✿SEASON TWO✿

20.3K 2K 960
                                    


"You are allowed to take your time, to grow in your own beautiful way." 
-Dhiman


IKALAWA


"MINGMING! Laro tayo!"

Nakita ko si Detdet na nakasungaw sa bintana, abot tenga ang kanyang ngiti kahit na kulang-kulang 'yon.

"Naku, Detdet, puro libag ka na naman!" biglang dumating si Mamang galing kusina.

"Mingming! Halika na! Susunduin pa natin si Miggy!"

Namalayan ko na lang na tumakbo ako palabas at magkasama kami ni Detdet na nagtungo sa likuran ng mansion nila Miggy kung saan kasalukuyang umaakyat si Poknat sa puno para makapasok sa loob ng kwarto ni Miggy.

Ilang sandali pa'y nakita ko si Miggy at Poknat na bumababa gamit ang pinagdugtung-dugtong na tela.

"Mahuli may tae sa pwet!" sigaw ni Poknat at sabay-sabay kaming nagtakbuhan patungong Duluhan.

Naalala ko pa rin pala.

Napakaganda ng sikat ng araw noong hapon na 'yon. Hindi gano'n kainit at presko ang hangin. Naglaro kami ng langit lupa hanggang sa mapagod kaming apat.

Maraming dinala si Miggy na makukulay na papel at tinuruan niya kaming gumawa ng bangkang papel, pagkatapos ay pinalutang namin 'yon sa sapa. Pagkatapos ay tinangay 'yon ng mahinang agos at naglaro kami kung kaninong bangkang papel ang mauuna.

Kaso hindi rin nagtagal ay lumubog ang mga bangkang papel namin nang mabasa 'yon nang tuluyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaso hindi rin nagtagal ay lumubog ang mga bangkang papel namin nang mabasa 'yon nang tuluyan.

Kaya gumawa na lang ulit kami ng mga sombrero gamit ang makukulay na papel ni Miggy.

Bakit hindi ko namalayan na tapos na ang mga sandaling 'yon?

Hanggang sa isa-isa silang nawala.

Kinuha ng maaga ng langit si Detdet. Umalis si Miggy papuntang Amerika. Umalis si Poknat papuntang Maynila. At ako ang naiwan.

Pero bakit pakiramdam ko palagi akong naiiwan?

Sabi ni Mamang kapag daw may umaalis ay palaging may dumadating. Kapag may nagsasara, may magbubukas.

Grade three noong una kong naging kaklase sila Viggo. Grade three, first communion.

Isa-isa kaming pinalapit sa pari para aaminin ang mga kasalanan namin at humingi ng patawad kay Papa God Pagkatapos ihuhulog namin 'yung sulat, na naglalaman ng mga kasalanan namin, sa kahon upang sunugin—upang mailigtas kami sa mga kasalanan namin.

Kung sana gano'n na lang palagi kadali na kalimutan ang mga kasalanan at pagkakamali.

First communion nang una kaming magkatabi ni Viggo sa upuan. Nang dumating ang oras para kantahin ang Ama Namin ay magkahawak ang mga kamay naming dalawa.

Munting kilig na hiniling ko noon na sana ay hindi magwakas.

Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko pero kakaunti lang ang kasalanan na naisulat ko sa papel na hinulog ko sa kahon. Ang mga kasalanang sinulat ko at binanggit ko kay Father:

1. Nagbabasa ng pocketbook ng palihim
2. Sumasagot ng pilosopo kay Mamang minsan
3. Nakakalimutang magdasal bago matulog at kumain
4. Nagsisinungaling minsan na nakapagreview na para makanuod ng anime
5. Minsan naiinis sa mga kaklase
6. Hindi kumakain ng pasas, carrots, at ampalaya. 
7. Hindi nauubos ang pagkain (marami pa namang nagugutom). 
8. Iyakin

Pero may mga sinulat ako roon na wala sa rules... Sinulat ko 'yung tanong ko na alam kong hindi ko masasagot ni Mamang kaya kay Papa God ko tinanong.

Papa God, bakit wala po akong nanay at tatay? 'Tsaka bakit po kailangang umalis ng mga tao?


᠃ ⚘᠂ ⚘ ˚ ⚘ ᠂ ⚘ ᠃


Dumilat ako nang marinig ko ang tunog ng isang pamilyar na tunog ng musika. Bumangon ako at nakita ko siya sa may piano, as usual, tumutugtog.

Nakatulog pala ako sa may sofa at nakita ko sa lamesita ang mga nakakalat na papel, inayos ko 'yon at pinulot ko ang mga nahulog nitong piraso sa sahig.

Napatingin ako sa kamay ko at winari... Nasaan ako ngayon?

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang magarang silid na tila galing sa isang lumang panahon, may magagarang dekorasyon at mga libro. Maraming bintana na may puting kurtina na abot sahig ang hinahangin, kulay ginto ang sinag ng araw na tumatanglaw sa loob ng silid.

Natanaw ko ang labas ng bintana at nakita ang malawak na damuhan.

"I'm glad you're awake," sabi niya nang huminto sa pagtugtog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I'm glad you're awake," sabi niya nang huminto sa pagtugtog. Lumapit siya sa'kin at umupo kaharap ko.

"N-Nabasa mo na?" tanong ko sa kanya.

Inayos niya muna ang kanyang salamin bago prenteng sumandal sa upuan.

"Yes, dear," sagot niya. "You describe it vividly and even used a language of a child." Nakita ko ang bahagya niyang paghalakhak.

Hindi ko maiwasang mahiya kaya napayuko ako.

"I'm sorry," tumigil siya at muling sumeryoso, napalitan ng pag-aalala ang itsura. "I don't intend to sound rude but I actually love what you wrote.

Nakatitig lang ako sa kamay ko at nakita roon ang mga dumi ng mga tinta ng panulat. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita siyang nakangiti.

"Kailangan ko ba talagang alalahanin lahat?" nag-aalangang tanong ko.

"It's helping you, my dear," sagot niya. "Keep writing, Remi." Tumayo siya at bumalik sa piano para tumugtog muli.

Napahinga ako nang malalim.

Inayos ko ang mga gamit sa lamesita, marami roong iba't ibang larawan mula sa nakalipas. Tama siya, kailangan kong magsulat.

Hinawi ko nang hinawi ang mga larawan dahil sobrang dami nito, natigilan ako nang makita ko ang isang class picture.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Pumikit ako upang alalahaning muli ang lahat. 

"High school life..."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon