Mahal ko o Mahal ako: Part 3

1.2K 40 33
                                    

"I-ion I-ion nahihirapan ako huminga" dagdag ni Vice at nahimatay

"Love, love please gumising ka please Love" pagaalo ni Ion sa kasintahan bago tuluyang ipasok sa Emergency Room

"'Tol anong nangyari? bakit nahimatay si vice?" nagaalalang sambit ni Vhong kay Ion

"Kuya, pasensya na hindi ko alam na mangyayari 'to kasalanan ko pasensya po. K-kuya naka-buntis ako" malungkot na sabi ni Ion habang nakayuko

Hindi na nagulat si Vhong sa sinabi ni Ion dahil matagal niya na itong alam, sinabi sakanila ni Karylle

Napa-taas ng ulo si Ion dahil hindi siya nito sinapak o sinuntok man lang bagkus tinabihan pa siya nito at tinapik ang kanyang hita

"'Tol, alam ko, sinabi samin ni Karylle nakita ka niya sa mall at ospital. Oo nagalit ako sayo nung una pero may parte sakin na dapat hindi, hindi sa kinukunsinti kita lalaki rin ako may pangangailangan at pangarap magkaroon ng isang pamilya pero 'tol bakit? sa lahat ng lalaki bakit ikaw pa? pinagkatiwala ko sayo si Brad eh" malungkot na sabi ni Vhong

"I'm sorry Kuya, hindi ko po talaga sinasadya. Lasing po ako non hindi ko po alam ginagawa ko sorry Kuya" madamdaming paghingi ng tawad ni Ion kay Vhong 

"Huwag ka saking humingi ng tawad 'tol, kay Vice mo sabihin lahat ng iyan pero kung hindi kayang ibigay ni Brad ngayon yun intindihin mo nalang. Syempre masakit para sakanya yon. Ikaw lang pinaka matagal na naka relasyon non, ilang taon na nga kayo ulit?" sabi ni Vhong at nilingon niya si Ion

"Magla-labing-dalawa po sa susunod na buwan" mapait na sabi ni Ion dahil naalala niya yung surpresang dapat na gagawin niya para sa kasintahan

Magsasalita pa sana si Vhong ng lumabas ang doktor

"Doc, kamusta po kaibigan ko?" agad na tanong ni Vhong sa Doktor

"Okay na siya, pagod at stress lang tapos kaya nahirapan siyang huminga dahil sa sobrang tinding emosyon, maaari nyo na siyang puntahan, iche-check ko nalang ulit siya mamaya para ibigay yung gamot" pagpapaliwanag ng Doktor sa dalawa

"Maraming salamat po Doc" sabi ni Ion at nginitian siya ng Doktor at nag-excuse at umalis na

Ilang saglit pa ay lumabas na si Vice ng Emergency Room

"Kamag-anak po ni Miss Vice, asan?" pagtawag ng nurse dahil ililipat na ito sa private room

"Kami po yun, Nurse" sabi ni Vhong at nilapitan ang natutulog na si Vice, hinawakan naman ni Ion ang kamay ng kasintahan at nagpatuloy sa paglalakad upang maihatid ito

Nakarating na sa sariling kwarto sina Vice, Ion at Vhong. Tulog pa rin si Vice

"'Tol, una na ko ha? balitaan mo nalang kami, hindi bale pupunta kami dito bukas ng showtime fam dadalan namin ng mga prutas si Brad. Una na ko ha?" pagpaalam ni Vhong sa tahimik na si Ion na sa tabi ni Vice at hawak hawak pa rin nito ang kamay ng kasintahan

"Sige po kuya, maraming salamat po talaga. pasensya na po ulit. mag-iingat ka po" pagsagot ni Ion at tatayo na sana ngunit hindi na ito pinayagan ni Vhong, hayaan na daw at lumabas na

Viceion One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon