DALAGA 51❀

11K 1.2K 6.2K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NGAYON na lang 'ata ako kinabahan ng sobra. Dala ng kunsensya at malambing na pamimilit ni Quentin ay napapayag niya ako na pumunta sa kanila.

Mabuti na nga lang at may naibaon akong dress kahit papaano at may nasuot ako ngayon. Binili ito ni Auntie sa palengke dahil nagandahan siya at naisip na bagay daw sa'kin, isang one piece off-shoulder dress na bulaklakin. At mabuti na lang din ay nabaon akong isang itim na sandals.

"Saan ang lakad mo?" tanong ni Miggy nang makita akong bumaba. Nasa may sala siya at nanonood ng TV.

"Ah... Miggy, sorry kung hindi ako nakapag-paalam 'agad kasi..." bago ko pa matuloy ang sasabihin ko'y nakarinig kami ng busina sa labas.

"Oh, a date," sabi niya sabay tingin ulit sa TV.

"Niyaya lang ako magdinner ni Quentin sa kanila, ihahatid din niya ako pauwi." Para tuloy akong bata na nagpapaalam sa tatay. "Uuwi rin ako ng maaga!"

"Okay. Enjoy yourself," blangko niyang sabi.

Nagpaalam ako kay Manang at maging ito'y nagulat. Pero hindi nag-usisa si Manang Kang at sinabing mag-ingat na lang daw ako.

"Wow, you're so stunning," bati sa'kin ni Quentin nang makita ako. Pinagbuksan niya pa nga ako ng pinto sa passenger's seat. Napansin ko na wala siyang driver na kasama.

Ang totoo'y nahihiya ako sa suot ko dahil parang masyadong OA, eh maghahapunan lang naman kami? Kaso bukod sa mga pantalon, tshirt, at blouse na pamasok ay ito lang ang disenteng damit na pwede kong iharap sa pamilya ni Quentin.

Gusto ko ngang sapukin 'yung sarili ko dahil masyado akong nag-aalala. Hindi ako dapat mag-aalala dahil...dahil nasa isip ko na tapusin 'yung sa'min pero heto at nakasakay na ako sa kotse papunta sa kanila.

Masayang nagkwento si Q habang nagmamaneho, ako naman ay matipid lang kung sumagot at mabuti't hindi niya ako tinatanong kung bakit. Hindi ko lang masabayan ang mataas niyang enerhiya, pero hindi naman siya sobrang hyper.

Kalahating oras lang ang binyahe namin bago makapunta sa subdivision nila, medyo natraffic din kasi kami dahil hapon na at uwian ng mga tao. Sa isang subdivision pumasok kami at higit na mas malawak 'yon kaysa sa pinanggalingan namin, parang napaka-exclusive naman ng mga taong nakatira.

"Oh, you'll see Gabi later," dinig kong sabi niya, hindi pa rin matanggal ang ngiti.

Dumating na rin ang kinatatakutan ko nang huminto kami sa harapan nang napakalaking bahay. Kung mansion ang tawag sa bahay nila Miggy ay ano pa ba ang tawag sa bahay nila Quentin? Doble ang laki at lawak.

Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto at hinawakan sa kamay saka sabay kaming naglakad papasok sa loob.

Halos magningning ang mga mata ko nang makitang nagniningning din ang buong kabahayan. Kay taas-taas ng mga kisame at purong marmol ang sahig, parang nakakadulas. Parang museum ang bahay nila sa dami ng magagandang sculpture at painting.

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon