DALAGA 59❀

11.8K 1.2K 1.5K
                                    

"WHERE are you going?" Matapos ang ilang araw na pag-iwas ko sa kanya ay ngayon na lang ulit ako kinausap ni Miggy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WHERE are you going?" Matapos ang ilang araw na pag-iwas ko sa kanya ay ngayon na lang ulit ako kinausap ni Miggy.

Sakto kasing pagkalabas ko ng kwarto ko'y pumasok siya sa loob mula sa veranda. Napansin niyang nakabihis ako ng panlakad at may dala-dalang bag pack, kauuwi ko lang din kasi halos sa school.

Wala na nga sana akong balak magpaalam sa kanya pero heto at mukhang siya na ang kusang nag-usisa.

"May lakad lang ako," sagot ko na hindi makatingin ng diretso sa kanya, naiilang kasi ako na wala siyang suot na pang-itaas, mukhang hobby niya pala talagang magwork out kapag wala siyang pasok. "Birthday ni Azami, overnight." Ilang araw din akong kinulit ni Azami na umattend sa birthday niya dahil kasama raw ako sa 18 Candles, nakita ko nga sa invitation.

"Sinong kasama mo?" tanong niya saka sinuot 'yung sweater na hawak. Sa tuwing nakikita ko siya'y pinipigilan kong mainis, hindi ko pa rin kasi nakakalimutan 'yung ginawa niya. Mukhang naramdaman naman niya 'yon nang hindi ko na siya pinapansin, kahit ultimo magpaalam pagpasok sa school. Ngayon na lang talaga kami ulit nag-usap simula nang mangyari 'yon.

"Si Quentin at 'yung pinsan niya na si Corra," sagot ko naman. Bahagyang napaarko 'yung kilay niya nang marinig ang sagot ko.

"I thought you're over with him?" blangkong tanong niya kaya hindi ko alam kung anong gusto niyang ipakahulugan do'n.

"Magkaibigan pa rin kami," direktang sagot ko. "Hindi ka ba pupunta sa party ni Azami?" tinanong ko 'yon para maiba 'yung takbo ng usapan namin, kasi baka mapunta na naman sa kung saan. Nakita ko rin kasi sa invitation na kasama si Miggy sa 18 Roses.

"Sounds boring," iyon ang sinabi niya bago ko maramdaman na tumunog 'yung phone ko at nakita ang text ni Corra, nasa labas na sila.

"Nandito na sila," sabi ko at dali-daling bumaba, hindi ko na siya tiningnan pa.

Nakapagpaalam naman na ako kay Manang noong umaga pa kaya hindi ko na siya hinanap. Diretso akong lumabas ng bahay at nadatnan ko ang kotse ni Quentin, bumukas ang mga bintana at sumungaw sina Corra.

"Hi, Rems!" bati ni Corra.

"Oh, hindi sasama ang fiancé mo?" casual na tanong ni Quentin na nakangiti. "He might get jealous," biro pa niya at napailing naman ako.

"Alam naman niya na kasama rin si Corra," sagot ko at napakunot naman ang huli. Pumasok ako sa loob.

"At ginawa mo pa talaga akong palusot?" nakangusong sabi ni Corra. "Kunsabagay, wala naman na siyang dapat pagselosan kung walang something sa inyo. Teka, meron na ba?"

"Socororo, you're hurting my feelings," biglang sabat ni Quentin sa nagbibiro pa rin nitong boses. Pinaandar n anito ang sasakyan.

"Pasimpleng tsismosa rin 'tong si Corra," sabi ko naman. "Walang something sa'min ni Miggy." Meron kaya, hinalikan ka nu'n! Sabat ng kunsensya kong may sungay sa utak ko na pilit ko namang pinalis.

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon