DALAGA 74❀

8.3K 897 3.1K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"SAY ahhhh—dali na, Ming."

"Poknat, may sarili akong kamay," saway ko sa kanya dahil talagang pinipilit niyang isubo sa'kin 'yung bibingka.

Pagkatapos kasi ng misa ay hindi namin mapigilang parehas tumigil sa tindahan ng kakanin, sobrang bango kasi kaya napabili tuloy kami. Bigla akong natauhan nang maubos ko 'yung kinakain ko. Anong oras na? Lagpas ala sais na!

"Poknat! Kailangan ko nang umuwi."

"Oo nga pala," sagot niya at bahagyang bumagsak ang balikat. "Kung pagagalitan ka rin lang naman lubos-lubosin na natin ang paggala—aray ko!" Hinampas ko kasi siya sa braso.

"Loko-loko ka! Ayokong nag-aalala si Mamang," sagot ko naman.

Hinimas niya ang hinampas kong braso. "Nagbibiro lang naman ako, Cinderella," malungkot niyang sabi.

"Magkikita pa naman ulit tayo sa Baguio. At saka kailangan mo na ring bumalik do'n, 'di ba?"

"Kung sasabihin mong huwag muna akong umuwi, hindi ako uuwi, willing naman akong matulog sa labas ng bahay n'yo o kaya kahit itago mo ako sa ilalim ng kama."

"Siraulo ka talaga," natatawa kong sabi. Sa mga biro ni Poknat ay nawala tuloy kahit papaano 'yung pangamba ko. Hindi naman na siguro ako pagagalitan ni Mamang na medyo late ako umuwi, umm... College student na kaya ako.

Pero akala ko lang pala 'yon.

Pagkauwing-pagkauwi ko ay bumungad sa'kin ang sermon ni Mamang. Nangyari ang kinababahala ko.

Subalit hindi dahil sa late akong umuwi.

"Remison, mag-usap nga tayo, bata ka, umupo ka," iyon ang bungad ni Mamang kaya wala akong palag na umupo sa katapat niya. "Bakit magkasama kayo ni Poknat maghapon?" Bago ko pa masagot ang tanong na 'yon ay sunod-sunod na niya akong binato ng mga nang-uusig na tanong. "Bakit ngayon ka lang umuwi? Anong ginawa n'yo sa simbahan? Anong meron sa inyo no'ng batang 'yon?"

Sa dami ng mga tanong ni Mamang ay hindi ko alam kung anong uunahin kong isagot. Nakita ko si Auntie na biglang lumabas ng kwarto ko, dumaan na parang hangin at pumunta sa kusina, sumulyap siya ng tingin sa'kin—'yung tingin na nagsasabing sorry.

Base sa tingin ni Auntie ay may kutob ako na sinabi nito ang totoo kay Mamang, hindi naman ugali ni Auntie ang magsinungaling para pagtakpan ako.

"Bakit ka nakikipagdate sa iba kung gayong nakipagkasundo ka na sa anak ni Miguel?" siguro ang tanong na 'yan ang huling pinakainaasahan ko mula kay Mamang. Pero dahil do'n ay nakumpirma ang isa pang kutob ko.

Tumitig ako kay Mamang, nakakunot ang kanyang noo at magkasalubong ang kilay pero naramdaman kong hindi siya galit. Mayroon lamang pag-aalala at pang-uusig. Kulang na lang ay sabihin niya sa'kin, anong kagagahan ang ginagawa mo sa buhay, Remison?

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon