I choose you ft. VhongAnne

188 2 1
                                    

hellooooo, guys! sa mga naghahanap ng part two, eto na medyo natagalan. sorry!

Matapos mag-sorry ni Vice at Ion sa isa't isa, masaya itong lumabas mula sa kanilang Dressing Room. At naka-salubong naman nila si Vhong at Anne papunta sana ng studio.

"Oh bati na kayo, brad?" bati agad ni Vhong ng makasalubong niya sila Ion

"Nakita mo naman diba? tatanong ka pa d'yan" pilosopong sagot ni Vice

"Tuy" sita ni Ion kay Vice

"Ay sorry, ikaw naman kasi Vhong nakita na e" bawi naman ni Vice

"Babe, isa kinakausap ka nang maayos e" suway ulit ni Ion

"Okay, okay. Sorry" sabi ni Vice at yinakap sa tagiliran si Ion

"Nakahanap ka na ng katapat mo, Sis" sabi ni Anne at pinalo ng bahagya sa braso si Vice

"Hindi keye" pabebeng sagot ni Vice

"Talaga lang 'Tuy ha" natatawang sabi ni Ion

"Oh siya, mauna na kami. Mag start na 'yung show, labing-labing muna kayo d'yan dalawa" paalam ni Vhong at kasabay na si Anne na pumuntang studio

Habang naglalakad sa hallway nang ABS sila Vice at Ion. Biglang nagpaalam si Ion na magkikita sila nang kanyang mga kaibigan mamayang gabi.

"Babe, pwede ba kong umalis mamayang gabi?" paalam ni Ion

"Saan ka pupunta?" tanong naman ni Vice

"Sa Timog lang, Babe. Sasama ko naman si Bong" sabi ni Ion

"Okay. Iinom kayo?" tanong ulit ni Vice

"Yes po, Babe. Pwede ba? nagkayayaan kasi mga kasama ko pong mag-bike. Okay lang naman kung hindi, sasabihin ko na lang sakanila o kahit sa bahay na lang na'tin. Papuntahin ko na lang sila" sabi ni Ion

"Okay lang ba sa'yo na sa bahay na lang kayo?" tanong ulit ni Vice

"Okay, Babe. Thank you. I love you" sagot ni Ion

"I love you, too! Wala naman akong lakad mamaya. Doon na lang ako sa kwarto na'tin. Sabihan mo na rin sila na magdala ng extrang damit kilala kita, pag nalalasing ka tumatalon ka sa swimming pool" natatawang sabi ni Vice

Dahil sa naging paguusap ng dalawa, hindi na nga naka-abot si Vice sa unang part ng Girl on Fire kaya minabuti na niyang sa TNT na lang bumawi. Kaya tinabihan na lamang niya si Ion sa may audience seat habang nagh-host ang VhongAnne kasama si Jackie

"Madlang People, sabay-sabay na'ting sabihin kay Vice, Maharot ka. Kaya po hindi naka-sama 'yan dito kasi nanuyo pa, plus nagharutan backstage sila ni Ion" pangbubukayo ni Vhong

"Hoy, wala kang pruweba. Huwag kayo maniwala, Madlang People. Kumain lang po kami" sagot ni Vice

"Meron ako. Caught off cam" natatawang sabi ni Teddy

"Ah ganyan, pinagtutulungan niyo ko rito. Hindi ako papasok bukas, sige!" sabi ni Vice at kunwari naiinis

"Eto naman hindi na mabiro. Kunwari wala kayong marinig, guys" bawi agad ni Vhong


Natapos ang show at diretsong umuwi na ang dalawa sa bahay

"Ate, may naghahanap po kay Kuya Ion. Nasa labas po" sabi ni Jackie

"Papasukin mo, nasa CR pa si Ion. Sabihin ko na lang. Salamat" sagot ni Vice

"Babe, may naghahanap daw sa'yo sa baba" malakas na hiyaw ni Vice. Sakto lang para marinig ni Ion mula sa CR

"Okay Babe, matatapos na ako" sagot ni Ion

Natapos ng maligo si Ion, kaya lumabas na siya. Saktong paglabas ni Ion galing sa CR. Nakita niyang umiiyak si Vice

Viceion One Shot StoryWhere stories live. Discover now