I choose you

995 37 16
                                    

hiiii. biglaan lang hahahaha! AND PURELY FANFICTION LANG PO ITO. HINDI ITO TOTOONG NANGYARI HA? HUWAG NIYO KO AWAYIN

-

Naalimpungatan si Ion, dahil sa hagikgik ng tawa ni Vice, dahil kinikilig ito.

"B-babe" pagtawag ni Ion at mas lalong nilapit ang katawan kay Vice sabay yakap

"Yes po? tulog ka na ulit" sagot ni Vice at pinlay ulit ang pinapanuod

"Babe, anong oras na po, hindi ba pwedeng bukas na 'yan?" sabi ni Ion at tumayo nang bahagya para nakita ang itsura ni Vice

"B-babe, tatapusin ko lang 'to. Promise" sagot ni Vice at tinap niya ang unan ni Ion, hudyat na pinapahiga niya na ulit ito

"Babe, okay lang naman na manuod ka kung wala po sanang pasok bukas. Kahit magdamag pa 'yan o maghapon" pagpapaliwanag ni Ion at kukunin sana ang remote kay Vice ngunit nailihis ito agad ni Vice

"Babe, please. Promise papasok ako bukas" pangungumbinseng sagot ni Vice kay Ion at nilingon si Ion sabay bigay ng smack sa labi nito

"Okay. Tutulog na po ako ulit. I love you" kumbinsidong sabi ni Ion at yinakap si Vice

"Okay. Good night, babe. I love you too!" sagot ni Vice at hinawakan ang kamay ni Ion na nakayakap sakanya

Maguumaga na ngunit doon palang matutulog si Vice. Laking pasalamat niya dahil tulog pa si Ion. Dahil kung hindi, papagalitan siya nito.

Bumaling sa kabilang pwesto si Vice para hindi mahalatang matutulog pa lamang siya

Ilang oras pa lamang ang nakakalipas pagkatulog ni Vice at siya namang gising ni Ion. Hindi niya muna ito ginising dahil maaga pa naman.

Alas otso na ng umaga ngunit hindi pa rin bumabangon si Vice na kinapagtaka naman ni Ion. Kung kaya pinuntahan niya ito.

Pagka pasok niya ng kwarto, ang lakas ng hilik ni Vice, nakalilis ang kumot nito at naka taas ng bahagya ang damit. Inayos ito ni Ion bago lumabas ng kwarto at hindi na nagabala pang gisingin ang nobya

Paalis na't lahat lahat si Ion, ngunit hindi pa rin gising si Vice. Nung una mahina niyang yinugyog ang paanan ni Vice ngunit wala siyang natatanggap na sagot mula dito na kalimitan naman ay mayroon. Inisip na lamang ni Ion baka puyat ito.

Pumasok na ng studio si Ion, diretso ng kanilang Dressing Room ni Vice at ng Team Vice ng makasalubong niya si Teddy

"Oh 'tol, asaan jowa mo?" naka ngiting sabi ni Teddy

"Wala pa po eh, nung umalis ako tulog pa. Napuyat po" natatawang sagot ni Ion

"Pinuyat mo no?" singit ni Jugs

"Hahahaha. Hindi po kuya, may pinapanuod kasi siya kagabi. Hindi ko alam kung ano, huling kita kong gising siya 2 am po" pagpapaliwanag ni Ion

"Ay nako, baka nanunuod ng Netflix. Hayaan muna, pare" sagot ni Jugs at tumango naman si Ion bilang sagot at nagpaalam na papasok na ng Dressing Room

"Kuya, si Meme?" bungad na tanong ni Buern sa kakapasok lang na si Ion

"Male-late daw po ng bahagya, sabi niya" sagot na lamang ni Ion at umupo na upang ayusin ang gamit niyang dala dala

Opening, wala pa rin si Vice na ikinapag taka naman nila Vhong at nang iba pa. Ngunit hindi na nila ito tinanong kay Ion habang on air pa.

Kantahan dito, kantahan doon sa studio at siya namang dating ni Vice, naka make up na ito at tanging buhok na lamang ang aayusin at ang kanyang damit na nakahanda

Natapos ang Opening, agad na dumiretso si Ion sa backstage patungong Dressing Room, dahil naka tanggap siya ng text mula sa taong kanina niya pa hinihintay, si Vice

"Hi babe, bat ngayon ka lang?" tanong ni Ion ng makapasok ito sa loob ng Dressing Room, ngunit parang hindi siya narinig ni Vice at pati ang kanyang prisensya dahil abala ito sa pagpapatugtog ng kantang "Winter Bear"

"Ay Babe" gulat na sabi ni Vice nang makita niya si Ion na parang may hinahanap sa dala niyang maleta. Ang kanyang Earphones

Lumabas na ng Dressing Room ang dalawa ngunit mas naunang naglakad si Ion, hindi alintanang iniwan niya si Vice sa likod. Hinabol ito ni Vice, tumakbo siya ngunit ng kanyang maabutan si Ion ay papasok na ng studio.

Tatawagin pa sana si Ion nang tawagin siya ng staff at sinabing maguumpisa na ang live show. Nakapwesto na si Kim at Vhong sa baba ng entablo at si Vice ang nasa gitna naman ng entablo ng TNT

Kinkwento ni Vice kung bakit siya late dahilan para mapangiwi si Ion

Commercial Break, nakaupo si Ion sa tabi ni Ryan at nila Jugs at Teddy ng makita niya si Vice na papunta sakanila. Bigla siyang tumayo at bumaba ng hagdan

Pagkababa niya, hiniltak siya ni Vice

"Ion, ano ba?" singhal ni Vice at siya namang tinignan ng mga staffs at hosts sakanila

"Oh bakit, Vice Ganda?" inis na sagot ni Ion at tinanggal ang pagkakahawak ni Vice sakanya

"Anong problema ba, babe? kung ito 'yung kinwento ko kanina, I'm sorry. Nageenjoy lang naman akong nanuod ng mga videos nila. Hindi ko po namalayan yung oras. I'm sorry" pagpapaliwanag ni Vice kay Ion at kinuha ang dalawang kamay ni Ion upang kanyang mahawakan ngunit hinawi ito ni Ion

"Mabuti 'yan" sagot ni Ion at sabay talikod kay Vice at pumunta ng likod

Gustuhin mang sundan ni Vice si Ion para mag sorry ulit ngunit pinigilan siya ni Jugs

"Ate, mamaya mo na kausapin. Kanina pa 'yon naiinis sa'yo simula nung kinwento mo 'yung sa inumaga ka ng tulog at kinwento niya din sakin na parang wala ka daw pakielam sakanya sa Dressing Room kanina. Mamaya mawawala na din 'yon. Hindi ka naman matitiis non" pagkukwento ni Jugs kay Vice at tinap ang balikat ni Vice sabay balik sa kinauupuan niya

Tinap din ni Teddy ang kanyang balikat sabay yakap kay Vice

Ganon din ang ginawa ni Vhong at Ryan

Napailing na lamang si Karylle sa nasaksihan dahil magki siya nagulat sa nagawa ng kaibigan. Nakita naman ito ni Vice at nag wide ng kamay ibig sabihin nanghihingi ng yakap

Yinakap ni Karylle si Vice at sinabing
"Bakit naman kasi inumaga Vicey? masama sa health mo 'yon eh tapos ngayon pumasok ka pa, Alam ko kung saan din nanggagaling inis o galit ni Ion. Kasalanan mo rin talaga" pagpapaintindi ni Karylle sa kaibigan

"I'm sorry, nanghingi naman na ko ng tawad sakanya kanina eh pero he just ignore me. Hindi niya ko hinayaang mag explain, ganon ba kalaki kasalanan ko?" mangiyak ngiyak na sagot ni Vice

Hinagod naman ni Karylle ang likod niya upang pakalmahin ito.









Kinausap ni Vice ang kanilang Direktor at ang mga staff. Pinaextend niya ang Commercial Break kahit 5 minutes man lang at pumayag naman ang mga ito. Agad agad siyang bumaba at dumiretsong pumunta sa kanyang Dressing Room.





Pagpasok niya ng Dressing Room. Nakita niya si Ion na abalang nagcecellphone

Agad niya itong tinabihan at yinakap ang tagiliran nito. Hinimas naman ni Ion ang braso nito at sabay nilang sinabi ang "Sorry"

To be continued..

-

Hiiiii! biglaan lang 'to, as in ngayon lang kaya kung lamed. I'm sorry 😔

PS: Sorry sa mga typogrammatical error at wrong grammar. Feel free to correct me po 😘

Vote and Comment are highly appreciated :)

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now