Baguio Escapade

2K 60 19
                                    

HAPPY READING! ENJOY! :)

-

Maagang nagising si Vice at agad-agad na dumiretso sa Dining Area at naghanap ng makakain dahil nakaligtaan nitong kumain kagabi

"Jackie ano pagkain meron tayo ngayon dyan?" tanong ni Vice sa isa sa mga angel nito at kasama sa bahay

"Hmm ate Vice afritada, lechon kawali, kare-kare tapos Buko salad po" sagot ni Jackie na isa sa mga angel ni Vice sa bahay

"Jackie, pumunta kang Guard House ibigay mo nalang doon niyan at eto pera kumain kayo sa labas gusto kong pumunta sa Baguio, gusto niyo bang sumama?" pagaaya ni Vice sa isa sa mga Angel niya

"Nako hindi na po ate, si Kuya Jun nalang po sama niyo tsaka sila Kuya Budi ilang beses na po kasi siyang inaaya ni Kuya Ion sa Baguio" pagpapaliwanag ni Jackie kay Vice

"Kay Ion? bakit?" paguusisa ni Vice

"Nakwento po kasi ni Kuya na gusto daw pong mag-baguio ng Nanay niya may uuwi po atang kapatid niya, si Kuya Budi nalang po inaaya niya nahihiya po ata magsabi sa inyo" sagot ni Jackie at nilisan si Vice

Ilang minuto palang ang lumilipas pagkatapos mag-usap nila Vice at Jackie na isa sa mga angel niya at biglang tumunog ang ganyang cellphone hudyat na may tumatawag at agad agad niya itong sinagot na hindi man lang tinignan kung sino

"Hello" pang bungad ni Vice sa kausap

"Hi love" bati nang sa kabilang linya

"Oh ikaw pala Love, why?" sagot ni Vice

"Oh bakit may iba ka pa bang hinihintay na tawag tutoy?" banat ng nasa kabilang linya

"Ion parang gago" inis na sagot ni Vice sa kausap

"Ion nalang ngayon Vice? Hindi mo na ko love?" malungkot na pagtatanong ni Ion sa kanyang nobya

"Parang tanga maglubay ka nga LOVE" may diin na sagot ni Vice sa salitang "love"

"Love, tara Baguio, uuwi sila Nathalia eh, ayaw naman nila Kuya Budi baka magalit ka raw" pagaaya ni Ion sa kasintahan

"Talagang magagalit ako, ako fiance mo tapos iba inaaya mo!" inis na sabi ni Vice sa kabilang linya

"S-sorry na love, nahihiya lang kasi ko ang dami mo ng ginagawa baka nakakaabala na ko" pagpapaliwanag ni Ion sa kasintahan

"Kailan ka pa naging abala ha Ion? Kailan pa? Unabis ba pinaramdam ko sayong abala ka lang? Bahala ka nga sa buhay mo" sagot ni Vice sa kasintahan at binaba ang tawag

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ni Ion inis na pumanik ng kwarto si Vice dahil hindi niya nagustuhan ang inasta ng kasintahan at soon to be husband

Sa kabilang banda, Hindi mapigilang umiyak ni Ion dahil sa naging sagutan nila ni Vice, hindi niya lubos akalaing magiging ganon yung pabiro niyang sabi sa magiging asawa niya sa susunod na buwan kaya dali dali siyang nagbihis at pumunta sa bahay ng nobya

Pagkarating na pagkarating ni Ion sa Green meadows dali dali siyang pinapasok ni Mang Jun. Nakarating na siya ng pinto at pinagbuksan naman siya ni Budi

"Babe si Love?" pagtatanong agad ni Ion kay Budi

"N-nasa kwarto niya babe" kinikilig na sagot ni Budi (A/N: Bet ni Budi si Ion dito, at okay lang kay Vice na tawaging "babe" ni Budi si Ion)

"Salamat" sagot na Ion at agad na tinungo ang kwarto ng fiance

Pagkapasok ni Ion sa kwarto, nakita niyang natutulog ang dalaga kung kaya agad agad niya itong tinabihan at yinakap.

Viceion One Shot Storyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن