DALAGA 92❀

6.1K 757 2.9K
                                    

HINDI ako makahinga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI ako makahinga. Kahit na maluwag ang espasyo ng paligid ay parang wala akong ibang mapuntahan, hindi ako makagalaw. Kung hindi ako hawiin ng ibang mga pasaherong nakababa ay hindi ako gagalaw.

Unang beses ko ring makatuntong sa paliparan dito sa Maynila kaya hindi ko rin alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Hanggang sa napadpad ako sa mga upuan at naupo roon. Habang lutang pa rin ang aking isipan ay tumingala ako at nakita sa mga screen ang isang palatastas—naroon si Poknat.

Nabaling ang tingin ko sa kainan at nakita ang isang malaking estante niya. Sa tabi ko'y nakita ko naman ang isang mama na nagbabasa ng diyaryo at naroon din ang mukha niya. Zeke Gotzon, iyon ba ang bago niyang pangalan?

Pakiramdam ko'y napagtripan na naman ako ng kapalaran dahil kung kailan ako nakarating dito'y saka ko lang nalaman na nandoon siya sa pinaggalingan ko. Gano'n ka naging malapit ang layo namin—wala akong kamalay-malay.

Kung kailan nagpasya na akong tumayo para pumunta sa bilihan ng ticket pabalik ng Indonesia ay may naramdaman akong nag-vibrate sa loob ng bag sa likuran ko. Kinuha ko 'yung bag saka binuksan, nakita ko 'yung cell phone na binigay ni Deanna, may tumatawag na numero.

Nawala 'yung tawag at lumitaw ang isang mensahe mula sa kaparehang numero.

'THIS IS DEANNA. SAGUTIN MO YUNG CALL KO.'

Muling tumawag ang numero at kaagad ko 'yong sinagot.

"Hello, Remi—"

"Deanna, babalik ako riyan sa Bali!"

"Hah? Anong pinagsasasabi mo? Bakit ka babalik dito, may nakalimutan ka ba?" halata sa boses nito ang pagkairita.

"N-Nagkasalisi kami..."

"Nino?"

"Ni Poknat."

"Sinong Poknat?" Napabuntong-hininga ako. "'Yon ba 'yung jowa mo?"

"O-oo. Nandiyan siya sa Indonesia para mag-concert."

"Concert? Bakit? Artista ba siya?"

"Oo."

"Remi, natulog ka lang ng ten years, heredera ka na, ngayon naman may jowa kang artista—"

"Siya si Zeke Gotzon."

"What?!" Halos mabingi ako sa boses niya. "No freaking way! Teka... Teka... Naalala ko bigla, may narinig akong tsismis noon na ka-university namin 'yang si Zeke Gotzon, siya ba 'yung nakilala namin sa 360 Bistro?!"

"Deanna—"

"Girl! Kinakabahan ako para sa'yo! Hindi mo alam kung gaano katindi ang mga fans niyan!" Hindi ko inintindi 'yung sinabi niyang 'yon. Ang nasa isip ko ngayon ay 'yong makabalik doon.

"Bibili na ako ng ticket pabalik diyan—"

"Gaga! Huwag ka nang bumalik dito!"

"B-Bakit?"

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon