Family is Love

2.5K 48 1
                                    

Naging successful ang last concert nila Vice sa New Jersey, pagkatapos ng naturang concert lahat ng nanuod sa concert na iyon ay maaaring magpa-picture sa lahat ng guest at kasama na rito si Vice bago pa man sila dumiretso ng Hall kung saan darausin ang picture taking nagpalit muna si Vice ng komportableng damit at nagpasama muna ito sa nobyo

"Babe, samahan mo muna kong magpalit ng damit, ang init nitong suot ko" sabi ni Vice at agad namang inalalayan ni Ion ang laylayan ng suot na gown ni Vice papuntang dressing room nilang dalawa

Pagkatapos makapag-palit ni Vice dumiretso sila sa VIP Room na kung saan darausin ang picture taking

Kanya kanyang picture dito picture doon ang nangyari sa VIP Room at ilang saglit pa napag-pasiyahan na nilang kumain lahat

Habang hinihintay nila ang pagkaing inorder kanya kanya muna silang video sa paligid at may isang video na nahagip na magkatabi ang dalawa kung kaya samo't saring reaction ang natanggap nito, karamihan kinilig at kaka-unti lamang ang mga haters at bashers

Pasado alas 6 ng umaga napag-pasyahan na ng lahat na mag-shopping dahil maya maya lamang ay aalis na sila patungong Calgary Canada para sa kanilang last concert

Bili dito, bili doon ang nagyari sakanila at lahat ng iyon ay libre ni Vice dahil successful ang naturang concert

"Babe, anong gusto mong bilin?" Pagtatanong ni Vice sa kasintahan dahil nakita niya itong tumitingin ng mga sapatos

"Wala, tsaka na pag nagkapera na lang ulit ako nang malaki" tanging sagot ni Ion sa dalaga

"No, I insist ako na lang magbabayad" sabi ni Vice sa binata at hinawakan ang kaliwang kamay nito

"Babe, ayoko baka sabihin ng ibang tao tama 'yung hinala nila sa intensyon ko sa'yo, ayoko non" sagot ni Ion at hinawakan ang kanang bahagi ng pisngi ni Vice

"Sige na nga, ganito nalang ako nalang bibili nang pasalubong kila Nanay Zeny okay? Huwag ka nang umanggal" sabi ni Vice at hinawakan naman ang parehong kamay ni Ion at humarap dito, tanging tango na lamang ang naisagot ng binata

Natapos ang pamimili nilang lahat at napagpasiyahan nilang pumunta sa Central Park, Manhattan, New York City kanya kanyang picture ang mga kasama ng dalawa samantalang si Ion ay kasama lang ang pamilya ni Vice, kung saan pumunta ang mga ito siya naman niyang sinu-sundan

Lingid sa kaalaman ni Ion siya ang pinag-uusapan ng mga kapatid kasama na rito si Vice

"Tutoy, ang swerte mo diyan kay Ion infairness" sabi ni Babot kay Vice at ngumiti na lamang si Vice bilang sagot

"Oo nga, tignan mo imbis na sumama kila Buern sayo pa sumama, gusto ko siya for you ingat mo yan ah" pagsang-ayon ni Dr. Tina sa kapatid at sabay tingin kila Ion at Nanay Rosario

"Sobra sobra, spoiled na spoiled ako diyan pag kaming dalawa lang, lahat ng pinapagawa ko at gusto ko binibigay niya at ginagawa, tsaka Mahal na mahal ko yan" masaya at proud na pag-kukwento ni Vice habang nakatingin sa pwesto ni Ion kasama si Nanay Rosario

Nakita naman ng dalawang kapatid niya ang ningning at saya sa mga mata nito na matanggal na nilang hindi nakita simula nung maghiwalay sila ni Terrence

Sa kabilang banda tuwang tuwa naman si Nanay Rosario dahil sa mga kinukwento ni Ion dito

"Tsaka po Nay, yang si Vice umiiyak pag hindi ko napapagbigyan sa gusto niya" masayang pag-kukwento ni Ion sa Ginang

"Ano ba yung gusto niya anak?" Pagtatanong ng Ginang kay Ion

"Na tabi daw po kaming matulog Nay, hahaha kaso malikot matulog magigising nalang ako nasa baba na ko nang kama" sagot ni Ion at hindi napigilang tumawa kung kaya natawa nalang din ang Ginang

Dumating naman bigla si Vice sa lugar kung nasaan ang dalawang taong importante at mahal na mahal niya

"May ano, at ba't tawang tawa 'tong si Nanay Mr. Ion?" Tanong ni Vice kay Ion

"Pinagku-kwento ko lang siya anak tungkol sayo" pagpapaliwanag ni Nanay Rosario kay Vice at hindi mapigilan ang pagtawa na ikinapag-taka ng dalaga

"Ano naman kinu-wento mo at grabe makatawa 'tong si Nanay ha Ion?" Tanong ni Vice at muli nanamang natawa si Ion at Nanay Rosario

"Kinukwento ko lang babe kay Nanay kung paano ka matulog" sagot ni Ion at hindi mapigilang tumawa

"Hoy, ano yon? Sasampalin kita benigno" sabi ni Vice at halatang walang kaide-ideya ito

"Sinabi ko lang po kay Nanay na pag natutulog ka nagigising nalang ako nasa baba nako ng kama" sagot ni Ion dito at kinapula namang ng tenga ni Vice kung kaya tinakpan niya nalang ang kanyang mukha dahil sa hiya

"Nay tawang tawa ah, hulog kita dito gusto mo? Charot" giit ni Vice at muli namang natawa ang Ginang at tinignan na lamang ng masama si Ion

Napag-pasiyahan na lamang ni Vice na magpa-picture kasama ang ina kung kaya tinawag niya ang isa pa niyang kapatid na si Dr. Tina para picturan sila, nasa gilid lamang si Ion nakabantay sa mga ito

Nag-video si Vice kasama ang ina habang pababa ng hagdaan at nahagip naman si Ion rito kasunod ng dalawa

Pagkatapos mag-picture picture ang lahat, nagpa-picture naman ang Viceral Family kasama si Ion sa tapat ng isang Statue sa Centar Park at pinost nga ito ni Emma with the caption "....family is love! ❤"

family is love! ❤"

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.


        T h e   E n d

.
.

thank youuu!

Viceion One Shot StoryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin