DALAGA 66❀

10.5K 1K 4.7K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


PANG-ILANG hikab ko na ba 'to? Hindi ko na alam. Bukod din ay kanina pa rin papikit-pikit 'yung mga mata ko. Sumandal ako sa upuan at saka sumulyap sa orasan. Mag-aalas nuebe palang ng gabi pero inaantok na ako. Alam ko na, para mawala ang antok ko'y kinuha ko ang phone ko at binuksan 'yon.

Kaagad akong nagtungo sa Facebook para lang tumingin-tingin ng updates ng buhay ng iba. Panay like lang ako sa mga post ng mga friends ko. Teka, ngayon ko lang napansin na may nag-send ng friend request sa'kin.

Etta Camia sent you a friend request.

Pinag-isipan ko kung dapat ko na bang i-confirm 'yon. Bigla ko na namang naalala 'yung nangyari kanina.

"Remi, boyfriend ko nga pala."

Iyon ba ang balak sabihin ni Poknat sa'kin no'ng uwian? Hindi ko alam. Halatang nagulat si Poknat nang sabihin 'yon ni Etta, wala siyang kaagad nasabi kaya naman iniwanan ko na sila, nagcommute ako pauwi. Ayoko namang makaabala sa kanila, ano.

Isang minuto lang din akong nakatitig sa screen ko. Imbis na pindutin ko 'yung confirm ay pumunta ako sa profile ni Etta. Kaso naka-private 'yung mga post niya kaya wala rin akong nakita. Tiningnan ko na lang 'yung mga profile pictures niyang naka-public.

Tama nga 'yung sinabi nina Anne dahil iba-iba nga ang trip na kulay ni Etta sa buhok niya. Tumigil ako sa pagpindot ng next nang makita ko 'yung picture na nilagay ni Poknat sa kwarto ko—'yong picture nilang dalawa na magkasamang kumakanta. Two years ago pa ang picture na 'yon. Matagal na rin pala silang magkakilala.

Napapitlag ako nang may marinig akong sitsit. Akala ko guniguni lang 'yon nang bigla kong makita na may nakatayo sa labas ng bintana ko. Sa gulat ay napatili ako. Multo!!! May multo nga talaga rito! Dali-dali kong kinuha 'yung unan ko—nang biglang bumukas ang bintana.

"Ming! Sshh! Ako 'to!" Natigilan ako nang makita siya pero ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko sa takot. "Ako 'to! Ako 'to!" mahinang sigaw niya. Ilang segundo munang dinigest ng utak ko na hindi multo ang nakita ko.

"Ikaw!" napalitan ng sobrang inis ang takot. Tumayo ako sa kama at malakas na hinagis kay Poknat 'yung mga unan. Nasapol naman siya sa mukha. Mas sumiklab ang inis ko nang marinig ko pa siyang tumatawa. Kaya nang damputin ko 'yung alarm clock sa bed side table ko'y napatakip siya ng ulo.

"Huwag! Masakit 'yan!"

Akma ko palang ibabato sa kanya 'yon nang marinig namin parehas ang tatlong malakas na katok sa pinto.

"Remi? What happened? Are you okay?" boses 'yon ni Miggy.

Napatingin ako kay Poknat. Mabilis na nag-isip ang utak ko—kung makikita kami ni Miggy na magkasama rito ay tiyak kong hindi maganda ang iispin niya! Kahit na wala pa akong sinasabi kay Poknat ay kusa siyang dumapa at nagtago sa ilalim ng kama ko. Sa taranta ko'y hindi na ako nakaangal, saktong bumukas ang pinto at niluwa si Miggy.

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon