Familia Pérez

298 7 1
                                    

helloooooo!

.
.
.
.
.
.

Dumating ang araw ng birthday ni Vice, kanya-kanyang bati ang natanggap ni Vice mula sa kanyang mga Angels sa bahay pati ang kanyang mga kaibigan. Samantalang ang kanyang maga-ama na sila Ion, Zach at Talia ay nasa Tarlac. Nag paalam sila Ion na baka bukas na ito maka-uwi dahil dinala "raw" sa hospital ang isa sa mga pamangkin niya, at malapit ito sa dalawa kaya pinayagan naman ni Vice kahait labag sa loob niya

"Oh Diva, nasaan mga pamangkin ko?" takang tanong ng kanyang Ate Tina

"Nasa Tarlac 'te, birthday ng kapatid ni Ion. Hindi ako naka-sama dahil kasagsagan 'yon ng taping sa Everybody Sing" paliwanag ni Vice

"E bakit hindi ka na lang sumunod?" usisa ulit ni Ate Tina

"Supposedly uuwi na dapat sila ngayon, e nagka-emergency raw dinala sa ospital pamangkin ni Ion, ayaw iwanan ng dalawang bata" sagot ni Vice

"So hindi makaka-uwi maga-ama mo ngayong birthday mo?" tanong ulit ni Ate Tina

"Hindi siguro 'te, tsaka may ibang araw pa naman para mag celebrate. Hindi naman kailangan sa mismong araw talaga ng birthday ko" sagot ni Vice kahit na hindi niya alam kung totoo nga bang okay lang sakanya na hindi sila makapag celebrate ngayong araw.

Ilang saglit pa ng kanilang paguusap, nagpaalam si Ate Tina na makikipag meeting lang sa mga kapwa niya Doctor ngunit hindi alam ni Vice na si Ion pala ang makakausap nito

"Noy, malungkot asawa mo, birthday na birthday pinapalungkot mong bata ka" asar ni Ate Tina kay Ion sa kabilang linya

"Hahaha! Not my idea Ate, 'yung dalawang bata may suggestion non, later din naman magkikita kami. I'll explain na lang to her what really happened" sagot ni Ion

"Talagang mage-explain ka, kabisado mo 'tong asawa mo, baka tuluyan ka nang hindi makauwi muna rito pag hindi ka nag-explain" natatawang sabi ni Ate Tina

"Yes Ate, I'll send na lang po saan location ng venue. 'Yung dalawang bata ang nago-organize e, hindi sinasabi sa akin plano nila. Gusto niyo po bang makausap?" sabi ni Ion

"Sige nga Noy, lagot sa akin 'yang dalawang 'yan" biro ni Ate Tina

"Hi Tita, hinahanap niyo raw po kami. Why po?" tanong ni Zach

"Bawal ko na bang kausapin ang mga pamangkin ko?" biro ni Ate Tina

"Hindi naman Tita, sorry po if ganon dating sa inyo. I did not mean that po" malungkot na sabi ni Zach

"No big boy, It's okay. I was joking lang. Tama nga kapatid mo masyado kang seryoso. By the way, where is she?" natatawa sagot ni Ate Tina

"She's right there po *back ng cam* Talia, Tita is calling you. Come here muna" tawag ni Zach sa abalang kapatid

Si Talia ang punong abala sa pag pe-prepare ng lahat, even sa guest siya mismo nag send ng mga invitation. Sinigurado niyang walang makapagsa-sabi kay Vice nang gagawin nila o magaganap ngayon kung hindi, alam na nila ang mangyayari

"Yes Tita Ganda. Hinahanap mo raw ang pinaka-maganda mong pamangkin" biro ni Talia

"Yes gorgeous lady. You know what's the day to day?" tanong ni Ate Tina

"No po e, what po ba occasion na'tin today?" balik na tanong ni Talia

"Talaga Talia? wala kang LV na bagong labas ngayon, actually naka order na nga Ate Cams mo, sabihin ko cancel na lang" biro ni Ate Tina

"Si Tita Ganda naman parang joke lang e, syempre birthday nang aking masungit pero magandang Moma. Tita Ganda huwag mo ko sumbong please" sagot ni Talia

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now