DALAGA 54❀

9.8K 1K 3.9K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"ANONG sinabi mo?" tanong niya matapos kong sabihin 'yon. Alam kong sapat ang lakas ng boses ko para marinig 'yung sinabi ko kanina pero gusto niyang ulitin ko.

Napapikit ako saglit at saka huminga nang malalim. Kusang lumabas sa bibig ko 'yung pangungusap na 'yon, huli na para bawiin at magsisi.

"Kasi ipapakasal na ako kay—"

"Mingming! Seryoso ka ba sa pinagsasasabi mo?" putol niya bigla sa'kin. Hindi ko matanto kung galit ba siya, magkasalubong 'yung mga kilay niya.

Dahan-dahan akong tumango bilang sagot.

"Paanong ipakakasal ka kay Miggy? Hindi ko maintindihan. Tapos magkarelasyon kayo ni Canteen. Anong trip mo sa buhay?" ngayon alam kong galit nga siya, parang inis na inis sa'kin. At saka ko narealize na kahit sinong matinong tao na makaalam ng sitwasyon ko'y parehas ng magiging reaksyon ni Poknat, kulang na lang ay sabihan niya ako ng masasakit na salita.

"Noong na-ospital si Mamang, walang-wala kaming pera, kahit kumayod si Auntie ay kulang pa rin. Sinubukan kong magtrabaho, pinabayaan ko 'yung pag-aaral ko noon, natanggal 'yung scholarship ko, pero hindi pa rin sapat," walang preno kong sabi habang nakayuko.

"Mingming... I'm sorry, hindi ko alam." Lumambot bigla 'yung boses niya. Nagpatuloy ulit ako.

"Hanggang sa dumating si Tito Miguel para bigyan kami ng tulong, ipapagamot niya si Mamang sa mas mahusay na ospital, at pag-aaralin niya ako—sa isang kundisyon, magpapakasal kami ni Miggy sa tamang edad."

Halos kumuliglig matapos kong sabihin 'yon. Pagkatapos ay narinig kong mahina siyang natawa, 'yung tawa na hindi makapaniwala.

"Imposible, tumulong nga sa inyo pero gano'n ang kapalit? Pambihira," sabi niya nang hindi nakatingin sa'kin. "Pumayag ka."

"Oo—"

"Wala na bang ibang paraan?"

"Wala na!" biglang napalakas 'yung boses ko, pati ako nagulat sa sarili ko. Biglang nag-init 'yung dalawang sulok ng mga mata ko. Akala ba niya madali sa'kin 'to? "Kahit kami na noon ni Quentin noon ni hindi ko man lang siya inisip nang tanggapin ko 'yung alok dahil mahal ko si Mamang, Poknat. Oo na, ako na ang makasarili—"

"Wala akong sinabing makasarili ka," sabi niya sabay hinawakan 'yung mukha ko para salubungin ang tingin niya. "Naiintindihan mo ba ng lubos kung ano 'yung pinasok mo?"

Hindi ako makasagot sa tinanong niya. Kasi alam kong hindi ko magagawang sumagot ng kampanteng oo. Kaya sa huli ay umiling ako.

"Kaya nga makikipaghiwalay ako kay Quentin para malinis na ang kunsensya ko," sabi ko. Inalis ko 'yung kamay niya sa pisngi ko dahil hindi ko kayang tingan nang matagal 'yung mga mata niya. "Hindi ko na kayang maging unfair sa nararamdaman ni Quen—"

"Pero sa tingin mo ba kapag nakipaghiwalay ka sa kanya magiging masaya ka pa rin?" may diin ang pagkakatanong niya. Napatitig ako kay Poknat ng ilang segundo, seryoso ang mga mata niya, kay lalim at para akong hihigupin ng kaibuturan nito. "Hindi. 'Di ba?" siya ang sumagot sa sarili niyang tanong pero alam kong tama siya. "Hindi ka pa rin magiging masaya kasi tinali mo na 'yung sarili mo sa taong hindi mo naman mahal!"

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon