Dinner Date

3.3K 60 1
                                    

It's already 3pm in the afternoon ng biglang mag-aya si Ion na kakain sila sa labas ni Vice mamayang gabi dahil may sasabihin siya rito.

Eksaktong malapit ng matapos ang showtime ng mapagpasiyahan ni Ion na umalis na para paghandaan ang pagkain nila sa labas mamayang gabi kung kaya nagpaalam na siya kay Vice at saktong commercial break ito kung kaya malaya siyang lambingin ang kasintahan

"Misis, uuwi muna ko ah, text mo nalang ako pag nasa bahay kana" pag papaalam ni Ion sa dalaga at binigyan ng isang masuyong halik sa labi na tinugunan naman ng dalaga

"Sige lab, mag ingat ka sa pagda-drive okay? Text me kung nakarating kana sa bahay" pag payag ni Vice at yinakap ang kasintahan sabay halik sa pisnge nito

Naghiwalay ang dalawa mula sa yakapang naganap kanina at ngayon ay aalis na si Ion, kinuha na niya ang kanyang bag at akmang lalabas na ito ng i-back hug ni Vice ang binata

"Magiingat ka, mahal na mahal kita" sabi ni vice habang naka baon ang kanyang mga mukha sa likod ng binata at sapat lang upang marinig ni Ion ang tinuran nito

Hinawakan ni Ion ang dalawang kamay na naka-yakap sakanya at agad na hinarap si Vice upang mas maging maayos ang pagkayakap nito sakanya

"Mas mahal na mahal kita misis ko, soon to be Mrs. Perez" sabi ni Ion at inakap si Vice at hinalikan sa noo

Nagtagal pa ang ganong sitwasyon nila ngunit ng tawagin si Vice ng kanilang staff ay agad itong kumalas sa pagkakayakap kay Ion dahil hudyat nito malapit ng matapos ang commercial break

Napagpasiyahan na nga ni Ion na aalis na siya at nagpaalam ulit siya kay Vice sa huling sandali

"Lab, matatapos na yung commercial break pumunta kana doon, uuwi na po ako" paglayo ni Ion kay Vice ngunit hindi nagpatinag si Vice kung kaya mas hinigpitan pa niya ang yakap sa kasintahan

"Hayaan mo sila, maghintay sila doon, gusto ko munang makasama ka bago ka umalis" sabi ni vice at ibinaon niya mas lalo ang mukha siya sa matipunong dibdib ni Ion

"Pero lab, magsisimula na yung show papagalitan ka na ni Direk, at tsaka magkikita naman tayo mamaya eh, masyado mo naman akong mami-miss, mahal na mahal mo talaga ko eh 'no?" Pang-aasar ni Ion tsaka humiwalay sa yakapan nilang dalawa at hinawakan ang magkabilang pisnge ni Vice

"Naman sobra-sobra" sinserong sagot ni Vice sa binata

"Mahal na mahal din kita higit pa sa iniisip mo, pero kailangan ko na talagang umalis lab, punta ka na doon para makaalis na'ko, don't be sad na po, mamaya babawi ako sayo kahit magdamag mo pa kong yakapin okay lang sakin" pagpapaliwanag ni Ion sa kanyang kasintahan ngunit hindi nagpatinag si Vice at sumama pa siya na ihatid sa labas ng ABS si Ion at nang nakayakap pa rin kay Ion

"Sisteret ang clingy, parang hindi magkikita mamaya ah" sabi ni Anne nang makita niya ang dalawa ngunit nagtaka naman si Vice bakit alam ito ng kanyang kaibigan ngunit bigla itong kumaripas ng takbo kaya hinayaan niya nalang

Nakarating na sila Vice at Ion sa labas ng ABS at ibinaba na ni Ion si Vice mula sa pagkakayap nito sakanya at nagpaalam

"Lab andito na ko, balik kana sa loob para makaalis nako ba-bye, I love you" pagpapaalam ni Ion at binigyan ng isang halik si Vice sa noo nito pababa ng ilong at dumako sa labi, na ikinangiti naman ng dalaga

"Sige na nga, see you later nalang, mag-ingat sa pagda-drive okay? I love you, too" sagot ni Vice habang kumakaway ngunit hindi pa man nakakaalis ang kotse ng binata ng agad siyang tumakbo rito at dinukwang si Ion para bigyan ng masuyong halik sa labi at wala siyang pakielam kung may mga taong makakita sakanila

Pagkatapos ng tagpong iyon napag-pasyahan na ni Ion umalis at siya ring pasok niya sa loob ng ABS dahil panigurado tapos na ang isang contender sa pagpe-perform at rumehistro naman isang malapad na ngiti sa kanyang labi ng maalala ang pinag-gagawa niya kanina sa kaniyang kasintahan

Natapos ang showtime ng matiwasay at napag-pasiyahan niya na agad na umuwi dahil may lakad pa sila ni Ion kung kaya agad siyang pumunta kung nasaan ang lahat ng host upang makapag-paalam

"Guys, mauuna na kong umuwi sainyo ah" pagpapaalam ni Vice sa lahat

"Ang aga brad ah, may date ka siguro no" pang-aasar ni Vhong kay Vice

"Ah eh" pabebeng sabi ni Vice

"May date daw kasi sila ni Ion sa....." sabi ni Anne ngunit agad siyang sinaway ni Tyang Amy kung kaya nagtaka si Vice dahil dito

"Saan sis? Tsaka bat alam na alam mo?" Pagtatanong ni Vice kay Anne

"Wala hahaha nevermind that, umalis ka na baka ma-late ka pa sa date niyo ng prince charming mo" sabi ni Anne at agad naman na napangiti si Vice nung marinig ang sinabi ni Anne na "prince charming"

"Alele ang landi oh, umalis ka na, baka magalit pa samin 'yon pag nalate ka sa date nyo, tsupe" pagtataboy ni Anne kay Vice

"Che, oh siya babush na gogora na ang bakla, thank you guys, ingat kayo sa pag-uwi niyo, I love you" pagpapaalam ni Vice sa lahat at bineso niya ito isa-isa

Nang dumako siya kay Anne, Karylle at Tyang Amy bigla siyang napaluha dahil sa sinabi ng mga ito

"Sobrang masayang masaya kaming lahat para sayo lalo na ako, I got you always" sabi ni Anne

"I'm so happy for you my Vicey deserve na deserve mo yan, I love you" sabi ni Karylle

"Masaya ko para sayo Vice bilang ina-inahan mo dito, deserve mo 'yan, mahalin nyo isa't isa ah? Mahal namin kayo pareho" sabi ni Tyang Amy

"Para naman akong ikakasal nito, maraming salamat sainyong lahat" pagpapasalamat ni Vice at naghingi ng Group Hug

Hindi nagtagal umalis na ito sa studio at dumiretso na sa kanilang bahay para maghanda sa date nila ni Ion



May Part two ito, so stay stunned!



Hope you guys like it 😊


Vote and Comment.

Viceion One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon