Clingy Ion

3.7K 77 7
                                    

Kakauwi lang ng dalawa galing sa isang birthday-an ng isa sa mga closest friend ni Vice, naunang bumaba si Ion sa sasakyan at nang nakakababa ito inalalayan niya naman ang kasintahan pababa, ng makababa na ang kanyang kasintahan sa kotseng sinakyan nila agad na binack hug ni Ion ang dalaga hanggang sa pagpasok nila sa loob ng bahay

Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng bahay nakita sila ng isa sa mga pamangkin ni Vice na si Christian

"Kuya Ion ang clingy hahaha" sabi ni Christian habang papanik ng hagdan

"Mahal ko eh" sagot ni Ion dahil medyo may tama na siya ng alak tipsy kung baga sabay halik sa pisnge nito

"Christian, pumanik ka na may pasok ka pa bukas" pag utos ni Vice sa pamangkin

"Kinikilig ka lang Tito eh" pang aasar ni Christian sakanyang tito

"Enebe pereng sere 'teh" pabebeng sabi ni Vice with hand gestures

"Inuuto mo lang ako, pumanik ka na doon wala kang allowance at bagong labas na adidas shoes bukas sige" pag babanta ni Vice sa pamangkin

"As in bagong labas tito? Wala pa 'non dito" sabi ni Christian habang  gulat na gulat

"Well, alam mo ko, gusto mo ba o si Camille lang bibigyan ko?" Sabi ni Vice

"Syempre gusto ko Tito hehe" sagot ni Christian na may malapad na ngiti

"Bibilhan kita bukas kung papanik ka na at matutulog, papatayin ko na 'yung wifi" sabi ni Vice at nagmamadaling pumanik na nga si Christian

Sa kabilang banda naka yakap parin si Ion sa likod ni Vice ngunit halata mong antok na antok na ito kung kaya napag-pasiyahan na ni Vice na pumanik sa kanilang kwartong dalawa

Pagkapasok na pagkapasok nilang dalawa sa kwarto agad na pinahiga ni Ion si Vice sa kama at siya'y dumiresto sakanyang walk in closet para magpalit ng damit pantulog ngunit habang naghahanap siya may yumakap sakanyang likuran at hinahalik halikan ang kanyang leeg

"Lab, doon ka na sa kama matulog ka na lasing ka na eh susunod na'ko papalit lang akong damit" sabi ni vice habang hawak hawak ang dalawang kamay ni Ion at akmang tatanggalin ito ngunit mas hinigpitan pa ni Ion ang yakap sakanya

"Ayaw ko po, gusto ko tabi tayo matulog" sagot ni ion na akala mong batang naglalambing

"Oh sige na sige na, hindi nako magpapalit ng damit tara na doon ng makatulog kana" pag aaya ni Vice kay Ion at agad namang humiwalay sa pagkakayakap si Ion kay Vice, ng makaharap si Vice sa binata agad na yinakap ni Ion si Vice mula sa galid at naglakad patungong kama nila

Naunang nahiga si Vice at sumunod si Ion ngunit hindi sa kama nahiga si Ion kung hindi sa ibabaw ni Vice at ibinaling ang kanyang ulo sa kaliwang leeg ng dalaga

Hinayaan na lamang ni Vice ang binata dahil ganito talaga ito pag lasing

"Lab, kantahan mo ko" pang rerequest ni Ion kay Vice at agad namang itong pinagbigyan ng dalaga

Habang kumakanta si Vice ay siya ring suklay niya sa buhok ni Ion

Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang kinakanta ng biglang magsalita si iyon at hawakan ang kanyang kanang parte ng kanyang mukha at hinalikan ang dalaga sa labi na siyang tinugunan ng huli ni Vice, agad na humiwalay si Ion at sinabing

"Matutulog na ko lab, good night mahal na mahal kita" pagpapaalam ni Ion sa dalaga at ang dalaga naman ay patuloy na sinusuklay ang buhok ni Ion

"Goodnight lab, I love you too" sagot ni Vice at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Ion

Patuloy ang pagsuklay ni Vice sa buhok ng kasintahan ng dalawin na rin siya ng antok

"Hindi ko na kayang mawala ka sa buhay ko, hindi ko kakayanin"  sabi ni vice at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Ion at tuluyan ng natulog













Hope you guys like it 😊

Vote and Comment.

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now