Surprise

874 42 19
                                    

hiiiii! naisip ko lang ngayon 'to 😹 so please bare with me 😅

-

(A/N: Imagine last day na po ng Grand Finals ng TNT)

Maagang nagising si Ion para gawin ang morning routine niya. Wala silang shooting ngayon kung baga pahinga. Nag jogging siya sa labas ng kanilang location dahil bawal silang lumabas kung nasaan man sila ngayon. Pinadala na rin niya ang bike niya sa driver niya.

Tinext niya ang kasintahan kahit alam niyang tulog pa ito dahil anong oras pa lang naman

To Tutoy 💍👰: 

Reyna ko, good morning po. wala kaming shooting ngayon bukas na daw po ulit. Kain ka na pagkagising mo ha. Ay hindi pala bangon ka muna tapos hilamos at mumumog ka tapos punas ka ng mukha mong may butas joke ✌️ tapos labas ka po ng kwarto natin tapos baba ka hagdan tapos punta ka sa kusina, binilinan ko na sila ate dyan kung ano kakainin mo ngayon kaya sabihin mo nalang sakanila tapos upo na ikaw dyan sa Dining Area tapos kumain ka okay? ubusin mo 'yan babe, magtatampo ako pag hindi mo inubos 'yan okay po ba? Good luck mamaya babe, Live daw kayo sabi ni Baby bhoi (boy) TNT grand finals pa naman, yung suot Vice Ganda ha. Papanuorin kita. Mag-iingat ka dyan. Miss na miss na miss na kita tutoy ko. Mahal na mahal kita

Pagkatapos i-send ni Ion ang kanyang message kay Vice ay pumasok na siya ng kanyang kwarto para magbihis at kumain ng umagahan

Pagkalabas na pagkalabas ni Ion ng CR ng biglang tumunog ang kanyang cellphone at nang tignan niya may tumatawag dito, hindi niya maiwasang mangiti ng mabasa niya kung sino ang tumatawag. Facetime ito.

"Hi Babe, Good morning" bati agad ni Ion ng sagutin niya ang tawag

"G-good morning babe" sagot ni Vice na nagiinat pa

"Nabasa mo ba 'yung text ko sa'yo?" tanong ni Ion at nanlaki naman ang mata ni Vice dahil dito

"Hindi pa po, ano ba 'yon?" naka ngiting sagot ni Vice habang naka sandal na sa Head board ng kanilang kama

"Basahin mo po kaya, haba haba non tapos hindi mo pala binabasa" sagot ni Ion at nag pout

"Tanginamo mo benigno, ang cute mo" sabi ni Vice ng makita niya ang ginawang facial expression ni Ion

"Diba sabi ko, ayokong nagmumura ka? bahala ka nga dyan. Mamaya nalang. Magaayos muna kong gamit" sabi ni Ion at akmang papatayin niya na ang tawag ng magsalita ulit si Vice

"Hoy babe, para namang ewan 'to. Charot lang po 'yon. Ikaw naman kasi cute cute mo. Huwag ka ng mainis po. Miss na nga kita tapos magagalit ka pa sakin tsaka nabasa ko na po 'yung message mo. Noted babe, kailan ko ba hindi sinunod utos mo sakin ha? Alam mo namang tiklop ako pagdating sa'yo" natatawang pag amin ni Vice

"Okay na okay na, sa susunod ayoko ng marinig 'yang mura mo ha? nagkakaintindihan ba tayo ha, Viceral?" sabi ni Ion na ikinabahala naman ni Vice dahil tinawag na siya nito sa apleyido niya, alam niyang seryoso ito pag ganon

"Yes babe, I'm sorry po. Huwag ka ng magalit. I miss you so much po. I love you noinoi ko" sagot ni Vice at hinahalik halikan ang screen ng cellphone

"Sarap, can't wait to kiss you so bad babe. I miss you too so much po. I love you tutoy. Oh sige na baba muna po, at gawin mo na 'yung bilin ko tapos gumayak na ikaw kasi anong oras na tapos Live pa kayo mamaya bawal ang late. Susumbong kita kay Direk sige" natatawang pagbabantang sabi ni Ion

"Hoy hoy, porket close lang kayo ni Direk gumaganyan ka na" natatawang sagot ni Vice habang inaayos ang kanilang higaan, nakita naman ni Ion na andoon 'yung t-shirt niya sa unan, kung saan siya naka pwesto

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now