DALAGA 49❀

10.1K 1.2K 5.1K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


AAMININ ko na noong mga sandaling kaharap namin si Quentin ay pilit kong inalala kung binanggit niya nga ba sa'kin noon ang pangalan ng university na pinapasukan niya.

Maaaring nabanggit niya pero hindi ko matandaan. Pero hindi iyon ang mahalaga sa mga oras na 'to, dahil alam kong maraming tanong sa isip niya at isa sa mga pagkakamali ko na hindi ko siya kinontak.

Sa mga nakakabiglang pangyayari sa buhay ko ay nawala sa loob ko... na nandiyan nga pala si Quentin at hindi lang siya basta isang kaibigan.

Naramdaman ko ang titig nilang dalawa sa'kin at natauhan lang ako nang tumikhim si Miggy.

"A-Ano... Quentin... Miggy..." Nagkanda-letse-letse na ang takbo ng isip ko. Parang computer na nag-hang. Kulang na lang ay himatayin ako sa sobrang bigla.

"Remison and I are childhood friends. She's studying here from now on," sabi ni Miggy, may bakas din ng pagtataka ang seryoso niyang mukha. "I'm surprised that you know her, Q."

"She's my—"

"Miggy, pwede bang mag-usap muna kami ni Quentin?" sabi ko bigla sa kaharap ko.

"Go ahead, malapit na rin 'yung class ko," sagot ni Miggy sabay tayo. "I'll leave the two of you. Remi, I'll text you later."

Umalis na si Miggy pero nanatiling nakakunot si Quentin. Ngayon lang ako nakakita ng anghel na nakasalubong ang kilay, kapag kasi magkasama kami ni Quentin ay palagi lang siyang nakangiti.

"Uhm... Quentin?" tawag ko sa kanya.

"Are you finished eating?" seryosong tanong niya at tumango lang ako, para tuloy akong batang nakabasag ng pinggan. "Let's go somewhere."

Hinawakan niya ako bigla sa braso at hinila papunta kung saan. Namalayan ko na lang nasa may outdoor ampitheater kami at umupo sa bakanteng pwesto na may lilim.

"I think you owe me a serious explanation, I almost got a heart attack, you know?" napalitan ng concern ang itsura ni Quentin.

Napaluno ako nang sunod-sunod. "Magkababata kami ni Miggy katulad nang sinabi niya, at... Biglang nag-alok ng tulong ang daddy niya na tulungan kami sa gastos sa ospital at saka... pag-aralin ako rito sa school ni Miggy. S-Sorry kung hindi ko nasabi sa'yo 'agad noong dumating ako kahapon dito sa Baguio."

Tinitigan lang ako ni Quentin pagkatapos kong sabihin 'yon, hindi ko nga alam kung naniniwala ba siya sa'kin o hindi.

"Sorry... I... I just don't believe it." Bigla akong kinabahan. "I mean... Fate's crazy." Napangiti siya at hinawakan ang kamay ko. "I'm really glad na nakatanggap na kayo ng tulong and you don't know how I happy I am to see you here. Are you feeling better here?"

Tumango lang ako at sunod niyang kinamusta si Mamang at Auntie at ibinalita ko naman sa kanya na malaking ginhawa ang naging tulong ni Tito Miguel sa'min.

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon