DALAGA 70❀

9.2K 941 996
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NAALALA ko na naman 'yung kasabihan na palagi kong naririnig noong hayskul, 'Huwag kang masyadong tumawa ngayon kasi bukas iiyak ka.' Ibig sabihin kapag masyado kang naging masaya ay asahan mo na may lungkot na paparating.

Gano'n na gano'n na ang nararamdaman ko ngayon dahil kagabi ay umuwi na sina Aiza, Burma, at Honey. Nagwakas din ang mga masasayang moments ng pamamasyal namin dito sa Baguio. Parang sobrang bitin nga kasi ang dami pa naming hindi napuntahan.

Nagising na lang ako kanina na parang walang nararamdaman, idagdag pa ang nakabibinging katahimikan sa bahay. Hindi man ako literal na umiiyak ay batid ko sa sarili ko ang lumbay. Empty feeling, gano'n.

May natitira na lang kaming ilang araw sa school bago ang bakasyon, kaso ngayong Lunes ay wala akong pasok dahil nagbilin na ang mga professors namin noong nakaraang linggo pa na wala ng meeting sa klase nila.

Ngayon lang ako naiwan dito sa bahay nang mag-isa. Si Miggy maagang pumasok, si Manang naman ay may pinuntahan at tanghali pa makakauwi. Sinubukan kong libangin ang sarili ko: nagdilig ng mga halaman, nanood ng TV, kinalikot ang treadmill sa veranda pero sinukuan ko rin.

Wala rin naman akong ganang magbukas ng internet at makita sa facebook ang mga post ng mga dati kong classmates na nagsasaya kasama ang mga friends at pamilya nila. Hindi ko rin naman makulit sina Aiza sa chat dahil paniguradong pagod ang mga 'yon sa biyahe.

Sa huli ay bumalik ako sa kwarto ko at naisipang mag-ayos ng mga gamit sa study table ko. Una kong nakita 'yung sulat na binigay niya last week... Sana kiligin ka kahit 5% lang... Nakita ko rin 'yung mga iba niyang binigay at naalala ang mga kalokohan niya.

Kalokohan? Naisip ko bigla na parang ang sama ko naman kung kalokohan lang ang tingin ko sa feelings na binuhos ni Poknat noong nakaraang linggo. Napabuntong-hininga na langa ko saka pinagsama-sama ang mga binigay niya sa'kin, pati 'yung teddy bear, at 'yung chocolate na hindi ko nakain.

Kamusta na kaya ang lokong 'yon?

Bago pa lumalim at lumipad ang takbo ng isip ko'y bigla kong nakita ang isang itim na folder. At saka ko naalala na iyon 'yung napulot ko noong pagkatapos naming manood sa teatro.

Dala ng kuryosidad ay ngayon ko lang naisipang buklatin 'yon, at para na rin matigil ang pag-iisip ko sa kanya. Tumambad ang papel na may titulo at pangalan ng may-ari. Isang akda? Ini-scan ko ang mga pahina. Hindi naman 'to nobela katulad ng nababasa ko sa mga gawa noon ni Corry, saka ko narealize na isa 'tong script.

May malaking ekis ng pulang marker ang unang pahina, maaaring rejected. Muli kong tiningnan ang pangalan ng sumulat at sa ibaba nito'y nakalagay ang isang contact number.

Mukhang alam ko na kung anong dapat kong gawin ngayong araw.

Wala pang isang oras nang magreply sa'kin ang number na tinext ko. Sinabi ko na ako ang nakapulot ng folder, nagpasalamat ito at tinanong kung maaari ba kaming magkita para ibalik ko sa kanya 'yon.

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon