DALAGA 81❀

6.9K 815 3.3K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KUNG tutuusin ay dapat masaya ako ngayong araw na 'to pero hindi ko masabing nagagalak ako ng buong puso. Buwan na ang mga nakalipas simula nang magkausap kami ng taong nagsabing siya raw ang totoo kongg ama, pero nandito pa rin sa kalooban ko ang pangamba.

Bawat araw na lumipas ay parang mas lumalaki ang mga katanungan sa aking isip, nakatatak na yata sa utak ko ang rebelasyong binitawan ni Tito Miguel at ang mga lihim na saka palang niya ibubunyag—kapalit ng desisyon ko.

Imbis na magpaliwanag kung paanong siya ang naging tunay ko ang ama at kung paanong hindi niya tunay na anak si Miggy ay sa halip binigyan niya ako ng dalawang pagpipilian: pipiliin ko si Poknat at ang katotohanan na hindi ko raw gugustuhing malaman o ituloy ang kasunduan na ikasal kay Miggy at iaabswelto niya ang lahat.

Base sa pagpipilian ay tila may hindi magandang mangyayari kapag pinili ko ang una—at may kinalaman 'yon sa pamilya ko, kina Mamang at Auntie. Pagkatapos no'n ay tila iniwan ako sa ere ni Tito Miguel at nangakong babalik siya sa araw ng debut ko para mahingi ang sagot.

Nilihim ko ang mga nalaman ko kahit na sobrang hirap, maging kay Poknat ay hindi ko nagawang magsabi. Kaya naging mahirap sa'kin na magpanggap na walang alam, sa labis na pag-iisip ay ni hindi na ako ulit sumubok maghanap ng trabaho.

Sinikap kong itinago kina Mamang at Auntie ang mabigat kong dinadala, hindi rin naman naging mahirap na pilitin ang sarili ko na ngumiti. Araw-araw akong nagdasal na nawa'y maging mabuti rin ang lahat.

"Ming? Huy! Smile ka naman diyan!" narinig ko na lang ang boses ni Ate Melai na tapos na pala akong lagyan ng makeup sa mukha. Napangiti ako nang makita ang itsura ko sa salamin.

"Wow, Ate Melai! Improving na talaga ang makeup skills mo, ah!" puri ko sa kanya. Katulad kasi ng ni-request ko sa kanya, hindi masyadong makapal at natural lang dapat, nabigyan ng kulay ang mukha ko pero hindi 'yon gano'n kasakit sa mata.

"'Di ba ang galing ko!" bulalas nito at pumanewang pa. Nagte-training kasi si Ate Melai dahil balak nitong mamasukang makeup artist. Ilang beses din niya akong pinagpraktisan at sawakas ay tila na-perfect niya ito.

'Yong pagkakaayos naman niya sa buhok ko ay simple lang din, kinulot 'yung dulo ng buhok ko at saka nilagyan ng flower crown. Ang suot ko naman ay kulay baby pink na off-shoulder mesh ruffle dress na may dekorasyon na rosas sa laylayan.

Rinig na rinig na 'yung ingay sa labas dahil halos lahat 'ata ng mga kapitbahay naming ay willing magparticipate para tumulong sa pag-aayos ng birthday ko—salamat sa pagiging mabuting kapitabahay ni Mamang.

Ilang sandali pa ay pumasok si Auntie sa kwarto ko, nakapostura rin siya at medyo humuhulas na ang makeup dahil siya ang pinaka-punong abala ng event na 'to.

"Ming, nandiyan na 'yung mga bisita mo, maya-maya magsisimula na 'yung program," sabi ni Auntie. "Melai, magready ka na rin at ikaw ang emcee."

"Oki! Magretouch ka muna, sis!" sagot ni Ate Melai at inabutan si Auntie ng pouch.

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon