy tuloy ang luha pinunasan naman ito ni Ion gamit ang mga daliri nito

Natapos mag-ayos ng kanyang sarili si Vice at napagpasyahan nyang bumaba na dahil panigurado kanina pa siya hinihintay ng mga ito

Pagkababa na pagkababa ni Vice agad na pinuntahan ni Camille ito at yinakap at walang sawang sinabi ang "thank you", napa "aww" naman ang mga bakla ng halikan ito ni Vice sa ulo kung kaya sabay na silang naupo, inalalayan naman ni Ion ang dalawa.

Natapos ang lahat ng kailangang gawin napag-pasyahan na nilang pumuntang mall buong pamilya

Magkatabi sila Vice at Ion sa kotse pero hindi nagpapansinan, hindi na rin kinulit ni Ion dahil baka mas lalo itong mainis sakanya

Nakarating na sila sa Mall, napangiti naman si Ion ng umangkla si Vice sa braso niya

Ginabi na sila ng uwi ng mapansin ni Ion na may tagos ulit si Vice

"Babe, may tagos ka, wala ka ng supply ng napkin diba? wait bibili lang kita, may ipapabili ka pa ba?" tanong ni Ion

"Pabili pong float, fries, sundae, burger, chocolates then milktea hihi pretty please babe?" pagpapa-cute ni Vice at dahil hindi naman ito matiis ni Ion

"Ibibili kita pero in one condition?" nakangising sabi ni Ion

"Ano po yun babe?" nagpapa-cute pa rin na sabi ni Vice

"Bati na tayo? hindi muna ko susungitan? kung oo then kiss me" naka-ngiting pagtatanong ni Ion dahil confident siyang oo ang isasagot ng kasintahan, bilang sagot tumango si Vice at kiniss niya si Ion ng matagal sa labi na tinugunan naman ni Ion

Palalim ng palalim ang kanilang halikan ng biglang sumakit ang puson ni Vice kung kaya naalarma na si Ion at dali daling bumaba at binilin kay Nanay Zeny ang kasintahan

"Babe, open the door na andito na po ako at yung pinabibili mo" sabi ni Ion at pinagbuksan naman siya agad ni Vice at dinamba si Ion

"Masyado mo kong inispoiled babe, I love you so much!" sabi ni Vice habang buhat buhat pa rin siya ni Ion at binigyan ng smack si Ion

"Okay lang yon Babe, Mahal kita eh" sagot ni Ion at dinala si Vice sa kama

"Sorry kung nasungitan kita kanina ha? alam mo namang pag meron ako, yung mood swing ko" malungkot na sabi ni Vice at ngayon naka-upo na siya sa lap ni Ion

"Handa akong tiisin lahat para sayo babe, ganon kita kamahal" sagot ni Ion at hinalikan ang noo ni Vice

"Mas mahal kita, Huwag mo kong iiwan okay? hindi ko kakayanin" sabi ni Vice at tumango naman si Ion bilang sagot at yinakap naman siya ng mahigpit ni Vice

T H E   E N D

-

Hey, it's me again lol 😂

PS: Sorry sa mga typo grammatical error at wrong grammar


(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠)

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now